Homerun Clash Review

Kung magbabalik-tanaw ka sa mga masasayang alaala mo noong ikaw ay nasa elementarya o hayskul ka pa lamang, marahil isa sa mga gusto mong balikan na karanasan ay ang paglalaro ng iba’t ibang sports tuwing Physical Education Class kasama ang makukulit mong mga kaklase, o tuwing nagdadaos ang inyong paaralan ng Foundation Day. Sa mga panahon kasing ito ay tiyak na maraming nakakatawang pangyayari ang nagaganap kagaya ng mga nadadapang player, natapilok, o hindi kaya ay hindi sinasadyang natamaan ng bola.

Noong hindi pa masyadong laganap ang social media, ang pangunahing libangan ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan ay ang paglalaro ng mga ball game, partikular na ang usong-uso noong baseball game. Sa mga hindi pa masyadong pamilyar sa larong ito, ginagamitan ito ng bat upang hatawin ang baseball ng may sapat na lakas upang magkaroon ng sapat na oras ang iyong mga kakampi sa laro na tumakbo sa mga base hanggang sa maka-iskor ng Home Run. Kung nais mong maranasan na maglaro nito, inihahandog ng Homerun Clash HAEGIN Co., Ltd. Sports ang pagkakataon na malaman mo ang ilang mahahalagang alituntunin sa paglalaro ng baseball sa pamamagitan ng mobile game na Homerun Clash.

Ano nga ba ang mayroon sa larong ito? Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang larong Homerun Clash ay hango mula sa sport game na baseball kaya katulad ng inaasahan, gagampanan mo sa laro ang karakter ng isang batter. Sa loob ng 90 segundo, kailangan mo na mahigitan ang iskor ng iyong kalaban, o mga kalaban upang tanghaling panalo sa laro.

Sa karagdagan, maraming game modes ang pwede mong mabuksan at malaro rito. Ngunit ang pangunahing mode na nilalaro rito ay ang 1 vs 1 Match kung saan mag-uunahan kayo ng iyong katunggali sa pag-ubos ng Experience Points (XP) ng bawat isa. Kung sino ang mauunang maubusan ng XP ay ang siyang talo sa laro. Isa pa sa mga patok na game mode dito ay ang Battle Royal kung saan hindi lamang isa ang iyong makakalaban, kung hindi ay tatlo. Kagaya sa naunang mode, mag-uunahan din ang mga manlalaro sa pag-ubos ng XP ng mga kalaban hanggang sa isa na lang ang matira.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Upang mabilis na maubos ang XP level ng mga kalaban, kailangan mong makagawa ng tuloy-tuloy na Perfect, o Critical Home runs dahil ang mga missed ball at foul na nagagawa mo ay magbibigay ng bentahe sa iyong mga katunggali. Ang bawat panalo ay magbibigay sa iyo ng mga tropeo at ang bawat talo ay magbabawas sa iyo ng mga puntos.

Bago hatawin ang bola ng baseball bat, siguraduhin na hintayin muna na lumabas ang pulang marka sa screen at tamaan ito dahil dito madalas na nagkakaroon ng Perfect, o Critical Home runs. 

Sa pagsisimula ng laro, ang default character na si Diane ang baseball player na kokontrolin mo. Ngunit sa kalaunan ay magagawa mo na ring ma-unlock ang iba pang players na may mataas na statistics. Pindutin lang ang card icon na makikita sa ibabang bahagi ng iyong screen upang pumili ng gusto mong player na gagamitin. Tandaan na sa pagpili, kailangan na isaalang-alang ang statistics nila pagdating sa Power, Impact, Contact, Announced Homerun, Liner at Curveball Killer. Siguraduhin na ang pipiliing character ay mayroong mataas na statistics dahil mabilis na tumataas ang presyo sa pag-upgrade sa mga ito.

Sa karagdagan, ang mga upgrade na dapat bilhin bukod sa Power ay Contact dahil malaki ang tulong na ibinibigay nito sa iyo upang padaliin ang paghataw ng bat. Gayundin, huwag kalimutan ang Impact sapagkat nagdudulot din ito ng malaking damage sa mga malalakas na kalaban.

Ang panonood ng optional ads, sa kabilang banda, ay isa ring mabisang paraan upang makatanggap ng mga libreng upgrade, habang ang pagkumpleto naman sa mga daily quest ay magbibigay sa iyo ng mga puntos upang magawang mabuksan ang mga silver at gold chest. Sa pamamagitan naman ng pagkolekta ng sapat na stars sa mga laban sa 1 vs 1 Match ay makapagbibigay sa iyo ng access upang mabuksan ang mga Match Star Chest nang hanggang dalawa kada walong oras. Sa tulong ng ilang mahahalagang card, magagawa mong makabili ng mga kakailanganing upgrades upang pataasin ang statistics ng iyong batter, o batters.

Sa Homerun Clash, mayroon ding tinatawag na tatlong kategorya ng skills na dapat mong isaalang-alang sa paglalaro. Ang unang kategorya ay tinatawag na Batter effect na mas nagpapalakas sa iyong batter at nagpapababa ng statistics ng pitcher. Ang pangalawang kategorya naman ay tinatawag na Batter Defense kung saan nagbibigay ito sa iyo ng proteksyon upang hindi tumalab ang ginagawang tactics ng kalaban kagaya ng pagbibigay sa batter mo ng anxiety, confusion, slower bat motion at iba pa. Ang huling kategorya naman ay ang Ball Defense na pumipigil sa pitcher na gumamit ng slower ball, o ninja ball. Ang tatlong kategorya na ito ay may malaking papel na ginagampanan upang manalo ka sa laro kaya tiyakin na dapat magagamit mo ang mga ito.

Saan Maaaring I-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangan naman na i-download ang Android emulator sa PC para gumana ito. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Homerun Clash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.haegin.homerunclash

Download Homerun Clash on iOS https://apps.apple.com/us/app/homerun-clash/id1345750763

Download Homerun Clash on https://www.bluestacks.com/apps/sports/homerun-clash-on-pc.html

Features ng Laro

  • Various Game Modes – Marami ang pwedeng salihan na battlefield sa larong ito. Kailangan mo lamang galingan sa 1 vs 1 Match at Royale Battle upang magawang mabuksan ang iba pang modes kagaya ng Story Mode, Challenge Mode at World Championship.
  • Lots of Freebies – Bukod sa mga Prize Chest, maaari ka ring makakuha ng mga libreng reward sa daily log ins kaya siguraduhin na araw-araw ay binubuksan mo ang laro kahit isang minuto lang.
  • Unique Characters – Maliban sa maraming upgrades na pwedeng gawin sa larong ito, itinatampok din ng larong ito ang mahabang listahan ng pwedeng pagpiliang mga characters kagaya ng isang boxer, body builder, genius hacker at iba pa.
  • Game Tutorial – Bago ka pa man sumabak sa mga game mode sa larong ito, sisiguraduhin muna ng laro na sapat na ang iyong kaalaman sa mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkatalo.

Pros at Cons ng Laro

Para sa Laro Reviews, ang Homerun Clash ay isa mga larong Home run na may maayos na gameplay at kahanga-hangang graphics. Bukod sa paminsan-minsang paglabas ng mga pop ad sa inyong screen, malaki ang naitutulong ng optional ads sa larong ito upang makatanggap ng libreng rewards ang mga manlalaro.

Hindi rin maitatanggi na napaka-challenging ng larong ito lalo na pagdating sa mga multiplayer game modes. Maayos rin at madaling gamitin ang control buttons ng laro kaya ang tangi mo na lang aalalahanin ay hulaan kung anong strategy ang gagamitin ng kalaban laban sayo, at kung anong upgrades ang dapat mong bilhin upang gawing mas malakas ang iyong batter kaysa sa mga kalaban.

Sa kabilang dako, isa sa mga bagay na hindi nagustuhan ng Laro Reviews tungkol sa Homerun Clash ay kapag napahaba ang iyong paglalaro at marami kang nakolektang Chests, pinapayagan lamang ng laro na magkaroon ka ng apat na stored chests. Ibig sabihin, ang sobra sa apat na mga chest ay mapupunta lamang sa wala. Sadyang nakakairita ito lalo pa at napakamahal ng presyo ng mga upgrade sa larong ito.

Maliban pa rito, hindi rin pwedeng palampasin ang laging pagkakaroon ng glitching sa laro kung saan kusa itong nag-e-exit. Madalas rin na nangyayari ang lag lalo na kapag naglalaro sa multiplayer kaya hindi maiiwasan na ikaw agad ang unang natatalo sa laro kahit hindi ka pa nakapagsisimulang humataw ng bola.

Konklusyon

Kung ikukumpara ang Homerun Clash sa ibang Home run games, nakakatiyak ang Laro Reviews na ang larong ito ay masasabing napapabilang sa God-tier list dahil bukod sa mga nabanggit na problemang teknikal, wala ng iba pang mahihiling ang mga manlalaro sapagkat maituturing na kumpletos rekados na ang larong ito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...