Captain Tsubasa ZERO – Miracle Shot – Review

Itinuturing na pinakatanyag na sports game sa buong mundo ang larong soccer, o mas kilala rin sa tawag na football. Sinasabi na naimbento ang larong ito noong 12th Century sa bansang England hanggang sa nakilala na rin ito sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, halos lahat ng tao sa buong mundo ay kilala, o pamilyar sa larong ito dahil madalas itong napapanood sa mga telebisyon at nalalaro sa mga paaralan. Kaya naman hindi na nakapagtataka na maging ang mundo ng mobile games ay napasok na rin ng sports game na ito. Isa nga sa mga sikat na soccer game na nilalaro ngayon online ay ang larong tinatawag na Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot-. Ngunit ano nga ba ang itinatampok ng larong ito at paano ito nilalaro?

Ang Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot- ay hinango mula sa isang Japanese Manga series na isinulat ni Yoichi Takahashi noong 1981. Ang larong ito ngayon ay umiikot sa kwento ni Tubasa Ozora, isang elementary student na lumipat sa Nankatsu Elementary School kung saan nakilala at laging nakakalaban sa larong soccer sina Genzo Wakabayashi and Kojiro Hyuga.

Ang gameplay ng laro ay kagaya rin sa kung paano nilalaro ang sport na soccer. Sa karagdagan, mayroon din itong 11 na players na binubuo ng Forward, Midfielder, Defender, Goalkeeper, Right Fullback, Left Fullback, Left Midfielder, Right Midfielder at iba pa. Maliban pa rito, ang laro ay maaari ring malaro sa pamamagitan ng cards o aktwal na mga player. Ang pangunahing layunin sa laro ay syempre ang manalo sa lahat ng laban upang makapag-uwi ng mga tropeyo at mga magagandang reward.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Kagaya ng mga soccer players, kailangan na nasa kondisyon ang iyong mga character na pinili bago mo sila isabak sa laro. Mayroong mahabang listahan ng mga pwedeng gamiting mga player. Mas lalo pa itong nadadagdagan kapag nananalo ka sa mga laban kaya hangga’t maaari ay sikaping ipanalo ang lahat ng mga sinasalihang laban.

Upang magkaroon ng malaking tsansa na manalo, siguraduhin na ang mga player na pinipili mo ay nagtataglay ng magandang record at may mataas na level status. Ngunit maaari ka rin naman na lumikha ng magagaling na players kapag i-na-upgrade mo ang mga ito. Ang pag-upgrade ay isang mabisang paraan upang matapatan ang ibang mga manlalaro, lalo pa at binubuo ng magagaling na soccer players ang larong ito.

Bago sumabak sa isang laban, dapat ka munang dumaan sa Tutorial upang maging pamilyar ka sa daloy ng laro. Napakahalaga ng mga impormasyon na ibinabahagi doon kaya hindi mo pwedeng kaligtaan ito. Isa pa, sa Tutorial mo rin malalaman ang kwento ni Tubasa at mahahalagang tips upang makalikha ng combo sa laro.

Malaking tulong din ang mga libreng reward na pwedeng matanggap sa laro para mas lalong mapalakas ang iyong koponan. Maaaring ang ibang rewards ay hindi mo pa kakailanganin kaya pwede mo itong maibenta kapalit ng karagdagang coins.

Tandaan din na lalong nagiging mahirap maipanalo ang mga laban habang umuusad ka sa laro, kaya tiyakin at pag-aralan muna ang statistics ng mga kalaban upang makapaghanda ka. Iwasan din ang pagbili ng kung anu-anong gamit lalo pa kung hindi naman ito kinakailangan.

Saan Maaaring I-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user at sa App Store para sa mga iOS user. Samantala, hindi pa available ang larong ito sa PC. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.gamepot.tsubasa.global

Download Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot on iOS https://apps.apple.com/ao/app/captain-tsubasa-zero/id1462848280

Features ng Laro:

  • Power Saving Mode and Normal Mode – Bago pa man tuluyang mabuksan ang mga game mode, bibigyan ka ng dalawang pagpipilian ng laro kung paano mo ito gustong laruin. Ang una ay Power Saving Mode kung saan ang mga player at background sa laro ay makikita ng simple, ngunit ang loading at operation ng laro ay higit na mas mabilis. Ang sunod naman ay Normal Mode kung saan ang mga player at background ay mas malinaw ng kaunti kung ikukumpara sa Power Saving Mode, ngunit ‘yun nga lang, mas mabagal ang loading at operation ng laro dito.
  • Main Story – Masasabi na ito ang pangunahing game mode ng laro kung saan malalaro rito ang napakaraming labanan. Mabubuksan lang din ang iba pang game modes kagaya ng Event Story, League at Side Stories kapag nabuksan na ang target na levels sa Main Story.
  • Gifts – Matatagpuan naman sa feature ng larong ito ang mga libre, ngunit tunay na mahahalagang rewards kagaya ng Transfer Ticket, Tsubasa coins, Skip Tickets, Daily Medal, Skill Evolution Ball at marami pang iba.
  • Card – Sakali namang pinindot ito, maaari mong i-upgrade ang iyong mga character upang gawin silang mas magaling sa paglalaro, makikita rin dito ang Evolve para matanggal ang mga limitasyon ng iyong mga character habang ang Sell Cards naman ay magbibigay sayo ng pagkakataon na makakuha ng card medals.
  • Player List – Sa larong ito, ikaw ang bahala na pumili ng mga gusto mong players na isabak sa laro, maging kung ano ang mga posisyon ng mga ito. Makikita rin dito ang statistics ng bawat character kaya kailangan mo na lamang pumili kung sino sa tingin mo ang magpapanalo sayo sa laban.
  • Shop – Kung sa tingin mo ay hindi pa sapat ang mga upgrade at reward na nakukuha mo ng libre sa laro, maaari kang makabili ng mga premium na upagrades dito katulad ng Ultra-Premium Transfer- Pierre, Napoleon Ticket- ticket pack at Match Ready pack.

Pros at Cons ng Laro

Inihahatid ng Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot ang isang kakaibang karanasan sa paglalaro ng sport na soccer. Hindi maitatanggi na maayos nitong nagaya ang gameplay ng totoong laro ng Soccer dahil mula sa mga rules hanggang sa atmosphere ng laro, masasabi mo talagang nanonood, o naglalaro ka ng aktwal na soccer game. Maliban pa rito, hindi maikakaila ng Laro Reviews na talagang nakakamangha ang graphics ng laro, lalo na ang mga visual effects na makikita rito na mas lalong nagbigay-kulay sa laro.

Sa karagdagan, automatic mode din ang larong ito. Ibig sabihin hindi mo na kailangan na kontrolin ang lahat ng iyong mga character upang paggalawin ang mga ito dahil kusa na silang kumikilos. Ang kailangan mo na lamang gawin ay gumamit ng mga combos, palakasin ang depensa ng iyong koponan, at i-activate ang attack power ng iyong mga manlalaro. May kalayaan ka rin na mag-customize ng sarili mong mga players dahil pwede kang pumili ng mga uniforms na isusuot nila.

Lahat ay pwede ring makapaglaro nito dahil walang karahasan o malalaswang larawan na ipinapakita sa laro kaya walang kailangang ipag-alala ang mga magulang na baka maimpluwensiyahan ng masama ang kanilang mga anak.

Sa kabilang banda naman, may ilang mga negatibong katangian ang larong ito na hindi pwedeng palampasin kagaya na lamang ng matagal na loading. Bago mo mabuksan ang bawat level, o game mode, kailangan mo munang maghintay na matapos ang ilang pag-loading na tumatagal din ng ilang sandali. Bukod pa rito, napakarami rin ng mga bagay na nakikita sa screen kaya hindi maiiwasan na malito ka kung alin dito ang dapat na pindutin.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, kung mahilig ka sa mga ball game particular na sa larong soccer, masasabi ng Laro Reviews na magugustuhan mo ang larong ito dahil bukod sa iilang negatibong katangian ng laro, tiyak na mapapabilib ka sa gameplay nito at talagang masusubok ang iyong diskarte upang makagawa ng mga goal. Kaya kung naghahanap kayo ng isang challenging, ngunit masayang laro, subukan na ang Captain Tsubasa ZERO -Miracle Shot-.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...