Super Soccer 3V3 Review

Ang soccer ay isa sa mga pinakatanyag na sports sa buong mundo. Ito ay nilalaro mula sa maliit na liga, mga institusyon, hanggang sa propesyonal at internasyonal na koponan. Bata man, kabataan o matanda ay naglalaro ng soccer. Kaya naman marami na rin ang nag-imbento ng larong soccer na maaari nating laruin sa ating device. Kung nais mong masubukang maglaro nito, tiyak akong magugustuhan mo ang larong nilikha ng LimonGames, ang Super Soccer 3V3. Ito ay opisyal na inilabas noong taong 2020 at patuloy na nilalaro hanggang ngayon.

Ang Super Soccer 3V3 ay isang fast-paced sports game. Sa larong ito, ikaw ay makikipaglaban kasama ang iyong grupo laban sa isa pang grupo. Simple lang ang mechanics ng larong ito dahil hindi ito naiiba sa totoong larong soccer. Kaya naman hindi ka mahihirapang aralin at intindihin ang gameplay nito. Subalit mayroon din itong pinagkaiba sa tunay na soccer game. Ang bawat koponan ng larong ito ay binubuo ng tatlong miyembro lamang imbes na labing-isa. Ito ang dahilan kaya mas mabilis itong laruin at madaling aralin. Sigurado akong magugustuhan mo rin ang larong ito gaya ng iba.

Ipamalas ang iyong husay sa paglalaro ng soccer at talunin ang kalabang grupo. Diskubrehin ang iyong potensyal na maging isang magaling na soccer player. Mag-isip at bumuo ng sariling estratehiya at taktikang makapagpapabagsak sa kalaban. Sa iyo nakasalalay ang tagumpay ng bawat laro. Handa ka na bang maglaro?

Kung handa ka nang tanggapin ang hamon, ihanda mo na ang iyong sarili. Ibigay lahat ng iyong makakaya at maging mahusay na manlalaro. Basahin ang buong artikulo upang mas maunawaan kung tungkol saan ang larong ito. 

Narito ang ang feature, tips at tricks, pros at cons ng larong Super Soccer 3V3 na sigurado akong makakatulong sa iyo sa pagtuklas ng magandang sport game na ito.

Features ng Super Soccer 3V3

Gameplay – Ang larong ito ay may kakaibang gameplay dahil ito ay 3-a-side mini football game. Ibig sabihin, ang bawat grupo ay mayroong tatlong miyembro lamang. Ang labanan ay tatlo laban sa tatlo kumpara sa totoong soccer game na may 11 miyembro.

Leaderboard – Pumili ng iyong karakter na sa tingin mo ay angkop sa istilo ng iyong paglalaro. Maaari mong i-upgrade ang iyong napiling soccer player upang mas lumakas ang kakayahan nito sa laban. Kapag naipanalo ng napili mong karakter ang bawat laban, maaari itong mapasama sa rank at maging isang head soccer star game player ng laro. Sa pamamagitan nito, maaari ka nang bumuo ng sarili mong koponang lalaban sa iba.

Upgrade character – Para ma-upgrade ang iyong mga napiling karakter, kailangan mo munang mabuksan ang career mode. Sa mode na ito ay maaari kang makakuha ng chests, items at heroes na magagamit mo sa laro. Subalit para mabuksan ang career mode, kailangan mo munang dumaan sa mga level at manalo.

Ilan lamang ito sa mga feature ng Super Soccer 3V3. Upang malaman pa ang tungkol dito, mas mainam kung ikaw na mismo ang maglalaro nito upang madiskubre mo ang iba pang detalye ng laro.

Kung nais mong masubukang laruin ito, i-download mo na sa iyong device ang Super Soccer 3V3.

Saan pwedeng i-download ang Super Soccer 3V3?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Super Soccer 3V3 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.limongames.supersoccer
Download Super Soccer 3V3 on iOS https://apps.apple.com/us/app/super-soccer-3v3/id1524217731
Download Super Soccer 3V3 on PC https://www.gameloop.com/game/sports/com.limongames.supersoccer

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo na itong buksan at laruin.

Kung nagkakaroon ng problema sa pagda-download, maaaring magpadala ng mensahe sa email account ng developer. Maaari ring mag-iwan ng komento tungkol sa laro upang malaman ng mga tagalikha ang problema.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Super Soccer 3V3

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Super Soccer 3V3, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na tiyak akong makakatulong sa iyong paglalaro.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, huwag kang mag-alala dahil mayroong gabay sa kung ano ang mga dapat mong gawin sa umpisa ng laro. Sundan lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano ito laruin.

Ang paglalaro ng Super Soccer 3V3 ay hindi nalalayo sa totoong laro ng soccer. Kailangan mo ring gawin ang mga taktika sa paglalaro ng soccer katulad ng dribble, soccer kick, strike, dash at jump. Layunin ng grupo ninyong makuha ang bola mula sa kalaban at maidala ito sa inyong goal net. Ang grupong may pinakamataas na puntos ang siyang magwawagi. Subalit ang bawat koponan sa larong ito ay may tatlong miyembro lang. Kaya naman mas mabilis ang takbo ng laban at madaling kontrolin dahil tatlo lang ang manlalaro.

Dagdag pa rito, bukod sa paglalaro, kailangang alam mo rin ang mga katangiang taglay ng karakter na iyong gagamitin sa laban. Sa ganitong paraan, magagamit mo ang kanilang kakayahan at kapangyarihan nang maayos sa pakikipaglaban. Kung nais mo namang lumakas ang iyong napiling manlalaro, maaari mo itong i-upgrade. Kolektahin ang mga coin at diamonds na mapapanalunan sa bawat laban at gamitin ito upang makabili ng mga item at i-level up ang skills ng iyong karakter. Pumunta lamang sa market o shop ng laro at doon bumili ng mga item na magugustuhan.

Sa paglalaro nito, kailangan mo ring gumamit ng estratehiya at pamamaraan. Mag-isip ng mga taktikang magagamit mo upang matalo ang kalaban. Sa istilo pa rin ng iyong paglalaro nakasalalay ang pagkapanalo ng bawat laban.

Ilan lamang ito sa mga tip at tricks na makakatulong sa iyo. Kung nais mo pa ng ibang gabay kung paano laruin ang Super Soccer 3V3, maaari kang manood ng mga YouTube tutorial. Sigurado akong mabilis mo na itong matututunan dahil sa nabasa mong artikulo at napanood mong video.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Super Soccer 3V3

Para sa Laro Reviews, ang Super Soccer 3V3 ay nakalalamang sa ibang laro dahil ito ay fast-paced sports game. Madali mo itong matutunan lalo na sa mga nais ng mabilis na laban. Maliwanag at maayos ang napiling disenyo ng graphics. Maganda rin ang visual at sound effects na inilapat sa laro dahil mararamdaman mong ikaw ay talagang naglalaro ng soccer. 

Dagdag pa rito, ang Super Soccer 3V3 ay nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews mula sa mga manlalaro. Ayon sa mga komento, masaya itong libangan at nakakaadik na laruin. Ang iba naman ay tinawag itong ‘best game’ at ‘wonderful game’ dahil maganda ang karanasan nila sa pagalaro. Samantala, mayroon ding mga problemang nararanasan ang mga manlalaro rito. Ipinahayag nilang masyado raw madami ang ads na lumalabas habang sila ay naglalaro. Mayroon din daw silang nararanasang glitch at bug systems sa laro. Nagkomento rin ang iba na sana ay magkaroon ng multiplayer mode ang laro at maimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan. Ngunit hindi naman nagbigay ng komento ang creator ng Super Soccer 3V3 ukol dito.

Ang larong ito ay libre at maaari mong i-download sa Google Play Store, App Store at kahit sa iyong personal computer. Subalit maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱81 hanggang ₱3,900 kada item. Kung ayaw mo namang gumastos, pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili.

Maaari ka pa ring maglaro kahit hindi gumamit ng tunay na pera at bumili ng mga in-app na produkto. Kaya maganda at sulit pa ring laruin ang Super Soccer 3V3 sa iyong device.

Konklusyon

Makalipas ang dalawang taon, simula nang ito ay inilabas, mayroong itong 4.3 stars out of 5 ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit isang milyong downloads ang laro. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong device ang Super Soccer 3V3!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...