MAD FUT 22 Draft & Pack Opener Review

Ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener ay isang larong nilikha ng Madfut. Ito ay opisyal na inilabas noong Setyembre 2021 at nagkaroon ng bagong update nang Abril 2022. Kung ikaw ay mahilig sa sports game na football tiyak akong magugustuhan mo rin ang larong ito gaya ng ibang mga manlalaro. Subalit ang isang ito ay kakaiba sa karaniwang larong 2D at 3D games na football. 

Ang FIFA Ultimate Team o FUT ay isang larong tungkol sa football. Subalit ang larong ito ay umiikot sa ‘draft plan’ na ginagawa sa larong football. Ang larong ito ay tungkol sa mga planong ginagawa ng mga tactician at coaches bago magsimula ang laban. Tungkulin mong pangunahan ang iyong koponan sa isang maayos na estratehiya sa pakikipaglaban. Ang mga barahang  naglalaman ng mga katangian at katauhan ng mga manlalaro ang iyong gagamitin sa draft plan. Ito ang magiging gabay mo kung sinong mga manlalaro ang pipiliin mo na makikipaglaban. 

Sa pamamagitan ng larong ito, mahahasa ang iyong husay sa pagkilatis at pagpili ng mga narararapat na manlalaro. Ipamalas ang iyong kakayahang pangunahan ang grupo sa laro. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa pakikipaglaban upang makamit ang tagumpay. Handa ka na ba sa isang matinding laban?

Kung handa ka nang laruin ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener, ihanda mo na ang iyong sarili. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang maipanalo ang bawat laban ng iyong grupo. Basahin ang buong artikulo upang malaman ang ilan pang impormasyon tungkol sa larong ito.

Narito ang ilang features, tips at tricks, pros at cons ng larong ito. Sigurado akong malaki ang maitutulong ng mga detalye ito sa pagtuklas kung ano ang larong MAD FUT 22 Draft & Pack Opener.

Features ng MAD FUT 22 Draft & Pack Opener

HD Graphics – Ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener ay mayroong malinaw at magandang disenyo ng graphics. Maayos at mahusay ang mga elementong ginamit sa laro kaya nama’y hindi ka madidismaya rito. Hindi rin masakit sa mata ang visual effects na ginamit dahil ito ay maganda.

Totoong manlalaro – Sa larong ito, marami kang pagpipiliang mga karakter na gagamitin mo sa laban. Ang mga manlalaro sa football game na ito ay nakabase sa totoong buhay. Kabilang dito sina Dominic Livakovic (Crotian footballer), Mario Rui (Portuguese footballer), Lionel Messi (Argentine footballer), Gonzalo Escalante (Argentine footballer), James Tomkins (English footballer), Devyne Rensch (Dutch footballer), Gavi (Spanish footballer) at marami pang ibang mga sikat na manlalaro ng football sa iba’t ibang panig ng mundo. Maaari mong magamit ang mga kilalang football player na ito sa laro.

Iba’t ibang hamon – Ang larong MAD FUT 2 Draft & Pack Opener ay naglalaman rin ng iba’t ibang hamon para sa mga manlalaro. Mayroon itong fatal modes, higher lower game, tournament at iba pa.

Shop – Mayroon din itong shop kung saan maaari kang bumili ng mga special items at cards na magagamit mo sa laro. Ang ilan sa pwede mong bilhin dito ay ang 91+ OP Special Pack, Super Pick, Standard Pick, Rainbow Pack, Gold Super Pack, Rare Gold Pack at marami pang iba. Makukuha mo ang items na ito sa pamamagitan ng perang makokolekta mo sa laro.

Ilan lang ito sa mga feature ng MAD FUT 22 Draft & Pack Opener. Upang malaman pa ang ibang detalye ng laro, i-download mo na ito sa iyong device.

Saan Pwedeng I-download ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener?

Maaari mo itong mai-download sa Android, iOS at kahit sa iyong personal computer. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download MAD FUT 22 Draft & Pack Opener on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.madfut.madfut22
Download MAD FUT 22 Draft & Pack Opener on iOS https://apps.apple.com/us/app/mad-fut-22-draft-pack-opener/id1534657817
Download MAD FUT 22 Draft & Pack Opener on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.madfut.madfut22-on-pc.html

Tips at Tricks Kung Nais Laruin ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Ang unang tip na dapat mong tandaan sa paglalaro nito, kailangang mayroon kang kaalaman sa larong football. Kapag may ideya tungkol sa larong football, mas maiintindihan mo kung paano bumuo ng isang koponan na lalaban. Kailangan mong maging maingat sa pagpili ng mga karakter na maglalaro sa laban. Tignan mabuti ang katangian at kakayahan nila upang masiguro mo na ikaw ay may posibilidad na manalo. Mayroon mga score na nakalagay sa bawat football player na indikasyon ng kanilang rating. Kapag mas mataas ang kanilang numero ibig sabihin sila ay malakas. Subalit dapat malakas rin silang umatake, magkontrol at dumepensa sa kalaban.

Pagdating naman sa pagpili ng kung saang pwesto mo ilalagay ang mga manlalaro at ano ang kanilang gagampanang tungkulin dapat maging mapanuri ka rin dito. Bilang lider na grupo, ikaw ang pipili kung sino ang tatayong captain, goalkeeper at player ng laro. Isaayos ang iyong koponan depende sa kanilang kakayahan at ipanalo ang bawat laban. Kung nais mo namang i-upgrade ang mga card na mayroon ka, maaari kang bumili sa shop ng laro gamit ang perang napanalunan mo. Sa ganitong paraan, mas magiging malakas ang mga card na hawak mo at madadagdagan ang mga pagpipilian mong manlalaro.

Subalit kung ikaw ay bagong manlalaro at nais mong makapanood ng tutorial video tungkol sa laro, maaari kang manood ng mga tutorials sa YouTube. Hanapin lang ang gameplay ng laro at makikita mo na ang mga videos ng mga gamer na sinubukan ang larong ito.

Tandaan, ang isa sa susi sa pagkapanalo sa mga laban ay ang paggamit ng  iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa paglalaro. Nasa istilo ng iyong paglalaro nakasasalay ang iyong pagkapanalo. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya para maging isang magaling na manlalaro ng football.

Pros at Cons ng MAD FUT 22 Draft & Pack Opener

Ang larong ito ay nakalalamang sa ibang mga sports games pagdating sa kakaibang konsepto at istilo ng laro. Bata man, kabataan o matanda ay tiyak na masisiyahan sa magandang larong nilikha ng Madfut. Kaya naman pwede itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong anumang karahasan na nilalaman na nakakaapekto sa isipan. Hindi rin pinahihintulutan sa larong itong ang mga salitang hindi akma. Kaya kahit sino ang maglaro nito ay pwede.

Marami ring magagandang feature ang larong ito. Malinaw at maayos ang visual and sound effects na ginamit sa laro. Hindi ito nakakabagot at nakakasawang laruin dahil araw-araw ay may bagong nilalaman ang laro. Bagama’t kakaiba ito sa karaniwang sports game na makikita natin sa Google Play Store, sulit pa rin itong subukan na laruin. 

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa reviews, maganda raw itong laruin at akma ito para sa mga mahilig sa football game. Isinaad rin nila na ang larong ito ay mayroong mga kapana-panabik na hamon at mga papremyong naghihintay sa iyo. May mga nagkomento rin na nakakaadik ang larong ito dahil makukuha nito ang atensyon mo.

Subalit mayroon ding mga problemang nararanasan ang manlalaro sa larong ito. Ayon sa kanila maraming  bug na lumalabas at kung minsan ay hindi gumagana ang ibang feature ng laro. Ito ang dahilan kaya naiinis ang ibang mga manlalaro. Mayroon ding mga ads na lumalabas sa laro kahit ikaw ay naka-offline. Hindi naman nagbigay ng komento ang lumikha ng MAD FUT 22 Draft & Pack Opener sa mga reviews na natanggap.

Gayunpaman, maganda at sulit pa rin itong laruin. Ito rin ang libre mong makukuha sa Google Play Store, App Store at maging sa iyong personal computer. Maaari mo ring itong malaro ng offline. Ibig sabihin hindi mo na kailangan pa ng data o internet connection kung nais mo itong laruin.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, isa ito sa magandang laro na may kakaibang konsepto dapat matuklasan ng mga manlalaro. Ngayon, mayroon na itong 4.3 stars out of 5 rating sa Google Play Store at may mahigit 190,000 reviews. Samantala, umabot na sa mahigit 5 milyon downloads ang larong ito. Kay kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang MAD FUT 22 Draft & Pack Opener!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...