Hotel Blast Review

Ang Hotel Blast ay nag-aalok ng simple ngunit mapanghamong paraan upang ma-enjoy ang puzzle at simulation games nang sabay. Ang nakakaaliw na game app na ito ay kumbinasyon ng nakaka-enjoy na hotel management simulation game at ng nakakahumaling na puzzle game. Ito ay binuo at inilunsad ng WhaleApp LTD noong Enero 28, 2020. At sa loob lamang ng mahigit dalawang taon, nakapagtala na ito ng lagpas sa limang milyong downloads sa Google Play Store.

Sa game app na ito, ang tungkulin ng mga manlalaro ay gumanap bilang detective at manager. Kailangan nilang tulungan si Oliver sa pagsasaayos at pagpapatakbo ng isang luma ngunit namumukod-tanging hotel. Bukod dito, kailangan ding mabigyang-linaw ang mga misteryong bumabalot sa gusali sa pamamagitan ng paglalaro ng puzzle games. Ang bawat game level ng larong ito ay nagdadala ng bagong misteryo at mas kapana-panabik na pakikipagsapalaran. 

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay mada-download nang libre sa Android at iOS devices. Hanapin lamang ang Hotel Blast sa Play Store o sa App Store, depende sa uri ng mobile device na gamit mo. Kung nais mo namang laruin ito sa iyong laptop o desktop, i-download ang app at gumamit ng isang emulator upang i-run ito. Maaari mo ring gamitin ang mga link sa ibaba kung nais mong subukan ito sa lalong madaling panahon:

Download Hotel Blast on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.whaleapp.hotelblast&fbclid=IwAR0QehbSL2rmwvj-H0zprZI0wFgN1mcg_M-BsUSTn9kJQXdkYH90DJ400TQ

Download Hotel Blast on iOS https://apps.apple.com/us/app/hotel-blast-renovation-story/id1444139461

Download Hotel Blast on PC https://gameshunters.com/hotel-blast/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Hindi maikakaila ang saya at aliw na hatid ng paglalaro ng puzzles at simulation games. Subalit, karamihan sa mga ito ay sa umpisa lang nakakagana. Kadalasan ay nagiging boring din ang mga ito. Kung sawa ka na sa mga ganitong uri ng game apps, oras na para i-level up ang iyong laro at sumubok ng iba, tulad ng Hotel Blast.

Huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews na masuri ang gameplay at features nito. Sa unang beses ng pag-launch mo ng app ay kinakailangang basahin ang terms at sumang-ayon ka sa privacy policy ng laro. Maaari kang magsimula sa paglalaro kaagad o kaya ay gumawa ng account upang mai-save ang iyong game progress. Para magawa ito, kailangan mong mag-set up ng WhaleApp ID sa pamamagitan ng pag-connect ng iyong email o Facebook account.

  • Gameplay

Ang single-player game na ito ay kumbinasyon ng dalawa sa pinakapatok na uri ng laro: puzzle at simulation game. Sa puzzle game ay kinakailangan mong i-match ang dalawa o higit pang magkakatulad na cubes upang ma-eliminate ang mga ito at makakuha ng points. Kapag matagumpay mong nalutas ang isang puzzle ay makakakuha ka ng key at makakapagpatuloy sa susunod na game level. 

  • Keys at Game Boosters

Isa sa pinakamahalagang gawain sa larong ito ay ang pagkolekta sa keys at boosters. Ang keys ay ginagamit upang ma-unlock at matupad ang game tasks. Ginagamit din ang mga ito upang mabuksan ang special star chests na naglalaman ng pambihirang items tulad ng mamahaling decors at bonus boosters. 

Samantala, ang regular boosters naman tulad ng Bomb, Rocket at Electric fan ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pag-match ng lima o higit pang magkakatulad na cubes. Ang Bomb ay ginagamit upang pasabugin ang cubes na nasa paligid nito. Sa kabilang banda, ang Rocket naman ay makakatulong upang ma-eliminate ang isang hanay ng cubes. Ang Electric fan booster ay ginagamit upang sabay-sabay na ma-eliminate ang lahat ng cubes na may pare-parehong kulay. 

  • Game Features

Daily Tasks – Isa sa pinakamadaling paraan upang makakuha ng karagdagang rewards sa laro ay ang pagtupad sa Daily Tasks. Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga ito, makakakuha ka ng extrang game lives at boosters. Huwag kaligtaang regular na i-check ito.

Leaderboard

Ang leaderboard ay isa sa karagdagang features na naghihiyakat sa mga manlalarong mas galingan pa ang paglalaro. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling dito. Marami kasing manlalaro ang mas ginaganahan dahil nais nilang makipagkumpitensya sa iba. Tinutukoy ng Leaderboard ang mga pinakamagagaling na manlalaro sa buong mundo. Hangga’t maaari ay pagsikapang mapabilang sa top players upang makakuha ng deluxe treasure chest. Ang pambihirang reward na ito ay naglalaman ng limited edition game items at ilang power-ups.

Game Clubs

Hindi mo rin dapat palampasin ang pagsali sa game clubs upang magkaroon ka ng pagkakataon makipag-ugnayan sa iba. Ito rin ay isang mahusay na paraan upang makipagkilala o kaya ay makapaglaro kasama ang iyong mga kaibigan. Maaari rin kayong sumali sa tournaments at makipagtunggali sa ibang game clubs sa isang eksklusibong game match. Bukod dito, bilang miyembro ng isang partikular na club ay magkakaroon ka rin ng access sa daily gifts. Maaari mong ibigay sa ibang miyembro ang items na makukuha mo at pwede ka ring makatanggap ng iba’t ibang items mula sa ibang club members 

Pros at Cons ng Hotel Blast

Ang opening scene ng larong ito ay napakahusay at kahanga-hanga. Ang kapanapanabik nitong storyline ay natatangi at talagang pinag-isipang mabuti. Kung ihahambing ito sa karaniwang puzzle at simulation games, ang isang ito ay hindi nakakasawa at nagiging mas exciting pa lalo. Ang natatanging konsepto ng Hotel Blasts at ang balanseng gameplay nito ay kapuri-puri rin. Bukod sa maraming game items na libreng makukuha rito, may iba’t ibang paraan din upang makakuha ang mga manlalaro ng sapat na game resources na hindi na kinakailangang gumastos. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na masubukan ang kanilang kakayahan at diskarteng malampasan ang mga hamon sa laro. Ang kabuuang disenyo at graphics na ginamit dito ay de-kalidad at mahusay. Higit sa lahat, ikinalulugod din ng marami ang pagiging aktibo ng developers nito. Mabilis kasing natutugunan ang mga tanong at isyu tungkol sa laro at isinasaalang-alang talaga nila ang feedback ng mga manlalaro. 

Sa kabilang banda, may ilang mga manlalaro ang naiinis sa mabagal na pag-usad ng main storyline nito. Maraming pa kasing side stories na nagaganap na tila hindi naman ganoon kahalaga. Walang magawa ang mga manlalaro dahil hindi pwedeng i-skip ang narrations. Kung tutuusin ay mas mahaba pa ang oras na kadalasang ginugol nila rito kung ikukumpara sa aktwal na paglutas ng puzzles. Hindi rin maayos ang paglabas ng video ads kaya’t ang paraang ito ay hindi pwedeng asahan para makakuha ng karagdagang resources. Nakakalungkot isipin na may iilan din na nakakaranas ng biglaang pagka-crash at pagre-restart ng app na nagiging sanhi ng pagkawala ng kanilang game progress. 

Konklusyon

Ang Hotel Blast ay may average rating na 4.4 stars mula sa halos 25,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, mayroon itong mas mataas na rating na 4.6 stars sa App Store mula sa mahigit 1,000 reviews. Sa kabuuan, inirerekomenda ng Laro Reviews ang game app na ito. Isa ito sa maituturing na nakakalibang na laro, mula umpisa hanggang dulo. Mainam ito para sa lahat ng nagnanais na i-level up ang kanilang gaming experience pagdating sa puzzle at simulation games. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...