Hotel Empire Fever Review

Ipinakikilala ng Laro Reviews ang isang hotel simulation game na kukumpleto sa iyong pangarap sa mundo ng hotel management service. Mahilig ka bang mag-bakasyon at pumunta sa mga magagandang hotels? O baka naman ay gusto mong mamahala ng sarili mong hotel? Kung naghahanap ka ng isang laro na tutulong sa iyo upang makamit ang mga ito, Hotel Empire Fever na ata ang angkop na laro para sa iyo. Ang Hotel Empire Fever ay isang online na laro na gawa ng Angles Game. Ipinapakita rito ang pamamaraan kung paano mamahala ng iyong sariling hotel bilang isang boss. Tampok dito ang masayang sistema ng laro na siyang magbibigay ng kakaibang karanasan sa iyo. Maging isang tanyag na hotelier at patakbuhin ang iyong sariling hotel! Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa larong ito, mangyaring basahin ang artikulong ito. 

Mga Tampok ng Laro

Marami ng mga hotel simulation games ang naglipana sa mundo ng online games. Kung gusto mong malaman ang kaibahan ng mga ito, hindi na nangangailangan pa na isa-isahin mo ang paglalaro. Hayaan mong Laro Reviews na ang maglahad ng mga importanteng nakapaloob dito. Simple lang naman ang paglalaro ng Hotel Empire Fever dahil kailangan mo lamang na pagsilbihan ang guests ng inyong hotel at maabot ang kinakailangang revenue upang makapagpatuloy sa susunod na level. Upang magawa ang mga ito, nararapat na ikaw ay mabilis kumilos at maagap sa pagtugon ng mga kailangan ng iyong guests. Isang time management game ang larong ito kung kaya naman ay mas malaking puntos ang makukuha mo kapag nagawa mo ang lahat nang mabilis. Tampok sa larong ito ang iba’t-ibang magagandang lugar sa mundo na maaari mong pagtayuan ng hotel. Hindi lamang isang hotel ang iyong pamamahalaan kung hindi ay maaaring higit pa sa iyong inaakala. Nag-aalala ka ba na magiging mahirap ang larong ito dahil ikaw lang mag-isa? Para sa iyong kaalaman, mayroong isang manager at bellhop na tutulong sa iyo sa buong paglalaro. Sila ang magiging gabay at kontrol mo kung paano laruin itong hotel simulation game. Sila rin ang magbibigay sa iyo ng mga suhestiyon kung paano mas mapapaganda ang iyong hotel. Nakakatuwa hindi ba? Halatang mas magiging kasiya-siya pa ang larong ito sa mga susunod nitong updates. 

Paano i-download ang Hotel Empire Fever?

Madali lamang i-access ang Hotel Empire Fever sa kahit anong gadyet na mayroon ka, lalung-lalo na sa iyong mobile phone. Sundin lamang ang mga gabay na ito para sa madaling pag-download. Kung ikaw ay gumagamit ng Android, maaari mong hanapin ang Hotel Empire Fever sa Google Play Store at i-click ang install. Sa kasalukuyan, hindi pa mahahanap ang larong ito sa App Store ngunit maaari naman itong laruin sa PC at Laptops. Pumunta lamang sa Gameloop.com at i-install ang Gameloop emulator, hanapin ang laro at agad na i-install. Mangyaring hintayin na lamang natin ang posibilidad na maging available din ito sa IOS sa mga susunod na magiging updates ng laro. Para sa mas madaling pag-download, pindutin lamang ang link na nasa ibaba. 

Download Hotel Empire Fever on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hotelempire.fever&hl=en&gl=US

Download Hotel Empire Fever on PC https://www.gameloop.com/mx/game/adventure/com.hotelempire.fever

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Dahil hindi na iba sa ating kaalaman ang paglalaro ng hotel simulation games, magiging madali na lamang ang iyong pagsunod sa gabay na itong hatid ng Laro Reviews. Sa unang parte pa lamang ng laro ay mapapansin na kaagad ang mga instructions at tutorial na siyang ibibigay ng iyong manager. Mababanggit dito na ang paraan sa pagpapatuloy ng isang guest ay ang pag-tap sa susi na icon na lalabas sa taas ng karakter at kasunod ay ang pag-tap naman ng kwartong napili mo na siyang tutuluyan niya. Ganito rin ang magiging sistema kapag aalis na ang guest; i-tap lamang ang icon ng pera sa itaas ng karakter. Habang nagpapatuloy sa isang level, marami pang mga gabay na ipapakita sa iyo upang maging pamilyar ka sa mga dapat na gawin. Para naman sa tricks kung paano magiging mabilis ang iyong pagsisilbi, isa sa mga pwede mong gawin ay ang ihanda ang lahat ng serbisyo sa hotel. Upang magawa ito, ipahawak mo dapat kaagad ang pang-linis at maiinom o pagkain sa iyong bellhop para kapag kailangan na ay mabilis itong magawa. Sa mga pagkakataon na may magche-check-out na guest, gawin kaagad ang paglilinis ng silid na ginamit nito upang magamit na ulit ito ng susunod na ibang guests. Ibigay rin kaagad ang mga inumin at pagkain na kanilang nais habang berde o green pa ang time patience ng guests upang mas malaki ang tip na kanilang maibigay. Kapag kasi umabot na ito sa pula, nangangahulugan lamang na hindi nila nagustuhan ang serbisyo ng iyong hotel. Dagdag pa, ugaliin ang maging mapagmatyag sa buong panahon ng iyong paglalaro nang sa ganun ay matugunan mo kaagad ang mga dapat na gawin para sa magandang serbisyo ng hotel. 

Kalamangan at Kahinaan

Bilang isang hotel simulation game, masasabi kong malaki sana ang potensiyal ng larong ito. Napakaraming features ng laro na siya nga namang makakatulong sa iyong paglalaro. Nakakatuwa ang mga nakapaloob na boosters dito dahil mas pinapabilis nito ang paggawa ng mga serbisyo sa hotel. Isa sa mga halimbawa ng booster ay ang flash shoes na siyang nagpapabilis sa kilos ng bellhop upang madali niyang maihatid ang mga pagkain at magawa ang paglilinis ng mga silid. Bukod pa rito, may undo button din ang laro kung saan maaari mo itong pindutin kapag ikaw ay may nagawang mali sa laro. Madali lang din ang pag-upgrade ng mga bagay sa iyong hotel dahil sa maraming rewards na ibinibigay dito. Maliban sa mga ito, maganda rin ang game design na talagang nakakaakit tignan. Pati ang mga lugar na tampok sa laro ay masasabing maganda rin kahit na hindi 3D ang mga ito. 

Sa kabilang banda, kung may mga bagay naman na nakakapanghinayang sa Hotel Empire Fever, ito ay ang mabagal ng progress ng laro kapag nakaabot ka na sa mga mataas na level. May mga nagsasabi na kailangan na raw bumili ng boosters at upgrade upang makausad sa laro. Nagiging mahirap na rin ang paglalaro sa levels na ito dahil imposible nang pagsilbihan ang lahat na guests. Sa kadahilanang may mga in-app purchases din kaya limitado lamang ang ilan sa mga libreng resources na makukuha. Isa rin sa nakakalungkot sa larong ito ay ang kawalan ng access ng laro sa App Store dahil hindi mabibigyan ng pagkakataon ang iba na makapaglaro. 

Konklusyon

Sa kabuuan, mayroong 4.8 star ratings ang Hotel Empire Fever sa Google Play Store at 4.5 naman sa Gameloop. Mataas na ang marka na ito at maaaring dahil ito sa simpleng gameplay na madali lamang maintindihan. Nakakatuwa rin ang pagiging mapagbigay nito ng rewards at puntos na siyang nakapagbibigay gana sa mga manlalaro. Kaya naman, kung gusto mong subukan itong bagong hotel simulation game, i-download mo na ang Hotel Empire Fever ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...