Idle Courier Review

Kung hilig mo ang mga klase ng larong talagang hahayaan kang pasukin ang mundo ng pagnenegosyo, maaari mong subukan ang kakaibang larong ito na inilabas ng Century Games Pte. Ltd., ang Idle Courier. Ito ay isang casual game kung saan hahayaan kang malaman kung paano umiikot ang industriya sa loob ng isang express delivery. Bilang isang manlalaro, gagampanan mo ang isang role ng isang entrepreneur na nagsisimula pa lamang magtayo ng negosyo pagdating sa nasabing industriya. Gaya ng ibang negosyante, magsisimula ka sa katiting na resources at ikaw na ang bahala kung anong diskarte ang iyong gagawin upang mapalago iyon. Dahil tungkol ito sa express delivery, maaari kang magsimula sa pagtatayo ng packing machine na maaaring gamitin pagdating sa mga fragile na package, fresh goods, at marami pang iba. Mag-invest para sa iyong mga Van bilang pangunahing gamit upang makapagdala ng mga package sa kahit saang lugar. I-train pa ang iyong mga employee upang mas maging mabilis pa sa pagtatrabaho. Sa larong ito, pinakalayunin mong tugunan ang pangangailangan ng iyong customer upang kalaunan ay mapalawak pa ang iyong negosyo at maging isang express giant. Handa ka na bang yumaman? Halina’t simulan na natin ang laro!

Features ng Idle Courier

Sa oras na makapasok ka na sa loob ng Idle Courier, bubungad na agad sa iyo ang simpleng lugar na mayroon dito. Malawak ito ngunit mas nagpopokus ang laro sa isang building kung saan magsisimula ang journey mo bilang isang entrepreneur. Ating isa-isahin ang mga bagay na makikita rito:

  • Magsimula tayo sa Transit Area. Dito sa pwestong ito nagaganap ang pagtatransport ng mga package patungong sorting area. Kaya kung magsisimula ka na sa paglalaro nito, mapapansin mong dito ang diretso ng mga sasakyan mo. Tumitigil ang mga ito nang ilang sandali para lamang maibaba ang iba’t ibang klase ng package. Kung pipindutin ang area na ito, dito ka na rin makakakita ng mga option pagdating sa pagbili ng Van, pag-upgrade nito maging ang paglalagay ng dock kung saan ito ang nagsisilbing tulay upang makaikot ang mga package na ibinababa rito.
  • Sunod naman nito ay ang Sorting Area. Dito naman nagaganap ang pagse-segregate ng mga package pagdating sa kung saan ito dapat mapuntang packing machine. Kung pipindutin naman ang area na ito, dito mo makikita ang option pagdating sa pag-a-upgrade ng iyong sorter at paglalagay ng bagong terminal upang madagdagan pa ang maaaring daanan patungong packing machine.
  • Mayroong limang klase ng packing machine na maaaring puntahan ng mga package na iyong makakalap dito. Ang Packing Machine 1 ang sinasabing professional stationary packing machine dahil sa pagiging mabilis, stable, at accurate na packing na nagaganap dito. Ang Packing Machine 2 naman ang maaaring puntuhan ng mga package kung ito ay fragile habang ang Packing Machine 3 naman ay para sa fresh goods. Kalimitang gumagamit naman dito ng ice upang masigurong fresh ang produkto hanggang sa makarating sa destinasyon nito. Ang Packing Machine 4 naman ay ang sinasabing professional wool packing habang ang Packing Machine 5 naman ay tinatawag na professional ball packing machine. Maaari pang madagdagan ang packing machinery mo kung magtatagal ka pa sa paglalaro nito. Gaya rin ng ibang area, sa oras na pindutin mo ito, bubungad sa iyo ang option kung saan maaari mong i-upgrade ang mga ito o kaya naman ay i-train ang mga employee na nakatalaga rito.
  • Sa larong ito ay mayroon ding isang pwesto kung saan maaari kang makapagtimpla ng kape para sa iyong mga employee upang mapanatili silang gising. Maaari kang lumikha ng kape, bumili ng coffee beans o kaya naman ay mag-hire ng Coffee Master para rito.

Saan maaaring i-download ang Idle Courier?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 88MB sa Google Play Store habang 425.9MB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng BlueStacks para naman sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Idle Courier on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.centurygames.idlecourier

Download Idle Courier on iOS https://apps.apple.com/us/app/idle-courier/id1521837534

Download Idle Courier on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/idle-courier-tycoon-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Idle Courier

Upang magkaroon ng adbentahe sa larong ito, kailangan mo lamang tandaan ang ilang mga bagay. Narito ang tips ng Laro Reviews para iyong subukan:

Una, isang mabisang paraan upang kumita pa ng mas malaki na palaging mag-invest para sa mga kagamitang mayroon sa loob ng iyong express delivery gaya na lamang ng iyong sorting area, packing machines at kahit yung van na kailangan mo ring paramihin upang maraming goods ang madala nito. Tandaan na kapag upgraded palagi ang iyong mga gamit, mataas ang tiyansa na malaking pera rin ang maiipon mo sa laro.

Pangalawa, bilang isang manlalaro nito, ugaliing palaging silipin ang stats na makikita rito. Ito ay upang malaman mo kung alin ang dapat na mas bigyang pansin sa iyong express delivery. Sa loob ng stats na ito makikita ang gaya ng Transport Speed, Sorting Speed, Packing Speed, Unpacked Goods, at Unloading Time. Ang bawat kulay ring makikita rito ay isang magandang gabay upang malaman mo ang kalagayan ng mga nabanggit na laman ng stats. Walang problema kung makita mo ang blue at green dito dahil nangangahulugan lamang ito na on track ang iyong negosyo. Kailangan mo lamang maging alerto kung makita mong orange at pula na ang kulay nito. Sa oras na mangyari iyon, agad na hanapin ang maaaring maging solusyon dito. Halimbawa niyan ay kung maging pula ang kulay ng Packing Speed, agad kang magtungo sa iyong Packing Machine at i-upgrade ito upang mag-increase ang bilang ng packing speed nito. 

Panghuli, dahil isa itong idle game, may pagkakataong halos ang nagagawa mo na lamang dito ay titigan ang prosesong nangyayari sa laro. Dito nagsisimula ang pagkaburyong natin sa laro. Gayunpaman, may paraan naman upang maiwasan ito. Mayroong ding section dito kung saan makikita mo ang kumpletong listahan ng missions na kailangan mong kumpletuhin kung nais mong makakuha ng mabilisang rewards. Subukang laging silipin ito kung nais mong maging productive ka sa paglalaro nito.

Pros at Cons ng Idle Courier

Sa larong ito, madidiskubre mo kung paano umiikot ang mundo pagdating sa industriya ng entrepreneur. Kahit papaano natutulungan ka nitong malaman at maintindihan ang kalakalan sa loob ng isang express delivery bilang isang trabaho. Mapagtatanto mo rin dito na maraming bagay ang kailangang gawin at ilang mga hakbang pa ang kailangang ayusin upang mas maging madali pa ang kanilang trabaho rito. Dahil dito, masasabi ng Laro Reviews na isa ito sa kalamangan ng Idle Courier. Idagdag mo rin dito ang ilang challenges na bagaman nasanay tayo na kapag Idle ang isang laro, alam na nating hindi natin kailangang kumilos nang sobra. Nariyan lang tayo minsan para mag-obserba dahil kahit wala tayo, nagpapatuloy ang laro. Ngunit dito sa larong ito, may pagkakataon pa rin namang talagang tuturuan kang maging maagap, humanap agad ng agarang solusyon upang matugunan ang problema rito para lamang makausad. Kung may maituturing lang na disadbentahe pagdating dito, iyon marahil ang pagiging maikli nito. Sa oras na makumpleto mo na ang mahigit tatlong levels, wala na ring naghihintay sa iyong kasunod nito. 

Konklusyon

Tunay na kapaki-pakinabang ang larong ito para sa lahat dahil sinasalamin nito ang hirap na maaaring pagdaanan ng mga taong nagnanais pasukin ang pagnenegosyo. Ipapaalala sa iyo nitong ang bawat bagay ay pinaghihirapan at palaging may sakripisyo para lamang kalaunan ay umunlad. Hindi na rin masamang subukan ng iilan kahit pa may pagkakataonng nasasapawan ng ilang mga disadbentahe nito ang ikagaganda ng laro. Gayunpaman, tiwala ang Laro Reviews na magugustuhan mo ang larong ito. Kaya, i-download mo na!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...