Jewel Hunter – Match 3 Games Review

Kabilang ka rin ba sa mga taong minsan nang naadik sa paglalaro ng mga three match puzzle game kagaya ng Jewel Quest, Candy Crush Soda Saga, Bejeweled Classic, and Marvel Puzzle Quest? Kung oo, malamang isa ang mga ito sa mga naging paborito mong mobile game ilang taon lang ang nakalilipas. Kung nasasabik kang muling maramdaman ang kasiyahan tuwing naglalaro ng isang three match puzzle game, maswerte ka dahil muling ipinapakilala ng LinkDesks Classic Puzzle Games ang larong Jewel Hunter – Match 3 Games.

Kung magtatanong ka kung ano ang ipinagkaiba ng larong ito sa iba pang mga puzzle game na nalaro mo na noon, simple lamang ang masasagot ng Laro Reviews: Higit na mas maraming in-game features at challenging levels mayroon ang Jewel Hunter – Match 3 Games. Kaya kung sawa ka na sa mga klasikong three match puzzle game, tamang-tama, para sa iyo ang larong ito.

Kung beteranong manlalaro ka na ng isang three match puzzle game, tiyak na alam mo na kung paano laruin ang larong ito. Pero para sa mga baguhan, simple lamang ang mechanics ng laro: kailangan mo lamang i-match ang tatlo, o higit pang gems sa loob ng board at wasakin ang ilang obstacles sa laro kung mayroon man. Ang pinaka-layunin mo sa larong ito ay makapag-match ng tatlong magkaparehong gems, pero mas mainam kapag higit sa tatlong gems ang iyong maima-match dahil maglilikha ito ng mga booster na kakailanganin mo upang manalo sa laro.

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Huwag lang basta pumindot, bagkus, laging maghanap ng posibleng combo sa loob ng board dahil kagaya sa larong Candy Crush at iba pang laro na nabanggit sa itaas, ang pagma-match ng apat at higit pang mga gem ay maglilikha ng isang magandang resulta: mas maraming gems ang matatanggal sa board gamit lamang ang isang move.

Kapag naman malapit ka nang maubusan ng moves, huwag mag-atubiling gumamit ng mga booster na nakukuha mo sa magic chests ng laro at kung sakaling hindi mo naman naiwasang maubusan ng moves, bibigyan ka ng laro ng pangalawang pagkakataon upang maisakatuparan mo ang objectives na kailangan mong magawa, ngunit kapalit nito, kailangan mong magbayad ng 500 coins at higit pa. Ngunit, iminumungkahi rin ng Laro Reviews na gamitin lamang ang iyong mga booster sa mga mahihirap na level. Huwag silang aksayahin at gamitin kung kailan mo lang gusto dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatanggap ka ng libreng booster at mga power-up.

Sa larong ito, binibigyan ka rin ng hints kung paano gamitin ang bawat booster. Halimbawa, ang Hammer ay ginagamit upang basagin ang isang gem, kadena, ice, o wooden box. Ang Crossfire naman ay ginagamit upang alisin ang lahat ng gem sa isang column at isang row kung saan ito nakalagay, samantalang ang Magic Wand ay may kakayahang i-transform ang isang ordinaryong gem bilang isang rainbow ball. Dagdag pa, ang Power Swap ay mainam gamitin kapag gusto mong pagpalitin ng pwesto ang dalawang magkatabing gems at ang Rainbow ball naman ay may kakayahang magtanggal ng napakaraming gems sa loob ng board lalo na kapag ang katabi nito ay isa ring booster.

Sa iyong pag-usad sa laro, malalaman mo kung gaano kahalaga ang mga coins lalo na kung wala ka ng boosters na magagamit pa upang lampasan ang mga mahihirap na levels, kaya napakahalagang ipunin mo lang ang iyong in-game currency at iwasan ang paggamit nito sa mga walang kwentang bagay. Dapat ring tandaan na hindi kagaya ng ibang laro, makakatanggap ka lang ng 50 coins kapag nalampasan mo ang isang game level ng mayroong tatlong stars.

Ang pag-combine ng dalawang booster ay naglilikha ng malaking pagsabog kung saan marami sa mga gems ang natatanggal sa board kabilang na ang ilang obstacles kagaya ng ice, wooden box at locked gems, kaya kapag nabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng ganito, huwag na huwag itong sasayangin. Sa karagdagan, may hanggang limang pagkakataon ka upang lampasan ang isang game level, ngunit kapag natalo ka ng limang beses na magkakasunod, kailangan mong maghintay ng matagal bago mo ulit malaro ang Jewel Hunter – Match 3 Games.

Saan maaaring i-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user, at i-download naman ang laro sa GameLoop para malaro ito sa PC. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Jewel Hunter – Match 3 Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.phonemaster.jewelhunter

Download Jewel Hunter – Match 3 Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/jewel-hunter-match-3/id1461045178

Download Jewel Hunter – Match 3 Games on PC https://www.gameloop.com/ph/game/arcade/com.funnyboxstudio.jewelhunter

Mga Feature ng Laro

  • Thousands of Challenging levels – Paniguradong hindi ka mabibitin sa larong ito dahil mahigit sa 1,000 level ang kailangan mong malaro bago mo marating ang finish line ng larong ito.
  • Online or Offline Gaming – Kagaya ng maraming three match puzzle game, hindi mo na kailangan pa ng internet access para lamang malaro ang larong ito.
  • Adventure Game Mode – Mayroon kang dalawang pagkakataon na makakuha ng limpak-limpak na rewards sa game mode na ito sa pamamagitan lamang ng pag-kumpleto ng mga objective. Maaari ka ring gumamit ng 500 coins kapag dalawang beses kang magkasunod na natalo sa laro.
  • Game missions – Kapag araw-araw kang maglalaro, tiyak na araw-araw ka ring makakatanggap ng mga libreng rewards sa larong ito.
  • Daily Bonus – Sa pamamagitan naman ng spinning wheel, may pagkakataon kang makakuha ng libreng boosters o in-game currency.

Pros at Cons ng Laro

Lumang laro na kung ituring ng iba ang mga puzzle game, partikular na ang mga larong three match puzzle dahil hindi naman talaga maaring itanggi ang katotohanan na marami ng mga bagong laro ang nagsulputan sa gaming world. Kung tutuusin, halos laging nasasapawan ng mga action game ang larong puzzles, ngunit aminin man natin, o hindi, malaki ang naitutulong ng paglalaro ng isang puzzle upang kahit papaano ay ma-relax tayo, o malimutan natin saglit ang ating mga problema. Kaya kung stressed ka sa buhay, walang pag-aalinlangan na imumungkahi ng Laro Reviews ang larong ito para sa iyo, at para sa mga batang manlalaro upang ganap na mahasa ang talas ng kanilang isip.

Sa kargdagan, hindi ka rin mababagot sa larong ito dahil hindi lamang kamangha-manghang graphics mayroon ang larong ito, nagtataglay rin ito ng mga challenging levels na paniguradong sa Jewel Hunter – Match 3 Games mo lang matatagpuan. Bukod pa sa mga magic chest, marami ring paraan upang makakuha ng in-game currency kaya naman walang rason upang hindi ka mahikayat na laruin ang larong ito.

Kung mayroon mang nakakadismayang katangian ang larong ito, walang iba kung hindi ang walang katapusang ads na lalabas sa iyong screen sakaling hindi mo pwedeng i-off ang iyong data, o internet connection at ang pagpupumilit ng laro na gumastos ka ng pera kapalit ng mga power-ups na iyong magagamit upang lampasan ang mahihirap na game levels, partikular na kapag narating mo ang Level 400, pataas.

Konklusyon

Kaliwa’t kanan man ang mapagpipilian mong laro sa mga digital marketplace, at lumipas man ang napakahabang panahon, patuloy pa ring mamamayagpag ang kasabihang, “puzzle game hits different” kaya kung gusto mo ng isang laro na ang tanging hatid lamang sa iyo ay saya, subukan na ang Jewel Hunter – Match 3 Games.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...