Kids Birthday Party Review

Ang Kids birthday party ay isang simulation game app na inilabas ng Hippo Kids Games noong Abril 14, 2017. Kung naghahanap ka ng app na may angkop at kapakipakinabang na contents para sa iyong anak, ito ay isang mainam na alternatibo. Ang game developer nito ay kilala sa larangan ng pambatang apps. Sa kasalukuyan, ito ang itinuturing na pinakapatok nilang game app at nakapagtala na ito ng mahigit 10 milyong downloads sa Google Play Store.

Sa pamamagitan ng game app na ito, magagawang mag-enjoy ng mga bata habang natuto. Sila ay maglalaro ng activities na may kinalaman sa pagpaplano at pagdiriwang ng virtual birthday party para sa mga kaibigan at kapamilya. Kinakailangan din nilang lutasin ang simpleng puzzles at maglaro ng mini-games dito. Sa pamamagitan nito, sila ay nalilibang habang natututo ng mga bagong kaalaman. Isa itong mahusay na app para mapalawak ang kanilang imahinasyon at mapahusay ang kanilang kaalaman tungkol sa numbers, colors at iba pa.

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ito ay hindi pa available sa App Store. Maaari pa lamang itong i-download mula sa Google Play Store para sa Android devices. Pwede rin itong laruin ng mga bata gamit ang laptop o desktop. Kinakailangan mo lang i-download ang APK file nito sa kahit na anong computer device at i-run ito gamit ang isang Android emulator. Bilang alternatibo, maaari mo ring i-click ang mga sumusunod na link:

Download Kids birthday party on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.PSVStudio.BirthdayParty&hl=en_US&gl=US&showAllReviews=true

Download Kids birthday party on PC https://appsonwindows.com/download/51703/49/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang role-playing games ay angkop na uri ng laro para sa mga bata. Ito ay isa ring mabisang paraan para sila ay matuto ng mga mahahalagang kaalaman. Sa pamamagitan kasi nito ay nagagawa nilang mag-explore at aktibong makilahok sa iba’t ibang activities. Mabisa itong paraan para palawakin ang kanilang imahinasyon at i-develop ang kanilang pagkamalikhain. Nakakatulong din ito upang ma-develop ang kanilang empathy at compassion. Sa tulong nito, mas nauunawaan nila ang iba’t ibang sitwasyon at tungkulin. 

Sa dinamirami ng pambatang apps ngayon, may mga magulang pa ring nahihirapang makahanap ng maaasahang game app para sa kanilang mga anak. Hayaan mong ipakilala ng Laro Reviews ang Kids birthday party upang masuri mo itong mabuti: 


  • Gameplay

Batay sa mga pag-aaral, mas natututo ang mga bata sa pamamagitan ng mga nakakaaliw na activities, lalo na sa simulations. Ang layunin ng game app na ito ay makapagbigay ng masaya ngunit makabuluhang gaming experience sa mga bata. Ito ay nag-aalok ng iba’t ibang pambatang activities tulad ng puzzles, coloring games, hide and seek at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay pinagsama-sama na sa iisang gaming app. 

Ang gameplay ng Kids birthday party ay nakatuon sa pagbibigay ng kasiyahan at karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng mga nakakaaliw at makabuluhang mga laro. Dito ay mararanasan nila kung paano maghanda para sa isang birthday party. Ang mga pagdiriwang na tampok dito ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng cakes at party decors, matututo rin sila kung papaano mapapasaya ang birthday celebrant sa pamamagitan ng mga simpleng bagay tulad ng paggawa ng birthday cards at personalized na regalo. Maaari rin silang gumamit ng iba’t ibang birthday themes para sa mga pagdiriwang. 

  • Game Activities

Karamihan sa activities dito ay may kinalaman sa birthday party. Sa pamamagitan ng mga puzzle games, maaaring matuto ang mga bata ng tamang pagbibilang at pagkilala sa mga kulay. Ang game controls ng Kids birthday party ay simple at madaling maunawaan. Dinisenyo kasi talaga ito para sa mga bata. Narito ang dalawa sa ilang activities sa larong ito: 

Cake Making at Decorating

Hindi mawawala sa bawat pagdiriwang ng kaarawan ang birthday cake. Sa larong ito ay mabibigyan sila ng pagkakataong makagawa ng isang virtual cake. Matututunan nila ang step by step na proseso ng pag-bake at pagdisenyo ng cakes. Dito ay masusubok ang kanilang pasensya at pagiging malikhain. Kailangan nilang gumawa ng isang cake sa pamamagitan ng pag-drag ng mga sangkap sa isang bowl at paghahalo ng mga ito. Kapag nai-bake na ang cake ay kinakailangan din nilang lagyan ito ng disenyong nais nila. 

Party Mini-Games

Hindi rin mawawala sa birthday parties ang mga palaro para sa mga bisita at pati na rin sa celebrant. Mayroon ditong guessing game kung saan kinakailangang hulaan ng bata ang itinatampok na mga larawan. Bukod dito, mayroon din ditong piñata, card making at marami pang iba. 

Pros at Cons ng Kids Birthday Party

Ang game app na ito ay puno ng nakakaaliw na activities para sa mga bata. Ang makukulay na graphics at simpleng gameplay nito ay angkop para sa kanilang murang edad. Ito ay idinisenyo hindi lamang upang aliwin sila, kung hindi para na rin matuto ng iba’t-ibang kaalaman tulad ng color identification at pagbibilang. Mayroon itong simple at nakakaaliw na game mechanics. Higit sa lahat, nagtatampok din ito ng mga educational games para sa pagsasanay ng liksi at malinaw na paningin. Hindi rin kinakailangang mabahala ang mga magulang dahil lahat ng mga nilalaman nito ay angkop sa mga bata. Nakakasigurado rin sila na nakapagbibigay ito ng ligtas na learning environment. Nagtatampok ito ng mga nakakatuwang animal game character na kinahihiligan ng mga bata. Bukod sa mga nabanggit, pwede itong i-access kahit saan at kahit kailan. 

Sa kabilang banda, ang app na ito ay mga may problema at isyu rin. May ilang magulang ang nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa dami ng ads nito. Marami kasing mga bata ang naiinis dahil nakakaistorbo ang mga ito sa kanilang paglalaro. Bukod dito, malaki rin ang epekto nito sa mood nila dahil nakakagambala ang mga ito at nagdudulot ng negatibong epekto sa pagkatuto nila. May pagkakataon ding biglaang nagka-crash ang app at napakatagal pa nitong mag-restart o mag-reload. Ang activities ay limitado sa free version ng game app. Para matigil ang ads at magamit ang lahat ng features nito, kinakailangang magbayad para rito. Nakakalungkot din dahil may kamahalan ang paid version nito kung ikukumpara sa iba. 

Konklusyon

Ang Kids birthday party ay nakapagtala ng average rating na 4.4 stars mula sa halos 30,000 reviews sa Google Play Store. Bagaman ang konsepto ng larong ito ay mainam para sa mga bata, may mga pagkukulang at kahinaan naman ito pagdating sa ibang aspeto. Para sa Laro Reviews, ang free version ng game app na ito ay medyo nakakadismaya dahil sa limitadong game activities at features nito. Dahil sa nakakaabalang ads ay napipilitan ang mga magulang na magbayad para rito. Subalit, masasabi ko na ito na may kamahalan at mas maraming abot-kayang game apps na mas mainam kaysa rito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...