Kitchen Craze: Restaurant Game Review

Kunin ang mga loob ng iyong mga customer sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng masasarap na pagkain na ngayon lang nila malalasahan o matitikman. Hayaan silang lasapin ang bawat pagkain na iyong ihahain. Maghain ng masasarap na pagkain, matatamis na dessert, at inumin na makakabusog sa kanilang panlasa. Ang mga order ay patuloy na dumadami! Kaya Chef, bilisan mo at dumiretso sa kusina para magsimulang magluto. Ibuhos ang iyong puso sa pagluluto upang mapabilib sila at masiyahan ang kanilang mga tiyan. Huwag hayaan silang maghintay ng matagal dahil sila ay gutom na at natatakam sa iyong mga masasarap na lutuin.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay kunin ang lahat ng mga order ng mga customer at ganap na pagsilbihan sila nang hindi sila masyadong pinaghihintay. Ang kanilang pasensya ay may limitasyon lamang. Bilang resulta, kung gusto mong kumita ng maraming tips at kumita ng mas maraming pera, dapat mong kumpletuhin ang kanilang mga order nang tama at sa pinakamabilis na paraan. Maaari mong tingnan ang haba ng pasensya sa tabi nila upang masubaybayan ang kanilang mood. Maaari mong pagbutihin ang pagiging produktibo ng iyong restaurant sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong kagamitan at tool sa kusina. Mas mabilis kang makakapaglingkod sa ganitong paraan!

Paano ito laruin?

Sa seksyong ito, ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng maikling pangkalahatang-ideya kung paano magsimula rito. Ang gameplay ay sobrang simple, at kahit na walang tutorial, maaari mong maunawaan ang lahat ng ito nang mag-isa. Kaya, dadaan lang tayo sa mga mahahalagang aspeto na dapat mong malaman. Mayroong ilang mga mapa sa laro kung saan maaari kang gumawa ng iba’t ibang mga lutuin. Maaaring ito ay nasa lugar ng pagluluto, pag-ihaw, pagpapakulo, o iba pang uri ng culinary technique. Ang iyong unang negosyo ay magiging katulad ng isang coffee shop na kung saan maghahain ka ng simpleng tinapay, donut, at kape.

Magagawa mong i-upgrade ang kagamitan sa kusina rito, na makakatulong sa iyo upang madagdagan ang produksyon at mapabilis ang proseso ng pagluluto. Dapat mong pagbutihin ang mga ito upang makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa iyong mga customer. May mga mapa na pansamantalang naka-lock, at upang ma-access ang mga ito, kailangan mo munang kumpletuhin ang naunang mapa at mangolekta ng sapat na mga susi. Higit pa rito, dapat mong manual na i-download ang bawat mapa. Nag-iiba-iba ang layunin ng bawat level upang makakuha ng tatlong buong bituin, ngunit ang iyong pangunahing prayoridad ay ihatid ang lahat ng mga order nang tama at mabilis. Iyon lang ang kailangan mong malaman tungkol dito. Handa ka na ngayong magluto, kaya isuot na ang iyong apron at magsimula na sa pagluluto!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Kitchen Craze: Restaurant Game sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Kitchen Craze: Restaurant Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fme.KitchenCraze

Download Kitchen Craze: Restaurant Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/kitchen-craze-cooking-games/id1155324155

Download Kitchen Craze: Restaurant Game on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.fme.KitchenCraze

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Kitchen Craze: Restaurant Game

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Kitchen Craze: Restaurant Game pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Kitchen Craze: Restaurant Game!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Kitchen Craze: Restaurant Game

Dito, ang Laro Reviews ay malugod na magbabahagi ng ilang basic at kapakipakinabang na mga tip upang mabilis na umusad sa laro. Ito ay napakadali ngunit mapanghamon dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga order at dapat mong kumpletuhin ang mga ito bago mawalan ng pasensya ang mga customer. Kaya, narito ang ilang tip para makapagsimula ka:

  1. Ang pinakamadaling paraan para kumita ay ang gumawa ng mga combo. Upang magawa ito, dapat mabilis at sunod-sunod mong ihanda at ihain ang mga order upang ma-activate ng combo. Mayroon ka lang 5 dish combo para sa maximum coin earnings.
  1. I-upgrade ang iyong mga kasangkapan at kagamitan sa kusina. Sa ganitong paraan, magiging mas mabilis at mas madali ang iyong trabaho. Tandaan na limitado ang pasensya ng iyong customer sa paghihintay sa kanilang mga order. Kung mabigo ka, makakakuha ka lamang ng kaunting tips, o mas masahol pa, wala kang mapapala sa iyong pagsisikap. 
  1. Huwag kalimutang i-claim ang iyong mga Achievement at Daily Goals rewards.
  1. Magsaya lamang sa buong laro at huwag i-stress ang sarili.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Kitchen Craze: Restaurant Game

Lahat tayo ay may natatanging mga interes o hilig na dapat nating matuklasan at pagyamanin sa paglipas ng panahon. Sa kabilang banda, ang Kitchen Craze: Restaurant Game ay magpapakilala sa iyo sa isang bago at kapanapanabik na paraan ng pagluluto. Oo, tama ang nabasa mo. Ilalantad ka nito sa iba’t ibang istilo ng pagluluto, mula sa paghahanda hanggang sa natapos na produkto, at kalaunan ay ihahatid ito sa mga gutom na customer. Napakasaya ng laro na hindi namin maidetalye isa-isa ang lahat.

Maaari itong maging kapaki-pakinabang, lalo na para sa mga bata, sa pagtukoy kung sila ay nasisiyahan sa pagluluto o hindi. Magagawa mong ilabas ang kanilang mga nakatagong kakayahan sa larangang ito. Ang laro ay maaari ring gamitin bilang isang educational tool para sa mga bata, na pinaniniwalaan naming epektibo dahil nagbibigay ito hindi lamang ng intuitive na gameplay kundi pati na rin ng mga simpleng kontrol. Ito ay malikhaing nagpapasigla sa kanilang mga isip habang nage-eksperimento sila ng mga aktibidad sa paligid ng kusina. Ang pagluluto ay isang anyo ng sining gayundin isang malikhaing gawain. Kaya naman labis na magugustuhan ng mga bata ang larong ito.

Ang visuals ay masigla at kaakit-akit sa paningin. Kaya naman hindi ka magsasawang laruin ito. Ito ay hindi matamlay, ngunit sa halip ay sobrang masigla. Tamang-tama para sa mga bata na manlalaro, ngunit kung ikaw ay nasa hustong gulang, wala rin namang problema. Inaanyayahan ang lahat na maglaro at magsaya. Walang mga limitasyon rito, at maaari ka ring makakuha ng mga pangunahing kasanayan sa pagluluto. Ang laro ay nakakaaliw at may kasamang napakaraming aktibidad na dapat gawin na lahat syempre ay may kaugnayan sa pagluluto.

Konklusyon

Ang laro ay mayroong halaga bilang pang-entertainment at pang-edukasyon din. Ito ay nagbibigay inspirasyon sa iyong isip na maging malikhain sa paraang nauugnay sa pagluluto. Kung mahilig ka sa pagluluto, ito ang pinakamahusay na laro para sa iyo. Maghain ng mga katangi-tanging pagkain na hindi lamang magpapasaya sa kanilang mga panlasa ngunit pahahangain din sila sa iyong talento pagdating sa pagluluto.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...