Toy Block Boom – Crush&Blast Review

Maghanda na mahumaling sa isang tap at match puzzle game na ito. Pasabugin ang lahat ng posibleng cube at ikonekta ang mga espesyal na booster para magpakawala ng isang malakas na magic spell na may malaking pinsala. Tapusin at kumpletuhin lamang ang bawat level upang makausad sa susunod na hamon. Huwag kang mag-alala, lahat ay madali at hindi mo kinakailangan mangamba. Mag-relax lang, i-tap, at pasabugin ang mga cube mula sa grid. Kaya kunin na ang mga smartphone at umpisahan ng i-download ang laro para masubukan na ito kaagad.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay simple at madali lamang: pasabugin ang lahat ng mga makukulay na cube na dapat sirain upang makumpleto o ma-clear ang isang level. Maaari mong makita ang target na bilang ng mga cube na dapat mong pasabugin sa itaas ng screen. Ang kailangan mo lang gawin ay i-tap para paputukin ang mga ito at mag-swipe para i-link ang mga ito. May mga booster at power-up na makakatulong sa iyong makumpleto ang layuning ito, at kung paano mo gagamitin ang mga ito ay ganap na nasa iyo. Sa bawat pagkakataon na makumpleto mo ang isang level, sasalubungin ka ng spinning wheel. Ang lahat ng mga bituin na nakuha mo mula sa mga panalong laro ay magagamit sa pagpapa-ikot ng spinning wheel. Kaya halika na’t mag-umpisa na tayong magsaya!

Paano ito laruin?

Sa sandaling mayroon ka ng app ng larong ito sa iyong device ay maaari ka ng magsimulang maglaro. Dadalhin ka kaagad nito sa pangunahing feature. Walang mga aspeto ng laro na dapat mong matutunan agad. Ito ay sobrang simple upang maunawaan, at kahit na hindi ka dumaan ng tutorial, magagawa mong matutunan ang lahat sa ilang sandali lamang o pagkatapos ng ilang laro. Ang pangunahing layunin ng laro ay pasabugin ang lahat ng mga makukulay na cube na kailangang sirain. Ang iyong layunin, o ang bilang ng mga cube na dapat alisin ay ipapakita sa itaas ng screen.

Pagkatapos ay maaari mo ng simulan ang pagpapasabog sa lahat ng mga target na cube o lumikha ng isang booster. Maaari kang gumawa ng booster sa pamamagitan ng pag-tap sa mga nakagrupong cube na makikita mo sa screen. Maaari mo ring ikonekta ang dalawang booster na magkatabi upang magpakawala ng isang magic spell na may malaking pagsabog. Madali mong makukumpleto ang level sa ganitong paraan. Bilang din ang pag-tap ng dalawa o higit pang magkakaparehong kulay na mga cube para sumabog. Ang bawat cube na iyong napapasabog ay bilang, at mayroon ka lamang limitadong bilang ng mga galaw. Mayroong tatlong mga slot para sa mga power-up, na maaaring makatulong kung nagkakaproblema ka sa pagkumpleto ng iyong mga layunin.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Toy Block Boom – Crush&Blast sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. 

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Toy Block Boom – Crush&Blast on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tapmatch.toyblockboom.free

Download Toy Block Boom – Crush&Blast on iOS https://apps.apple.com/mt/app/toy-block-boom-match-3-game/id1516738490

Download Toy Block Boom – Crush&Blast on PC https://napkforpc.com/apk/com.tapmatch.toyblockboom.free/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Toy Block Boom – Crush&Blast

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Toy Block Boom – Crush&Blast. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Toy Block Boom – Crush&Blast!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Toy Block Boom – Crush&Blast

Narito ang ilang mga tip para sa mga manlalarong gustong umusad nang mabilis. Talagang imposible na hindi mo makumpleto ang isang level dito dahil ito ay napakasimple. Gayunpaman, ang Laro Reviews ay magbibigay pa rin ng ilang ideya upang matulungan ka sa buong laro.

  1. Unahin ang lahat ng mga cube na dapat sirain upang matapos ang level.
  2. Pagsamahin ang lahat ng magagamit na mga booster upang makabuo ng isang napakalaking pagsabog.
  3. Pasabugin ang lahat ng nakagrupong cube para gumawa ng mga espesyal na cube o booster.
  4. Tandaan na magsaya at huwag i-stress ang iyong sarili sa laro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Toy Block Boom – Crush&Blast

Ang Toy Block Boom – Crush&Blast ay isang larong tiyak na maaadik ka, na may intuitive na gameplay, basic ngunit kaakit-akit na mga feature, at higit sa isang libong level upang laruin at i-enjoy. Hinding-hindi ka mabibigo na subukan ang isang ito dahil sa masayang karanasan na maaari mong makuha rito. Walang mga limitasyon pagdating sa edad, at lahat ng mga matatanda at bata ay malayang makakapaglaro nito. Tinitiyak namin sa iyo na kahit na ikaw ay nasa hustong gulang na, ito ay makakatulong sa iyong makapagpahinga o mapawi ang pagkabagot. 

Maliwanag na ang tanging paraan upang maalis ang stress ay ang gumawa ng isang bagay na masaya na nagpapanatili sa iyong utak na aktibo sa ilang sandali. Kaya nagpapasalamat kami na natagpuan namin ang larong ito. Nag-aalok ito ng gameplay na maaaring laruin ng sinuman. Kahit na hindi ka sumailalim sa isang tutorial, matututunan at malalaman mo na lang ng kusa ang mga bagay-bagay dahil ang lahat ay napakasimpleng maunawaan at walang kumplikado o advanced na mga kontrol na dapat ipag-alala. Ito ay kasingdali ng pag-swipe at pag-tap lamang. 

Pamilyar tayong lahat sa ideya na ang lahat ng laro ay may mga kakulangan at ang isa sa pinaka-karaniwang problema ng isang laro ay ang mga advertisement. Asahan ang mga advertisement na makakairita sa iyo at patuloy na lalabas sa iyong screen. Ayon sa Laro Reviews, ang laro ay masyadong madali sa pangkalahatan, at walang mga bagong update o pagpapahusay na maaaring magpataas ng kasiyahan sa paglalaro nito. Siyempre, pinahahalagahan namin kung gaano kadaling matutunan ang laro, ngunit palagi tayong naghahanap ng mas mapanghamong mga level na maglalagay sa ating mga talento sa pagsubok sa halip na puro katuwaan. Umaasa kami na ang mga developer ay makakabuo ng ilang bago at kawili-wiling mga feature.

Konklusyon

Ang Toy Block Boom – Crush&Blast ay isa sa pinakamagagandang laro kung gusto mong panatilihing aktibo ang iyong isip habang nagsasaya. Nag-aalok ito hindi lamang ng mga intuitive na kontrol kundi pati na rin ang nakakahumaling na gameplay. Ang lahat ay maaaring maglaro, bata man o matanda.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...