Link Animal Review

Gusto mo ba ng larong hahamon sa iyong critical thinking skills o gusto mong sanayin ang iyong isipan sa paglutas ng mga mahihirap na puzzle? Kung ganon, tiyak na magugustuhan mo ito. Ang Link Animal ay isang offline na puzzle game na ginawa ng GAME OFFLINE HAY. Para sa mga manlalarong nagbabasa nitong artikulo, ito na ang pagkakataon ninyong sukatin ang talas ng inyong isipan. Kilalanin natin itong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Simple lang ang mekaniks ng laro. Kailangan mo lang itugma ang mga magkaparehong imahe sa pamamagitan ng isa hanggang tatlong linya lamang. Ibig sabihin, kung magkalayo ang dalawang magkaparehong imahe, kailangang maitugma sila gamit lamang ang tatlong linya. Mayroong time limit ang bawat stage at habang tumataas ang stage, mas nagiging maikli ang time limit. Ang graphics nito ay 2D at mayroong malalim na detalye ngunit, simple lang ang animation. Sa bawat mahihirap na stage, maaari kang gumamit ng perks. Narito ang mga perks at ang kanilang mga epekto.

Heart – Ito ang nagsisilbing lifeline mo. Kapag naubos ang heart, ibig sabihin matatalo ka ngunit, kung mayroon kang extra nito, pwede mo itong gamitin upang makapaglaro muli sa isang stage.

Scramble – Ang perk na ito ay makakatulong sa iyo upang i-rearrange ang mga imahe. Maaaring gamitin ito sa mga panahon na wala ng imahe ang maaaring itugma.

Search – Tatanggalin ng perk na ito ang dalawang imaheng magkatugma anuman ang posisyon nito.

Maaari kang makakuha ng mga perks na ito kung mayroon kang naipasa na mga stage o sa pamamagitan ng panonood ng mga ads. Ang kabuuang gameplay ng laro ay napaka-mapanghamon at ang bawat stage ay nadadagdagan ang mga imahe. Ito lamang ang mga tampok ng laro sa kasalukuyan at asahang madadagdagan pa ito sa mga susunod na updates o mga special events.

Paano I-download ang Link Animal?

Hindi kumplikado itong laro. Sa katunayan, hindi mo na kailangan gumawa ng log in accounts o mag-bind ng Facebook at Gmail accounts upang makapagsimulang maglaro nito. Upang i-download ito sa Android o iOS device, pumunta lamang sa Google Play Store app o App Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos, i-click ang Install. Maaari mo rin itong laruin sa PC. Upang i-download ito sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro. Pagkatapos ay i-click ang download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Link Animal on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.noithu

Download Link Animal on iOS https://apps.apple.com/us/app/animal-link-classic/id1509872509

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Mukhang madali lamang itong laruin kung pakikinggan, ngunit kung ikaw mismo ang maglalaro ay tiyak na mahihirapan ka at malilito dahil sa napakaraming imahe sa screen. Dagdag pa sa pahirap ang time limit nito. Pero huwag mag-alala dahil ibabahagi ng Laro Reviews ang mga kaalaman at strategy na makakatulong sa iyong malampasan ang mga stage. Isang bagay lamang ang dapat mong tandaan – ito ay ang gameplay management o ang paraan kung paano mo ito lalaruin. Bago ang lahat, huwag nyo nang sayangin ang oras nyo sa paghahanap sa Google ng kahulugan ng gameplay management dahil ginawa ko lamang ang pangalang ito para sa strategy na ito.

Kadalasan sa mga baguhan ay nakakaramdam ng matinding pressure sa laro dahil sa time limit at dahil dito, minamadali ng mga baguhang manlalaro ang pag-solve ng puzzle na nagreresulta sa lalong pagkalito. Kailangan mong kontrolin ang pressure na ito dahil hindi ito makakatulong sa iyo at mas lalong pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Ang dapat mong gawin ay ituon ang iyong buong atensyon sa paghahanap ng mga larawan na magkatugma at alisin sa isip ang time limit. Dapat mong unahin ang mga larawang magkakalapit upang mabawasan ang mga imahe sa screen at kapag kaunti na lang ang mga ito, mas makikita mo na ang ibang mga larawang magkatugma. Tandaan na dapat mong tipirin ang iyong mga perks at gamitin lamang ito sa panahon na talagang kailangan mo dahil mahirap makakuha nito ngunit, kung mahaba ang iyong pasensya, pwede mo namang gamitin ang lahat ng iyong perks at kapag naubusan ka na ng perks, manood lang ng ads upang muling magamit ang mga ito. Ulitin lang ang prosesong ito hanggang matapos mo ang buong laro.

Kalamangan at Kahinaan

Sa dami ng mga puzzle games, ano nga ba ang kaibahan nitong laro at sulit ba itong laruin? Ang sagot sa tanong na ito ay depende kung pihikan ka ba sa pagpili ng laro at kung gaano kalalim ang iyong pagkahilig sa puzzle game. Bago mo ito i-download, narito ang mga kalamangan at kahinaan nitong laro.

Simple at basic lang ang graphics nito. Wala kang aasahang mga nakakagulat na special effects o animation. Wala rin itong storyline o anumang mga side quest, task o leaderboard ngunit ang gameplay nito ay mapanghamon. Nakakalito ang mga imahe na nagpapadagdag ng difficulty ng laro na isang magandang katangian dahil sino nga naman ang gustong maglaro ng nakakabagot na puzzle game? At dahil offline ito, pwede mo itong laruin kahit saan at kahit walang internet connection. Hindi mo na kailangang indahin ang mga nakakabagot na pila o byahe kung mayroon ka nitong laro. Sa pinagsama-samang mahihirap na gameplay at time limit nito, sigurado akong mapipiga ang utak mo sa larong ito. 

Kung mayroon man akong hindi nagustuhan sa laro, ito ay ang paminsan-minsang pagla-lag at bugs nito. Kadalasan, kapag nilalaro mo ito online at bigla kang nag-offline, hindi nase-save ang stage ng iyong laro. Halimbawa, kapag naglalaro ka sa stage 50 sa online, pagkatapos bigla kang nag offline ay babalik ka sa stage one. Para sa akin hindi naman ito malaking issue dahil ang difficulty ng stage one at stage 50 ay halos magkapareho lang. Ang pinagkaiba, mas mabilis ang limit ng oras sa Stage 50. Ganun pa man, kung ang nais mo lang ay nakakalibang na pampalipas oras, perpekto para sa iyo itong laro.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.0 sa Google Play Store. Hindi man ito kagandahan sa usapin ng graphics, napakaganda naman ng gameplay nito. Ito ang mainam na laro upang sukatin ang talas ng iyong isipan. Kung inaakala mong magaling ka na sa puzzle games, subukan mo ito. I-download na ang Link Animal ngayon.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...