Lotsa Slots – Casino Games Review

Ang SpinX Games Limited ay isang development gaming company kung saan lumilikha ang mga ito ng mga nakakaaliw na casino mobile game apps. Para bang ito na ang itinuturing nilang specialty dahil dito na umiikot ang kanilang kumpanya. Kalaunan, dahil sa mga ito, naging kilala ang SpinX Games bilang isa sa fastest growing companies pagdating sa mga larong may kinalaman sa Casino. Ilan sa kanilang mga sumikat na laro ay ang Lotsa Slots – Casino Games.

Ang Lotsa Slots – Casino Games ay isang free online slot game kung saan malaya mong mapapasok ang mundo ng Casino. Sa tulong ng larong ito, mararanasan mo ang pag-spin sa slot machine na mayroon dito upang manalo ng limpak-limpak na salapi. Bukod pa rito, mayroon din itong mga quest at daily event kung saan posibleng makakakuha ka ng mga free coin at makakapag-unlock ka pa ng hindi lang isa kundi marami pang ibang klase ng slot machine habang nagpapatuloy sa laro. Exciting, hindi ba?

Paano Laruin ang Lotsa Slots – Casino Games?

Sa kabuuang bilang, mayroong 111 slot machines ang maaaring malaro ng mga magtatangkang pasukin ito. Ilan sa mga ito ang nangangailangan pa ng pag-a-unlock o magagamit mo lamang kung patuloy mong lalaruin ang mga naunang slot machine. Bukod pa rito, posible pang madagdagan ang mga ito dahil sinigurado ng SpinX Games na maging isa ang Lotsa Slots – Casino Games sa mga larong maaaring maranasan ang lahat ng mini slots kahit nasa iisang app lamang.

Lotsa Slots - Casino Games - Laro Reviews

Lotsa Slots – Casino Games – Laro Reviews

Bagaman pare-pareho lang naman ang gameplay ng laro kung saan kailangan mo lang namang mag-spin nang mag-spin at maglagay ng bet o pusta kapalit ng makukuha mong jackpot prize dito, mayroon pa rin namang kanya-kanyang challenges na inilagay sa mga ito upang mas maging kapanapanabik pa. Narito ang ilang slot machines na maaari mong ma-unlock at malaro dito sa Lotsa Slots – Casino Games. 

Una na riyan ay ang Lava Loot. Sa larong ito ay trabaho mong makapag-match ng lima o higit pang magkakaparehas na simbolo. Katumbas lagi ng pagma-match ng mga ito ay ang coins na maaari mong matanggap dito. Mayroon ding tinatawag na cash re-spin feature ang larong ito at upang ma-activate ito ay kailangan mo lamang ipag-match ang anim o higit pang hugis bilog na animo’y nag-aapoy na simbolo. Isa ito sa mahahalagang features ng laro dahil ang bawat symbol nito ay may nakalaang iba’t ibang halaga ng pera. Oras na ma-activate mo ito, bibigyan ka nito ng tatlong pagkakataon upang makapag-spin muli. Depende sa dami ng na-match mo ang makukuha mong reward dito.

Sunod naman nito ang Desert Princess kung saan kailangan mo lang ding ipag-match ang kulay kahel na hugis bilog na simbolo naman nito sa kahit anong posisyon. Maaari ka ring makakuha rito ng bonus kung saan laman nito ang free 10 spins o kaya ang electric link feature nito kung saan katulad din nito ang naunang kailangang punan na lahat ng posisyon. Mayroon din itong iba’t ibang value na iyong matatanggap pagkatapos, depende sa dami ng nakuha mong required na simbolo.

Related Posts:

Avakin Life – 3D Virtual World Review

Light of Thel: Glory of Cepheus Review

Lotsa Slots - Casino Games - Laro Reviews

Lotsa Slots – Casino Games – Laro Reviews

Bukod pa sa maraming bilang ng mga slot machine na pwede mong laruin, upang makapag-earn ng maraming pera sa Lotsa Slots – Casino Games, ay mayroon pa itong mission section kung saan nakalagay doon ang mga dapat mong i-achieve sa laro gaya ng kailangan mong makaipon ng isang milyong coins sa laro. Kapalit ng pagtapos mo sa mga misyon na ito ay ang mga reward kagaya ng dagdag na pera rito sa laro, mission at loyalty points.

Saan maaaring i-download ang Lotsa Slots – Casino Games?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 95MB sa google play para mai-install habang 176.6MB naman pagdating sa App Store. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang mga link sa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Lotsa Slots – Casino Games on Android : https://play.google.com/store/apps/details?id=com.diamondlife.slots.vegas.free

Download Lotsa Slots – Casino Games on iOS : https://apps.apple.com/us/app/lotsa-slots-vegas-casino/id1356045010

Kung nais mo namang malaro ito sa iyong laptop, i-click naman ang link na nasa ibaba. 

Download Lotsa Slots – Casino Games on PC : https://www.bluestacks.com/apps/casino/lotsa-slots-casino-games-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Kung mayroong maiiwang tips ang Laro Reviews para sa mga maglalaro ng Lotsa Slots – Casino Games, iyon marahil ay ang mag-enjoy lamang sa pag-spin ng pag-spin dahil iyon lamang naman ang daan upang makapag-ipon ng maraming pera sa larong ito. Hindi mo rin naman kailangang malumbay kung sakali mang sa unang subok mo ay matalo ka. Sa huli naman ay mapagtatanto mong hindi tunay na pera ang ginagamit mo bilang bet o ipinampupusta kaya wala kang dapat panghinayangan. Gayunpaman, kung pag-uusapan natin ang pagpusta, isang mainam na gawin marahil pagdating dito ay ang magbigay ng nasa tamang value lamang. Lalo na kung magsisimula pa lamang dahil kung mangyaring medyo hindi gaanong maganda ang tinatakbo ng laro ay wala kang gaanong magiging problema. Maaari mo naman itong taasan kung pakiramdam mo’y gumaganda ang daloy ng laro. Atin ding pakiramdaman ang laro, kung tingin natin ay hindi na maganda ang itinatakbo nito, maaari naman nating ibaba ang pusta. Lahat ng mga slot machine rito ay maaari mong laruin at maaari kang kumita ng malaki kaya subukan ang mga iyon hangga’t kaya’t gusto mo. Tandaan din na upang ma-unlock ang iba pang slot machine ay laruin ang mga nauna’t available na slot machine.

Lotsa Slots - Casino Games - Laro Reviews

Lotsa Slots – Casino Games – Laro Reviews

Pros at Cons ng Lotsa Slots – Casino Games

Kung iyong papansinin ang graphics at sound ng laro, mapapansin mo talagang sinikap ng developer nito na ibigay sa mga manlalaro ang kung anong mundo ang mayroon sa Casino. Mamamangha ka sa bawat kulay, sa bawat feature at theme na makikita mo sa iba’t ibang slot machine. Hindi mo rin pagsasawaan ang mga ito dahil napakarami ng maaari mong pagpilian dito. Bukod pa rito, naglalaro ka man ng casino o hindi, maa-appreciate mo ang bawat tunog na nilapat dito na para bang naroon ka talaga sa tunay na lugar ng casino. Halos perpekto ang pagkakalikha rito na talagang masasabing mong walang dudang isa ito sa maaaring tangkilikin ng lahat pagdating sa paglalaro ng casino.

Namangha rin ang Laro Reviews kung saan mayroon din silang mga iniwang guide na makikita sa labas ng laro patungkol sa pagsagot sa mga maaaring maging issue ng bawat manlalaro habang nilalaro nila ang Lotsa Slots – Casino Games. Mayroon ding mga paalala ang laro kung saan nililinaw nilang hindi nito niro-romanticize ang pagsusugal. Malinaw rin nilang ipinaliliwanag na ang larong ito ay for entertainment lamang at maaaring ang tactics na ginagawa mo rito upang manalo ay posibleng hindi mo magamit sa tunay na casino.

Gayunpaman, sa kabila ng mga kalamangan ng Lotsa Slots – Casino Games, hindi rin maaaring mawala ang ang mga disadbentahe nito gaya ng pagkakataong mabilis kang nananalo rito. Kung unang beses mo pa lamang dito ay mapapansin mo agad iyon. Kung makakatanggap ka nga naman ng limpak-limpak na salapi sa isang simpleng tira mo pa lang ay talaga namang matutukso kang magpatuloy sa laro. Iyan ang estratehiya ng larong ito ngunit sa oras na maramdaman na nitong nawiwili ka na sa laro, unti-unti na itong nagiging madamot. Bihira o kakaunti na lamang ang naipapanalo mo rito. Ganun din sa kalakalan ng pagpupusta sa simula ng laro na kahit maliit lang ang pinusta mo ay malaki ang perang mapapasaiyo. Kung dadagdagan mo ito ay doon na ito magsisimulang babaan ang maipapanalo mo. 

Para rin sa kaalaman ng lahat, ang Lotsa Slots – Casino Games ay isa rin sa mga larong nagtataglay ng mga feature na magagamit lamang kung maglalaan ng tunay na pera. Ngunit dahil lumalabas na wala rin namang pagkakaiba ang mga nagbayad sa laro at nandito lamang para malibang, isang mainam na gawin ang pag-isipan ito. Tila kasi tipid pa rin ang larong ipanalo ang mga ito.

Konklusyon

Walang dudang mahu-hook ka sa larong ito dahil tunay na nakalilibang ito oras na simulan mo na itong laruin. Tamang-tama ang larong ito kung ang hanap mo ay pamatay ng oras. Gayunpaman, mainam pa ring mayroon tayong ginagawang limitasyon sa sarili lalo na kung pagdating sa mga larong gaya nito. Tandaang hindi ka lamang sa loob ng laro nagsusugal, kundi pati na rin sa oras na ginugugol mo sa paglalaro nito. Kaya mahalagang alam mo, bilang isang manlalaro, kung kailan maaari mong sabihin ang “pwede pa” at “tama na”.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...