Love Fantasy: Match & Stories Review

Ang Love Fantasy: Match & Stories ay kakaibang uri ng puzzle game. Sa pagsisimula ng laro, makikilala si Jane at mapapansin na siya ay kasalukuyang depressed. Ito ay dahil sa niloko siya ng kanyang nobyo habang siya ay nasa malayo para sa isang business trip. Bumalik siya nang mas maaga kaysa sa inaasahan, ngunit pagdating niya ng bahay ay nakita niya ang nobyo niyang si Adam na nakikipaglandian sa isang babaeng nagngangalang Kate. Dinidbdib ito ni Jane kaya sobra siyang na-depress. Pinili niyang umalis at makipaghiwalay sa kanyang nobyo agad-agad. Maaaring piliing patawarin si Adam at marami pang ibang pagpipilian habang naglalaro nito. Ngunit kung pipiliing tapusin ang relasyon kay Adam, kailangang tulungan si Jane na kumawala sa isang toxic relationship.

Hindi madaling pagdaanan ang isang breakup at kayanin ang pagiging broken-hearted. Maraming mga tao ang nilulunod ang sarili sa alak, nagkukulong sa kwarto at tumatangis ng balde-baldeng mga luha. Pagkatapos ng prosesong ito, karaniwan na sa mga kababaihan, lalo na ang nasa stage na malapit nang maka-move-on, ang gumagawa ng malaking pagbabago sa kanilang mga sarili. Gagantihan nila ang nanakit sa kanila sa pinakamalupit na paraang alam nila – ang ipakita kung ano ang nawala sa kanilang iniwang katipan. Gagawin ito sa pamamagitan ng kumpletong makeover. Bagong hairstyles, make-up, at magagandang mga bagong damit. Dito iikot ang larong Love Fantasy: Match & Stories – sa pagtulong kay Jane  na talunin ang depression at makahanap ng panibagong simula.

Love Fantasy Match & Stories

Love Fantasy Match & Stories

Layunin ng Larong Love Fantasy: Match & Stories

Ang pangunahing layunin sa larong Love Fantasy: Match & Stories ay ang makumpleto ang matching puzzles para mabigyan si Jane ng glow-up makeover! Pumili ng pinakamagagandang outfits para masiguradong tutugma ito sa bawat isa.

Para makakuha ng mas maraming gold coins, kailangang ma-solve ang maraming matching puzzles. Sa pamamagitan nito makakapagbigay ng makeovers para kay Jane at makakabili ng mga bagong apparel at items, para magpagandang muli at maalis ang kalungkutan ni Jane. Dahil kumbinasyon ng romance at puzzles ang larong ito, siguradong mawiwili ang mga naglalaro nito. Malilibang ka sa isang romantikong kwento ng nabigong pag-ibig. Hindi ito mangangailangan ng mahusay na kasanayan. Kung nasubukan mo na ang iba pang larong matching games, magiging madali na lang na tapusin ang mga puzzles dito.

Pag-download ng Love Fantasy: Match & Stories Game

Para makapaglaro ng Love Fantasy: Match & Stories sa PC, ang emulator ay kailangang gamitin sa pagda-download. Ang laro ay available at mada-download sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa may mga iOS device. I-download na ang laro gamit ang sumusunod na links:

  • Download Love Fantasy: Match & Stories game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.love.journey.match&hl=en_SG&gl=US
  • Download Love Fantasy: Match & Stories game on iOS https://apps.apple.com/us/app/love-fantasy-match-stories/id1579608232
  • Download Love Fantasy: Match & Stories game on PC https://www.memuplay.com/cs/how-to-play-com.love.journey.match-on-pc.html
Love Fantasy Match & Stories

Love Fantasy Match & Stories

Mga Gabay sa Paglalaro ng Love Fantasy: Match & Stories Game

Ang buhok ni Jane ay napakapangit na sa simula ng laro at kailangang ayusin. Ang kanyang mukha ay marumi rin. Ngunit sa iyong tulong ay maaari siyang magpagandang muli. Makakadama ka ng lubos na kaligayahan kapag nalampasan mo ang lahat ng puzzles at unti-unting makita ang mga pagbabago sa paganda ng pagandang si Jane. Kung magsasanay ng mas maraming oras, magagamaymo na ang laro at makukuhang mapasabog ang lahat ng level sa isang power-up lang. At dahil dito makakakuha rin si Jane ng mas bongga pang pagbabago.

Huwag maliitin ang antas ng hirap ng laro dahil humihirap ito sa bawat pagtaas ng level. Ang kailangan lang gawin ay makakuha ng tatlo o higit pang magkakaparehong kulay para sa bawat bagay. Lubos ang magiging kasiyahan kapag nakumpleto ang matching activities at nakabili ng mga bagay para kay Jane. Gugustuhin mong ipagpatuloy ang paglalaro nang walang hinto. Madaling makaka-relate at mawiwili sa matching game na ito. Ang isang importanteng feature dito ay ang maraming power-ups na nagpapaganda ng karanasan sa paglalaro. Ang iba dito ay makakalinis ng buong linya ng mga objects at ang iba naman ay ang buong board.

Importante na makakuha ng maraming power-ups kaya mangolekta nito hangga’t kaya. Ang pagkakaroon ng maraming power-ups ay nagbibigay ng pagkakataong makakuha ng mas maraming gold coins sa maiksing oras lamang. Sa ganitong paraan ay mas makakabili ng higit na mamahaling mga bagay para kay Jane. At kung ang pagka-depress ni Jane ay talaga grabe na, bawat expensive items ay makakapagbigay sa kanya ng lubos na kaligayahan. Lalo pang mas kailangan niya ngayon ng matinding makeover, from head-to-toe, para matulungan siyang makahanap ng bagong pagmamahal. Ibang kasiyahan ang dulot kapag matagumpay na natulungan mo siyang makahanap ng pagong pag-ibig. Ang pangunahing concern ay ang matulungan siyang kalimutan ang nakaraang relasyon na nagdulot sa kanya ng pighati, kasawian at nagbigay ng labis na kalungkutan.

Reviews Para

Sa paglalaro ng Love Fantasy: Match & Stories, mararanasan ang pakiramdam na maloko at masaktan ng taong mahal mo. Mas mauunawaan ang kahulugan ng paghihiganti at pagpapatawad. Magbibigay ito ng kaisipang hindi isang option ang pagsuko. Maeenganyo kang gawin ang lahat para matulungan si Jane na makahanap ng panibagong pag-ibig at maging masayang muli.

Related Posts:

Pooking – Mga Larong Bilyar City Review

Honkai Impact 3 Review

Ang graphics ng laro ay may mataas na antas ng kalidad. Ang musikang ginamit bilang background ay tunay na nakaka-relax. Kung ang hanap mo ay magkapag-relax habang naglalaro ng puzzle game, magandang subukan ang larong Love Fantasy: Match & Stories. Madadala ka nito sa istoryang nararanasan din sa totoong buhay at siguradong makaka-relate ka lalo kung nasubukan mo na ring magmahal at masaktan. Walang mararamdamang pressure habang naglalaro nito. Kahit medyo may karamihan ang mga lumalabas na ads, nangingibabaw pa rin ang fun at excitement sa laro.

Love Fantasy Match & Stories

Love Fantasy Match & Stories

Konklusyon

Para makumbinsi ang isang tao na muling maniwala sa pag-ibig at subukang magmahal ulit, mangangailangan ito ng ibayong tapang at tibay ng paninindigan. Kung ibibigay ang lahat ng makakaya, siguradong mapagtatagumpayan ang misyon. Hindi madaling magsasawa sa laro dahil may nakalaan na misyon para sa iyo. Kailangang mapasaya si Jane at matulungan siyang makahanap ng bagong pag-ibig. Nakakatuwang makita siya na paganda ng paganda sa bawat level na natatapos. Makakaramdam ka rin ng sense of accomplishment kapag nagawa ito.

Hindi araw-araw ay nagkakaroon tayo ng pagkakataong makatulong sa isang broken-hearted na tao para malampasan ang kanyang pinagdadaanang pagsubok dala ng disaster break-up. Kaya subukang simulang pasayahin ang bago mong bestfriend na si Jane!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...