Pooking – Mga Larong Bilyar City Review

Pooking – Mga Larong Bilyar City – Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin at kaakibat na nito ang paghahanap ng mga mapaglilibangan. Isa ang bilyar sa mga pinakapaboritong libangan ng mga Pinoy. Kahit saang sulok ng bansa ay makikitang mga mesa ng bilyaran at mga naglalaro nito. Maging sa ibang bansa ay sikat din ng larong ito at sadyang kinahihiligan din ng mga tao. Iba’t iba ang mga patakaran ng larong ito depende sa klase ng laro. Kadalasan ay umaabot pa ito sa international na mga paligsahan at pagalingan ng mga kampeon.

Hindi laging may panahon ang mga tao na dumayo sa mga bilyaran. Mabuti na lang dahil sa modernong panahon, hindi na kailangan pang dumayo para lang makapaglaro ng bilyar. Maaari nang maglaro ng bilyar kahit nasa bahay lang at kahit pa walang mesang paglalaruan. Available na itong malaro online dahil sa mga naglalabasang makabagong app tulad ng Pooking – Mga Larong Bilyar City. Hindi mo na kailangang magbayad ng mesang paglalaruan, pwede mo pa itong malaro kahit saan at kahit kailan.

Mga Kailangang Gawin sa Pooking – Mga Larong Bilyar City

Iba-iba ang klase ng paglalaro ng bilyar. May Continuous Pocket Billiards, One-Pocket, Eight-Ball, Seven Ball, at Nine Ball. Dito sa Pooking – Mga Larong Bilyar City, ang tema ng laro ay 8-ball.

Sa paglalaro ng 8-ball, ang layunin ng manlalaro ay maubos ang mga nakatalagang bola para sa kanya at ang paghuling ihuhulog sa pocket ay ang number 8. Kailangang maging maingat sa pagtira para hindi aksidenteng maihulog ang number 8 dahil kapag nangyari ito ay panalo na agad ang kalaban.

Pooking - Mga Larong Bilyar City

Pooking – Mga Larong Bilyar City

Paano Mai-download ang Pooking – Mga Larong Bilyar City?

Ipakita ang galing sa pagsargo ng bola! I-download ang Pooking – Mga Larong Bilyar City para malaro sa PC gamit ang emulator o pwede rin sa mobile devices. Maaari itong i-download direkta sa Google Play Store para sa mga gumagamit ng Android device. Para sa mga gumagamit naman ng iOS devices, ang English version ng laro ay maaaring mai-download sa App Store.

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

  • Download Pooking – Mga Larong Bilyar City game on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.billiards.city.pool.nation.club
  • Download Pooking – Mga Larong Bilyar City game on iOS https://apps.apple.com/us/app/pooking-billiards-city/id1299421779
  • Download Pooking – Mga Larong Bilyar City game on PC https://apk4k.fun/tl/app/com.billiards.city.pool.nation.club

Gabay sa Mas Magandang Laban

Kung ikaw ang nakatakdang sumargo ng bola, galingan ang pagtira at ibigay ang buong lakas upang tamaan ang target at makapaghulog ng ilang bola para magtuluy-tuloy ang pagtira. Ingatan na huwag maihulog ang number 8, kung ayaw mong matalo sa simula pa lang ng laro. Ang tamang timing para gawin ito ay sa unang sargo, maihulog mo man ang number 8 – kahit sinadya o hindi – ay panalo ka na agad.

Kailangang hasaing mabuti ang sarili sa pagtumbok ng mga bola para maging eksakto lagi ang tira. Sa pag-iisip ng estratehiya ng pagtira, hindi lang ang pagkahulog ng bola sa pocket ang kailangang pag-isipan. Kailangang maihanda din ang magiging tamang posisyon ng cue ball para sa susunod na bolang titirahin. Kung walang magandang posisyon para maihulog ang bola o para maihanda sa kasunod na tira, maaaring asintahin na maitago ang cue ball sa likod ng bolang nakalaan sa iyo para mahirapan ang kalaban sa pagtira at magkaroon ng pagkakataong “ma-bad shot” ang tira nang kalaban o maling bola ang kanyang tatamaan. Sa ganitong paraan, maaaring maiposisyon ang cue ball sa mas magandang pwesto kapag ikaw na ang titira at magiging madali para sa iyong tamaan ang mga target na bola.

Related Posts:

Honkai Impact 3 Review

Stickman Legends: Offline Game Review

Sa kanan ng screen ay makikita ang scroll para mai-adjust sa tamang anggulo o direksyon ang bola bago tumira. Sa kaliwa naman ay ang controls sa pag-adjust ng tamang lakas ng tira para maihulog ang bola sa mga pocket. Hindi kailangang mag-alala kung hindi pa marunong maglaro ng bilyar dahil makikita naman sa screen ang gabay ng direksyon na pupuntahan ng bola at maa-adjust ito gamit ang scroll. Maaaring tumbukin ang sulok ng mesa para makakuha ng anggulo kung hindi eksakto sa mga butas ang mga bolang tinutumbok.

Pooking - Mga Larong Bilyar City

Pooking – Mga Larong Bilyar City

Reviews Para sa Pooking – Mga Larong Bilyar City

Ang Pooking – Mga Larong Bilyar City ay isang solo-player game na tunay na nakakalibang. Ginamitan ito ng makabagong teknolohiya at mistulang naglalaro ka ng totoong bilyar sa pamamagitan ng kamangha-manghang graphics at billiard stimulator. Madaling makagamayan ang laro dahil sa user-friendly interface nito. Iba’t iba ang estilong matututunan mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap na antas ng laro. Ang isa pang nagustuhan ng mga naglalaro nito ay hindi ito tinadtad ng ads kagaya ng ibang mga online app na maya’t maya ang pagsulpot ng mga patalastas at ginagawang sapilitan ang panonood nito para makapagpatuloy sa paglalaro o para makakuha ng mas mataas na puntos.

Makikita sa 4.5 ratings nito at sa mahigit 2.9 milyong downloads na talagang tinangkilik ito ng mga manlalarong mahilig sa bilyar.

Iyon nga lang, ang larong ito ay pang-isahan o solo lang, hindi tulad ng mga ibang billiard apps na maaaring maglaro kasabay ng iba pang players na maaaring mga kapamilya o kaibigan. Limitado rin ang pagpipilian sa paglalaro. Ngunit sa kabuuan, maganda at nakakalibang ang larong Pooking – Mga Larong Bilyar City.

Pooking - Mga Larong Bilyar City

Pooking – Mga Larong Bilyar City

Konklusyon

Ang bilyar ay isa sa pinakasikat na libangan na umabot pa sa pagkakaroon ng international tournament. Hindi lang ito nakakalibang, nakakawala din ito ng stress at nakakapagpatalas ng pag-iisip sa pamamagitan ng mga taktikang gagamitin sa paglalaro at paghahanap ng tamang anggulo para maihulog ang bola sa pocket. Ang 8-ball ay isa sa pinakakilalang klase ng laro sa bilyar at kahit hindi likas na marunong o walang hilig sa bilyar ay malamang na pamilyar sa 8-ball.

Sa kasalukuyan, napakarami ng mga mapagpipiliang billiards app na available online. Isa na rito ang Pooking – Mga Larong Bilyar City. Ang larong ito ay inilaan para sa mga naghahanap ng solo-gameplay. Hindi na kailangan pang maghanap ng makakalaro dahil ang computer mismo ang kakalabanin sa bawat round.

Ang simpleng gameplay at pinagandang interface ng laro ang umeengganyo sa mga players nito na manatili sa laro. Kung simpleng bilyar lang at larong nakaka-relax ang hanap, maaaring subukan ang Pooking – Mga Larong Bilyar City. Kunin na ang virtual tako at simulan na ang pagsargo!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...