Magic Seasons 2021: farming Review

Kahit na walang pagtatanim at pag-aani ng crops, ang Stark Games LLC ay nagdaragdag ng farming elements sa kanilang laro. Ang Magic Seasons 2021: farming ay isang adventure game na nagtatampok sa lugar ng Tibetan mountains. Sa halip na sa mga ani, sa mga gusaling iyong ina-upgrade ka makaka-ipon ng resources. Kasing ganda ba ito ng ibang mga laro? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa nito.

Gamit ang management mechanics nito, gamitin ang iyong mga naipong wand para i-upgrade ang mga gusali. Sa pagtatapos ng araw, kikita ka ng resources depende sa kanilang level. Palamutian ang iyong farm sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong mga laruan at pagbibihis kay Martha at sa kanyang alagang unggoy. Bukod dito, kailangan mong maglaro ng mga mini-game para kumita ng mga karagdagang resources tulad ng wands.

Features ng Magic Seasons 2021: farming 

Magic Factory – Ang tanging mode ng larong maaari mong laruin, at maaari kang maka-ipon ng wands depende sa kung gaano karaming mga napunong sako ang iyong nakolekta. Mayroong itong gameplay na katulad ng tower defense mechanics tulad ng Random Card Defense. Sa mode na ito, gagamit ka ng mga tsokolate para mag-deploy ng mga dwende, at kailangan nilang mapuno ang mga sako ng mga kendi bago ito mapunta sa dulo. Bilang karagdagan, ang mga ito ay mako-convert sa wands depende sa kung ilan ang iyong nakumpleto.

Glade Competition – Isa pang game mode na susubok sa kung gaano ka mapanghusga. Bibigyan ka ng sampung pares ng farm at huhulaan mo kung alin sa kanila ang may mas maraming likes. Makatatanggap ka ng wands sa bawat tamang sagot.

Glades Income – Inililista ang lahat ng iyong unit at ang mga kita na maaari mong kolektahin mula sa kanila bawat araw. Maaari silang i-upgrade gamit ang wands upang madagdagan ang resources na pwede mong kolektahin, at bawat isa ay nagbibigay ng iba’t ibang mga materyales. Halimbawa, ang Teahouse ay gumagawa ng wands, ang Sanctuary ay gumagawa ng rubies, si Martha ay nagbibigay ng mga chamomile, at maaari kang kumita ng mga barya sa Monastery.

Presents – Ito ang mga reward na makukuha mo pagkatapos mong makumpleto ang pag-a-upgrade ng mga gusali. Ang Shiny Present, Special Present, at Golden Present ay ang mga regalong matatanggap mo. Tulad ng mga gusali, maaari rin silang i-enhance kung makapagbubukas ka ng kinakailangang bilang ng mga unit. Halimbawa, maaring mong i-upgrade ang Shiny Present kung nakapagbukas na ng sampung regalo.

Wardrobe – Naglalaman ito ng lahat ng mga damit na maaaring isuot ni Martha at ng kanyang alagang unggoy. Gayunpaman, wala silang anumang layunin kundi para sa aesthetics.

Mga Laruan – Ang mga bagay na maaari mong ipakita sa iyong sakahan. Katulad ng mga kasuotan, pang-display lamang ang mga ito.

Saan pwedeng i-download ang Magic Seasons 2021: farming?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Magic Seasons 2021: farming sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaring ma-download ang laro:

Download Magic Seasons 2021: farming on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=stark.games.magic.seasons.farm.building

Download Magic Seasons 2021: farming on iOS https://apps.apple.com/ph/app/magi%D1%81-seasons-farm-and-build/id1534269727

Gayunpaman, hindi mo ito malalaro sa iyong PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Narito ang mga tip na magagamit mo kung nagsisimula ka pa lamang sa laro.

Piliin ang mga pinakamahuhusay na starter elf.

Ang mga elf sa Magic Factory mode ay may iba’t ibang kakayahan, ngunit hindi mo magagamit ang lahat dahil mayroon ka lamang hanggang limang slots. Narito ang anim na nangungunang elf na magagamit mo kung nagsisimula ka pa lang sa iyong laro.

  • Tricksy – Ang pinakamahusay na common elf dahil naghahagis siya ng random sized candies sa unang sako sa belt.
  • Icy – Ang kanyang frozen candies ay nagpapabagal sa mga sako ng hanggang 50%.
  • Tag-along – Naghahagis siya ng candies na pansamantalang magpapatigil sa isang sako.
  • Speedy – Siya ang elf na may pinakamabilis na throw rate.
  • Shooter – Naghahagis ng candy bundle, sasabog ang mga ito, at pupunuin ang ilan sa mga sako.
  • Nimbus – Hindi man siya nakapagtatapon ng candies, naglalabas naman siya ng ulap na maaaring magpuno ng mga sako.

Balansehin ang komposisyon ng iyong koponan.

Tulad ng sa RPG, ang pinakamahusay na strategy sa Magic Factory ay ang siguraduhing magkatugma ang bawat ability ng elves. Halimbawa, maaari kang magsama ng mga unit na makakaapekto sa bilis ng mga sako, tulad nila Icy at Tag-along. Maaari mo silang ipares kay Nimbus upang mapuno ng mga ulap ang mga sako kapag nagpatawag siya ng ulap.

Ihambing ang mga disenyo.

Gumagana ito sa Glade Competition. Kung gusto mong malaman kung alin ang may mas maraming likes, maaari mong tingnan ang bawat isa sa kanilang disenyo sa pamamagitan ng pag-swipe ng icon sa gitna ng iyong screen. Ang farm na may mas maraming mga laruan ay mas maaaring maging mas sikat kaysa sa mga farm na walang anumang mga dekorasyon.

I-level up ang mga regalo.

Gawin mo ito tuwing may pagkakataon kang i-enhance ang mga ito dahil madadagdagan nila ang mga reward na matatanggap mo.

Pros at Cons ng Magic Seasons 2021: farming 

Mayroong itong disenteng graphics, at ang mga laruan rito ay may makukulay na disenyo. Walang gaanong espesyal sa kanila, ngunit ang pagiging simple ay mas nagiging kaakit-akit sa mga kabataan. Bukod dito, mayroon itong nakakakalmang soundtrack na ginagawang therapeutic ang iyong gameplay.

Sa halip na i-info-dump ka sa kung ano ang dapat gawin, agad nitong sisimulan ang laro nang may kaunting instructions. Nagbibigay ito sa iyo ng kalayaan dahil matututo ka nang mag-isa. Halimbawa, maaari mong basahin ang kanilang information tab upang matutunan kung paano laruin ang mode ng laro. Gayunpaman, ang downside ay maaari kang malito sa simula dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin matapos ang tutorial.

Ang Magic Factory ay isang masayang mode ng laro, kahit na simple lang ito. Walang gaanong gagawin dito, ngunit susubukin nito ang iyong management at criticat thinking skills. Halimbawa, kailangan mong ihambing ang bawat dwende at piliin ang pinakamahusay para sa trabaho bago magsimula. Sa panahon ng iyong laro, kailangan mong magpasya nang mabilis kung mag-a-upgrade, magsasama, o magdaragdag ng isa pang manggagawa bago mapunta ang mga sako sa dulo ng kanilang landas. Bukod dito, ang Glade Competition ay nagbibigay sa iyo ng inspirasyon dahil nakikita ka ng iba’t ibang mga sakahan mula sa iba’t ibang mga manlalaro.

Sa kasamaang palad, ang Magic Factory, Glade Competition, at ang pamamahala sa iyong farm ay ang mga pwede mo lamang malaro rito. Inirerekomenda ng Laro Reviews na magdagdag ng higit pang mga feature para hindi magsawa ang mga manlalaro sa katagalan. Halimbawa, maaari silang magdagdag ng mode na nagbibigay ng mga upgrade para sa iyong mga dwende. Ito ay magpapatagal sa kanila dahil mayroon silang mapaglalaanan ng kanilang oras.

Konklusyon

Dahil kakaunti lang ang feature nito, walang masyadong magagawa sa laro. Maaaring masaya ang Magic Factory, ngunit mahihirapan ka sa iyong unang paglalaro dahil hindi gaanong kapakipakinabang ang iyong mga starter worker. Gugugulin mo ang karamihan ng iyong oras sa pag-a-upgrade ng iyong mga gusali o paglalaro ng nag-iisang mode nito, kaya maaari itong maging monotonous sa katagalan. Para sa Laro Reviews, maaring hindi maging kasing husay ng Magic Seasons 2021: farming ang iba pang mga larong may farming element.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...