MARVEL Future Fight Review

Ang MARVEL Future Fight ay isang action RPG na inilabas ng Netmarble, isang kilalang kumpanya na South Korean na bihasa sa ganitong genre ng mga laro.

Ito ay tumutukoy sa pagbuo ng isang pangkat ng mga superheroes mula sa mundo ng kilalang comic book at paggamit ng mga ito upang matalo ang mas maraming mga kalaban.

Ang plotline ng laro ay hango sa ilang mga eksena ng universe’s movies at madaling matutukoy ang mahahalagang eksena rito katulad ng ilang bagong updates tungkol sa Battle of Infinity or the First Avenger. May humigit kumulang 200 heroes na available sa laro. Ilan sa mga ito ay mahihina at sa katotohanan ay kasama lang upang tumulong na palakasin ang iba pang malalakas na heroes.

Gumawa ang Laro Reviews ng summarized tips, gabay para sa mga baguhan, mga tips para sa mas epektibong paglalaro at mga comments at reviews tungkol sa laro upang makatulong na mas maging pamilyar dito.

MARVEL Future Fight - Laro Reviews

MARVEL Future Fight – Laro Reviews

Gameplay ng MARVEL Future Fight

May mahigit 200 playable characters sa laro. Nahahati ito sa tatlong tiers: Tier 1 na makakaabot sa Level 60, Tier 2 na makakaabot sa Level 70, at Tier 3, na posibleng makaabot sa level 80. Maliban sa universal category, lahat ay may battle kinds na nakakalamang sa isa’t isa. Ang isang fully structured character ay kayang makaabot sa second tier, kahit na ang ilang karakter ay hindi kasama rito. Maaaring matuklasan at maayos ng hanggang 70 ang partikular na kakayahan ng karakter upang makaabot sa ikatlong tier. Magsisimula ang isang player sa grupo ng tatlong characters na ang isa ay kokontrolin ng manlalaro. Maaaring pagpalit palitin ito anumang oras.

Ang protagonist ng manlalaro ay may default fight mode na may kakayahang makapagbigay ng malaking pinsala sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-atake gamit ang armas batay sa partikular na napiling karakter. Maliban na lamang kung iibahin, ang active character ay mananatili sa pagpapatuloy ng misyon. Bukod sa karaniwang fight mode, bawat hero ay may kakaibang kakayahan na magagamit sa bawat atake, AOE targets, o sa paggamit ng kalasag. Bawat skill ay may cool-down period. Maaaring passive o active ang skills. Ang active skills ay inilulunsad ng manlalaro, samantalang ang passive skills naman ay na-a-activate kapag naabot ang ilang pamantayan sa gameplay. 

Pag-download ng MARVEL Future Fight

Kumpletuhin ang grupo ng mga heroes sa MARVEL Future Fight! I-download ang laro sa Android devices direkta mula sa Google Play Store, at para sa iOs devices, i-download ito sa App Store. Para maglaro nito sa PC, bisitahin ang kanilang website sa http://www.marvelfuturefight.com/en

I-download ang laro rito:

  • Download MARVEL Future Fight game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.netmarble.mherosgb
  • Download MARVEL Future Fight game on iOS https://apps.apple.com/us/app/marvel-future-fight/id955705796
  • Download MARVEL Future Fight game on PC http://www.marvelfuturefight.com/en
MARVEL Future Fight - Laro Reviews

MARVEL Future Fight – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro ng MARVEL Future Fight

Pag-aralan ang character traits ng napiling hero. Ang Marvel Future Fight ay isang mahusay na smartphone action game. Sa napiling 3 teammates, magagawang matalo ang mga bosses kasama na ang mga alipores nito. Bawat playable character ay nahahati bilang Universal, Speed, Blast, o Combat. Ang mga Combat protagonists ay mga close-up warriors, ang Blast forms ay may listahan ng targetable strikes, ang Speed warriors ay nagdudulot ng pagkawasak gamit ang lightning-fast attacks, ang Universal protagonists ay pantay ang pagkakabahagi sa lahat ng aspeto. Kinakansela ng Combat ang Speed, kinakansela ng Blast ang Combat, at kinakansela ng Speed ang Blast.

Mahalaga ang kooperasyon sa grupo. Ang pagpunta sa isang labanan na may winning team ay susi sa pagkuha ng fighting rewards. Pagka-log-in sa My Team display, i-click ang Team Bonus tab upang makita ang iba’t ibang team lineups na makapagbibigay ng rewards. Ang menu na ito ay magtatala ng grupo ng karakter na mayroon ka at sa pamamagitan nito magkakaroon ng sapat na panahon sa pagpili kung sino ang pagsasamahin. Hawkeye, Black Widow, Iron Man, o War Machine, Winter Soldier, at Falcon, ang halimbawa ng grupo na maaaring makapagbigay ng group reward stats.

Pagkatapos makumpleto ang mission 8, maaari nang i-upgrade ang karakter. Kapag nakakuha na ng sapat na biometrics at gold, ma-a-upgrade na ang posisyon ng karakter. Sa pamamagitan ng paggamit ng Norn Stones, mapapalakas ang kakayahan ng karakter sa depensa at opensa, gayundin, mapapaunlad ang kakayahan at standings ng kahit alin sa kanila. Maraming character skill sets ang mabubuksan sa pag-angat ng ranggo. Ang mga karakter ay may ranggo hindi lang para pataasin ang kanilang stats kundi para pataasin din ang kanilang kakayahan sa pamumuno. Kailangang bigyang halaga din ang apat na uri ng equipment na naka-link sa bawat karakter. Bigyang-prayoridad ang pag-upgrade ng fundamental attack at body outfit para sa mas magandang atake at depensa.

Related Posts:

Evony: The King’s Return Review

Party in my Dorm: College Chat Review

MARVEL Future Fight - Laro Reviews

MARVEL Future Fight – Laro Reviews

Pros at Cons ng MARVEL Future Fight

Ang Marvel Future Fight ay may kasamang maraming special edition superheroes, bawat isa ay may 3D characteristics at animated action figures. Ang gameplay nito ay nasa pagitan ng classic free-to-play na base sa energy gayundin sa action RPG. Ang mga pagsubok ay ginamitan ng medyo predictable na pattern. Magpapalipat-lipat sa pakikipaglaban hanggang sa makalaban ang boss.

Ang Boss battles ay ang pinaka-thrilling na parte ng laro dahil makakaharap ang maraming mga kalaban ng Marvel universe. May ilang mga ups at downs sa pagitan ng mga misyon gayundin sa mga pag-uusap ng mga superheroes upang makapagbigay ng impormasyon sa kabuuang kwento. Ang laro ay simple lang matutunan ngunit kung gustong manguna sa mga misyon, kailangang palakasin ang grupo.

Ikinokonsidera ng Laro Reviews ang graphics nitong mahusay ang pagkakagawa, apti na ang ang kakaibang skills. Gayunpaman, habang umuusad sa yugto ng laro, ang antas ng pagkakumplikado at ang pagkuha ng tamang kumbinasyon ng karakter na may perpektong kasanayan sa pagsabak sa challenging na misyon ay nagiging kalahati na lamang ng punto. Ang salaysay ay higit na kasiya-siya kumpara sa iba pang smartphone game.

Konklusyon

Pagdating sa design, and MARVEL Future Fight ay isang free-to-play game. Upang mas mapahusay ang grupo ng Marvel heroes, kailangang magkaroon ng iba’t ibang in-game currencies kasama na ang gems na nangangailangan ng tunay na pera. Magagamit ang gems na ito upang makabili ng kahit ano sa laro sa sapat na halaga, o maaari din namang magpatuloy sa paglalaro upang makakuha nito. Sa madaling sabi, hindi required na gumastos sa larong ito at hindi ka pipilitin ng MARVEL Future Fight na gawin ito. Gayunpaman, ang konting halaga ay makakapagdulot ng Daredevil activation ng mas mabilis.

Napakaraming nagaganap sa larong ito na makakaengganyo sa mga manlalaro na magpabalik-balik sa paglalaro. Gayundin, may pangmalakasang gameplay ito na humahatak na magpatuloy sa paglalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...