MLB 9 Innings GM Review

Kung pagdating sa mga larong may kinalaman sa sports, ang kalimitang nagiging papel natin dito ay ang maranasan ang pagiging isang player kung saan tayo mismo ang naglalaro ng sports, tayo ang pumapasok sa bawat laban, at tayo rin mismo ang gumagawa ng ilang mga taktika para lamang maipanalo ang mga ito. Ngunit ibahin natin ang larong itatampok natin sa artikulong ito. Ito ang MLB 9 Innings GM, isang classic sports management game kung saan realistic nitong ipaparanas sa iyo ang mundo ng managements pagdating sa larong baseball. Layunin ng Com2us, bilang developer nito, na bigyan ka ng isang papel kung saan ikaw ay magiging isang general manager at trabaho mong lumikha ng isang MLB team. Dalhin ang mga ito sa iba’t ibang klase ng labanan kung saan magiging daan ito upang maipamalas nila ang kanilang galing pagdating sa baseball. Sa larong ito, hindi man ikaw ang mismong naglalaro, ngunit nasa iyong kamay naman ang bawat panalo nila sa bawat laban.

Features ng MLB 9 Innings GM

Dito sa MLB 9 Innings GM, marami kang bagay na maaaring subukan. Nagkalat ang mga ito sa Main Screen at ikaw na lamang ang bahalang silipin ang mga ito. Una mo ritong mapapansin ang mga section gaya ng League, Ladder, Club, Recruit at ang Campaign Mode. Kung titingnan ang loob ng mga ito, ang lahat ng ito ay tungkol sa iyong mga player at kung saan mo sila maaaring isalang upang maipamalas ang kanilang galing pagdating sa paglalaro ng baseball.

Una na riyan ang League, isang game mode kung saan ang iyong mga player ay makikipaglaban sa iba pang team. Sa kabuuan ay mayroong sampu, kasama ang iyong grupo, ang naglalaban-laban para rito. Ang League ay nahahati rin sa bawat round gaya ng tutorial, rookie, Low A, High A, AA, AAA, Major, Ace, at Champion. Gamit ang bawat round na ito, nasasala ang bawat team upang makita kung sino ang maaaring matira at maglaban-laban hanggang dulo at makapagsungkit ng kampeonato. 

Sunod naman nito ang Ladder, ito ang itinuturing na PvP na game mode ng MLB 9 Innings GM at ang bawat laban ay maaaring magbukas weekly. Sa oras na buksan mo ito ay bubungad sa iyo ang isang ranking kung saan narito ang sampung teams, kasama ang iyong team, na maaari mong makalaban sa bawat laro. Bukod pa rito ay mayroong pang ilang rankings gaya ng XR Class 1, R Class 1, S Class 1, A Class 1 at N Class 1 na nag-a-update rin weekly. Mayroon ding tinatawag ritong Ladder rewards kung saan mayroong itong mahabang listahan ng mga reward na maaaring mong makuha sa oras na makuha mo ang kinakailangang puntos para rito.

Dahil nga may mga game mode rin na PvP sa larong ito, mayroon ding tinatawag na Club sa larong ito kung saan maaari kang makisalamuha sa iba pang manlalaro ng MLB 9 Innings GM. Pagdating sa Club ay maaaring ikaw mismo ang gumawa o kaya naman ay makisali na lamang sa mga nag-eexist nang mga club. Mahalaga ang pagsali sa mga ito dahil maaari kang matulungan nitong malaro ang iba pang game mode rito na talagang kakailanganin mo ang tulong mula sa iba pang manlalaro.

Hindi naman mawawala sa larong ito ang Campaign mode kung saan maaaring maranasan ng iyong mga player ang makipaglaban sa iba’t ibang klaseng koponan gamit ang mismong stage format ng baseball. Sa oras na buksan mo ito ay bubungad sa iyo ang isang malaking mapa kung saan napaliligiran ito ng iba’t ibang baseball teams na siyang maaari mong makalaban. Bawat laban ay mayroong nakaangklang tatlong missions na kailangan mong lagpasan muna upang makaabante sa susunod pang round.

Saan maaaring i-download ang MLB 9 Innings GM?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 98MB sa Google Play Store habang 1.4GB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng Nox Player para naman sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang mga link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download MLB 9 Innings GM on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.com2us.mlbgm.normal.freefull.google.global.android.common

Download MLB 9 Innings GM on iOS https://apps.apple.com/ly/app/mlb-9-innings-gm/id1214192685

Download MLB 9 Innings GM on PC https://www.bignox.com/appcenter/download-mlb-9-innings-gm-on-pc-with-noxplayer.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng MLB 9 Innings GM

Upang magkaroon ng adbentahe sa MLB 9 Innings GM, kailangan mo lamang tandaan ang ilang mga bagay. Narito ang ilang tips ng Laro Reviews para iyong subukan:

Kung baguhan ka pa lamang sa laro at hindi ka pa pamilyar sa tinatakbo nito, isang malaking bagay na ring maituturing kung sisilipin mo ang mismong missions ng laro. Sa oras kasi na bisitahin mo ito at i-click ang button na “go” ay dadalhin ka na kaagad mismo ng larong ito sa mismong mission mo. Sa ganitong paraan, malalaman mo rin ang mga bagay na kailangan mong pagdaanan bilang isang GM sa loob ng larong ito. Ugaliin ding bisitahin ang GM Rooms upang sagutin ang ilang mga interview. Tandaang ang bawat pipiliin mong dialogue ay makakaapekto rin sa iyong mga manlalaro. Kaya naman, piliin ang sa tingin mong makaka-boost ng kanilang confidence sa pamamagitan ng pag-acknowledge ng kanilang galing sa paglalaro.

Pag-aralan kung paano ang nagiging kalakalan pagdating sa paggawa ng game plan. Sa parteng ito kasi ng laro nangyayari ang paglikha ng game strategy upang makaabante sa bawat laban. Subukan ding pag-aralan muna ang iba’t ibang klase ng technique ng baseball upang tuluyang magawa ang pinaka-purpose ng pagkakaroon ng game plan. Alamin ang gaya ng batting tendencies, bunt attempts, pitching at marami pang iba. Bukod dito ay palagi ring i-upgrade ang iyong team para mas maging epektibo ito sa bawat laban.

Pros at Cons ng MLB 9 Innings GM

Naniniwala ang Laro Reviews na tunay na naibigay ng larong ito ang mga bagay na kailangan mong gawin bilang manager ng isang baseball team. Maaari kang magsimula sa pagbuo ng isang team kung saan ang mga player ay talagang mga tunay at sikat na naglalaro ng baseball. Marahil ay dahil hango rin sa tunay na team ang mga pangalan ng team na makikita rito. Maaari mong subukin ang galing ng mga ito sa pamamagitan ng pagsalang sa kanila sa mga game mode gaya ng League, Tournament at Club Match.

Upang tunay na mapagtanto mo ang kahalagahan ng pagiging isang manager, nakakatuwa na ang mga action na ginagawa mo ay may epekto rin sa magiging performance ng iyong mga player. Hindi mo lamang sila mapapalakas sa pamamagitan ng pag-upgrade ng kanilang mga skill kundi pati na rin sa pamamagitan ng maingat na paggamit ng mga salita, pag-compliment sa mga effort na ginawa nila upang manalo sa bawat laban. Maihahalintulad ito sa tunay na nangyayari sa isang team sa bawat sports na kapag nagagawa ng mga coach at manager na magsabi ng mga magagandang bagay sa kanilang team, bumabalik iyon sa kanila at iyon ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang mga player ng best upang manalo sa bawat laban.

Wala ka ring magiging problema sa graphics ng larong ito dahil tunay na malaki ang nagiging papel nito upang mapanatili ang bawat manlalaro na subukan ang larong ito. Tunay na nakakaakit, tamang-tama, at kuhang-kuha ang mga bagay na maaari mong makita pagdating sa larong baseball. Ngunit hindi maikakailang ang pagiging pay-to-win nito ang isa sa mga dahilan upang mawalan ng interes ang bawat manlalaro nito. Masyadong mahal ang bawat item na narito at masasabing parang sugal dahil maaari rin naman itong mabawi sa iyo sa oras na matalo ka sa bawat laban mo.

Konklusyon

Maituturing na isa ang MLB 9 Innings GM sa mga larong maaari mong subukan kung naghahanap ka ng larong nakapokus sa temang management game dahil tunay ka nitong dadalhin sa mundo kung saan mapagtatanto mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang manager upang mas maging maganda pa ang daloy ng laban ng iyong team. Hindi ka naglalaro rito ngunit malaki ang papel mo upang manalo at tanghaling pinakamalakas sa larangan ng baseball. Kaya naman, kung nais mo itong subukan, i-download na ito sa iyong device!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...