Birdie Crush: Fantasy Golf Review

Ang developer na Com2uS ay sumikat sa kanilang role-playing game na Summoners War, at nag-publish rin sila ng sports game gaya ng NBA NOW 22 at MLB 9 Innings 22. Ngunit sa pagkakataong ito, pinagsama nila ang dalawang genre na ito sa isang laro. Ang Birdie Crush: Fantasy Golf ay isang online golf game na may mga anime character na maaari mong i-equip at i-upgrade.

Pasukin ang magical school na Delion Bridge Golf Academy. Isang prestihiyosong golf school sa Tribain Kingdom. Sumali sa mga League at maglaro bilang isa sa limang estudyante. I-shoot ang iyong bola sa pinakakaunting stroke upang manalo sa laro. Bukod dito, maaari mo ring gamitin ang mga item upang matulungan ang iyong accuracy.

Features ng Birdie Crush: Fantasy Golf 

Challenge – Naglalaman ito ng lahat ng listahan ng mga bagay na kailangan mong gawin para makuha ang mga reward. Mayroon silang limitadong oras bago ito mag-refresh at magsimula ng mga bagong gawain.

Characters – Ang mga estudyante ng Delion Bridge na may iba’t ibang personalidad at kwento ng buhay. Bukod dito, sila ang mga avatar na gagamitin mo kapag naglalaro sa isang laban. Kilalanin ang mga karakter:

  • Erin G. Brid – Siya ay isang late bloomer sa golf, ngunit hindi ito hadlang sa kanyang tuparin ang kanyang mga pangarap na maging isang pinakamahusay na golf player.
  • Kris Lowell – Isang mahusay na estudyante na walang layunin sa buhay. Bukod rito, lahat ng kanyang mga nagawa ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Nakikita siya ng iba bilang isang cold-hearted na tao, ngunit nagbago ang lahat ng ito nang may nakilala siya.
  • Lucie de Bei – Bilang isang golf prodigy, hindi niya maintindihan ang dahilan ng pagkakaroon ng interest, expections, at papuri.
  • Martina Glow – Ang sikat na golf star na may malaking fan base dahil sa kanyang magandang itsura at kamangha-manghang golf skills.
  • Jenny Robur – Ang kanyang pangunahing layunin ay ang maging pinakamahusay na special skill marker na higit sa kanyang guro. May mga datos na hindi niya makolekta sa lab, kaya nag-enroll siya sa paaralan para maging pansamantalang golf player. Makakatulong ito upang lubos niyang maranasan ang kanyang pag-aaral.

Boutique – Ang lugar kung saan maaari mong i-equip ang mga costume ng iyong mga character.

Equipment – Ang mga item na ginagamit sa paglalaro ng golf na may iba’t ibang stats boosts depende sa kanilang mga marka.

Caddy – Ang iyong kaibig-ibig na mythical companion na nagpapayo sa iyo tungkol sa hangin, terrain, at kasalukuyang sitwasyon kapag naglalaro.

Club – Ito ay nagpapahintulot sa iyong makipagtulungan sa iba pang mga manlalaro at lumahok sa iba’t ibang mga aktibidad. Kapag sumali ka sa isang club, maaari kang gumawa ng Co-op Mission at Club Challenge.

Grade Match – Isang live na 1v1 na labanan sa iba pang mga manlalaro sa real-time, at bawat panalo ay magbibigay sa iyo ng Trophy Points. Kapag naabot mo ang isang tiyak na halaga ng points, ang iyong ranggo ay maaaring ma-promote. Mayroon itong hanggang 10 grado, at makakatanggap ka ng mga reward depende sa lugar na iyong nakamit sa pagtatapos ng season.

Single Mode – Ito ay magiging labanan sa isang tournament setting na may Regular Season at Postseason. Kailangan mong pumili ng tatlong characters para makapasok, at mayroon itong feature na auto-play na nagpapahintulot sa kanilang maglaro nang mag-isa.

Saan pwedeng i-download ang Birdie Crush: Fantasy Golf?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Birdie Crush: Fantasy Golf sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaring ma-download ang laro:

Download Birdie Crush: Fantasy Golf on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.com2us.birdiecrush.normal.freefull.google.global.android.common

Download Birdie Crush: Fantasy Golf on iOS https://apps.apple.com/us/app/birdie-crush-fantasy-golf/id1535608185

Download Birdie Crush: Fantasy Golf on PC https://www.bluestacks.com/apps/sports/birdie-crush-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com/. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Kung ikaw ay isang bagong manlalaro, gamitin ang mga tip na ito upang matulungan kang pamahalaan ang iyong resources at manalo sa laro.

Paggamit ng auto-play sa tamang oras.

Ang auto-play ay nakakatulong sa pag-grind ng resources, ngunit may mga missed opportunity kapag ginagamit ang mga ito. Halimbawa, hindi mo magagamit ang mga item sa labanan dahil inuuna ng kanilang tee shot ang pag-shoot ng iyong bola sa pinakamalapit na butas. Minsan, mami-miss ng character mo ang shot nila dahil hindi nakakatugon sa requirement ang driving distance nila. Palaging suriin ang mga kinakailangang skill bago sumali at pumili ng mga karakter. Maaari ka pa ring pumasok kung hindi nila nakamit ang requirement, ngunit kailangan mong maglaro ng golf nang mag-isa.

Paggamit ng mas magandang equipment.

Huwag gamitin ang lahat ng iyong resources upang i-maximize ang mas mabababang uri ng kagamitan dahil mapapalitan ang mga ito. Sa halip, gamitin ang mga mas rare item at i-disassemble ang hindi na ginagamit para sa resources.

Pagsasanay sa iyong mga karakter.

Sa tuwing nagle-level up ang iyong karakter, sanayin sila sa pamamagitan ng paggamit ng mga training point para i-upgrade ang kanilang skills. Makakatulong ito sa kanilang mag-perform nang mas maayos kapag gumagamit ng auto-battle.

Pag-putt ng bola.

Hindi tulad sa teeing ground, hindi mo makikita ang direksyon ng hangin kapag kailangan mong i-putt ang bola. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang hindi mo matukoy ang direksyon nito. Kapag nasa green area ka na, makakikita ka ng grid na may mga gumagalaw na tuldok. Gagabayan ka nito kung saan umiihip ang hangin, at kailangan mong i-adjust ang iyong direksyon para i-shoot ang iyong bola sa butas. Halimbawa, ilipat ang iyong cursor sa kaliwa kung ang mga tuldok sa pahalang na linya ay papunta sa kanan.

Pros at Cons ng Birdie Crush: Fantasy Golf 

Tinutulungan ka ng larong laruin ang Hole-in-One Streak competition habang nagda-download ng resources. Kailangan mong i-shoot ang iyong bola sa isang shot nang higit sa iba pang AI players sa larong ito. Makakatulong ito sa iyong mag-practice sa pag-asinta at mabibigyan ka nito ng ideya kung paano ito laruin, lalo na kung ikaw ay isang bagong player. Maaari itong maging boring dahil sa pagiging repetitive nito. Gayunpaman, mas mabuti nang may ginagawa kang bagay sa halip na maghintay lang na ma-download ang resources.

Walang magkakamukha dahil may iba’t ibang personalidad ang bawat karakter. Kahit na ito ay isang sports game, mayroon silang orihinal at nakakahimok na background story na nagdaragdag ng lalim sa laro. Bukod dito, maaari mo silang suotan ng iba’t ibang damit sa boutique, at ang bawat set ay nagbibigay ng stat boost.

Maaaring mahirap matutunan kung paano kontrolin ito sa simula, ngunit hindi imposibleng masanay sa paggamit nito. Ang paglalaro ng tutorial ay malaking tulong sa mga bagong player. Ang mga item tulad ng wormhole at tornado ay nagdaragdag ng thrill sa paglalaro ng golf. Nakakatuwang panoorin ang mga animation nila dahil para kang naglalaro ng RPG. Kung hindi ka kumpiyansa sa iyong aim, maaari mo itong ipaubaya sa iyong mga karakter sa pamamagitan ng auto-play sa Single Mode.

Ang laro ay gumagana nang maayos, at hindi nakatagpo ang Laro Reviews ng anumang mga problema. Ngunit sa gacha system nito, kakailanganin mo ng swerte para makakuha ng mas magagandang item.

Konklusyon

Sinong mag-aakalang maaari kang magdagdag ng anime theme sa isang sports game? Para sa Laro Reviews, ang laro ay namumukod-tangi sa iba pang golf games dahil sa mga karakter nito. Bukod dito, nagdaragdag ito ng mga elemento ng RPG dahil sa kanilang mga ability at mga feature sa pag-upgrade. Maaaring mayroon itong ilang mga kakulangan, ngunit hindi ito nakakaapekto sa buong laro. Isang anime fan ka mangmahilig maglaro ng golf o hindi, masisiyahan ka sa larong ito dahil sa kakaibang gameplay at disenyo nito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...