Motorsport Manager Mobile 3 Review

Ang Playsport ay isang game company na tanyag sa mga motor manager series mobile game. Kaya hindi na nakapagtataka kung matunog ang pangalan ng kompanyang ito sa larangan ng sports manager games. Isa sa mga sikat na larong ginawa ng nasabing kumpanya ay tinatawag na Motorsport Manager Mobile 3 kung saan binibigyan ka ng pagkakataon ng larong ito na bumuo ng sarili mong team na siyang papanday sa mga dekalibreng racing car. Sa karagdagan, maraming pagbabago na ang idinagdag sa larong ito matapos maunang ipalabas ang Motor Manager 1 at 2 tulad na lamang ng pagkakaroon ng customization mo bilang manlalaro kaya bago ka pa man tuluyang magsimula sa paglalaro, kailangan mo munang ilagay ang iyong impormasyon kabilang ang iyong edad at gusto mong buhok, kulay ng balat, facial hair at iba pa.

Sa karagdagan, mayroon na ring tinatawag na backstory ang laro kung saan saan pipili ka kung engineer, driver, o financial related job ang gusto mong maging dating trabaho dahil bawat isa sa mga ito ito ay may inihahandog na mga bentahe para sa mga manlalaro. Kung pipiliin mo ang engineer, magkakaroon ka ng karagdagang sampung porsyento sa bawat parte ng car na iyong ginagawa. Kung pipiliin mo namang maging dating driver, ang mga hired-driver mo ay mabilis na magle-level up. Habang kung ang financial related job naman ang iyong pipiliin ay makakatanggap ka ng 5% discount sa bawat parte ng sasakyan na iyong bibilhin.

Pagkatapos mo namang mag fill-out ng mga hinihinging impormasyon, kailangan mong pumili sa dalawang racing mode: Open Wheel Racing, o Endurance Racing ang iyong sasalihan at kagaya nang nakagawian sa dalawang naunang bersyon ng larong ito, magsisimula ka sa rin sa bottom-tier list hanggang sa marating mo ang rurok ng tagumpay. Para manalo sa larong ito, kailangan mo lamang ng tamang diskarte at matalinong pagpili.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro.

Alinman sa iba’t ibang racing mode ang pipiliin mo, kailangan mo pa ring tandaan na napakahalagang panoorin mo ang tutorials ng laro. Ito ang gagabay sa’yo sa mga dapat mong gawin habang gumagawa ng mga bahagi ng iyong sasakyan, pag-hire ng mga driver, pagpili ng stats na dapat gamitin at iba pa. Gayundin, bawat engineer na pwede mong piliin ay mayroong stats sa Performance, Reliability at Race Day Performance na kailangan mong isaalang-alang. Siyempre, kung sino ang may mataas na stats ay siyang dapat mong piliin.

Sa kabilang banda, makikita naman ang Team Leader stat sa ibabang bahagi ng basic stats, pero maaari mo lamang itong ma-unlock kapag nakumpleto mo na ang Design Center. Sa pagbibigay naman ng tasks sa mga engineer mo, laging bumase sa kanilang taglay na stats upang masigurong maganda ang magiging kalalabasan. Samantala, karapat-dapat namang ibigay sa iyong number one driver ang pagkakataong ipagawa sa kanya ang mga bagong bahagi ng sasakyan. Gayundin, dapat siya lagi ang maging “go to” driver mo.

Hindi rin nawala sa Motorsport Manager Mobile 3 ang feature na pwedeng kumuha ng sponsor deal ang iyong engineer team. Ngunit sa pagpili ng sponsorship, dapat na tandaan na malaki ang magiging epekto nila sa kabuuan ng laro. Sa karagdagan, may mga sponsor na high-paying at mayroon din namang mababa magbigay depende sa standing at performance ng iyong team. Kaya napakahalagang magkaroon ng magandang record at statistics dahil malaki ang papel na ginagampanan nito upang manghikayat ng iba pang galanteng mga sponsor.

Isa pa sa pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin sa laro ay ang masigurong ma-upgrade mo ang iyong headquarter para magawa mong i-improve ang iyong mga driver, i-develop ang part making ng iyong mga sasakyan at upang magawang buksan ang Suspension Development na hindi available na feature sa Motorsport Manager Mobile 2, at Crash Testing Facility upang magkaroon ka ng 105 Car Reliability boost at magawa ring mas ma-improve ang iyong Financial Status sa laro.

Higit sa lahat upang manalo sa mga car racing, isang bagay lang ang dapat mong tandaan at iyon ay tamang diskarte. Mahalaga na alam mo kung anong gulong ang dapat mong gamitin bawat race at sinong driver ang dapat mong gamitin.

Mga Feature ng Laro

  • GT and Endurance Racing- Bilang mga bagong karagdagang feature ng laro, mas lalo mo pang maipapakita sa buong mundo kung gaano ka kahusay pagdating sa larangan ng car racing.
  • Background Story – Hindi lamang isinama ang feature na ito ng laro para magbigay karagdagang impormasyon; may malaking papel din itong ginagampanan lalo na sa magiging performance ng iyong engineer team.
  • Weather Forecast – Maituturing na isa sa pinaka-astig na feature ng laro kung saan sa tulong nito ay magagawa mong makapaghanda ng mga dapat gawin sa car racing kapag uulan.
  • Energy Recovery System – Habang maaari lamang itong magamit sa ilang championship race, hindi pa rin maikakaila na napakalaking tulong ng feature na ito ng laro upang mapantayan mo ang bilis ng mga top-tier driver.
  • Top-down Camera Mode – Sino nga ba naman ang hindi matutuwa kapag malinaw mong makikita ang kahabaan ng racing path, kaya maituturing na ang feature na ito ay isang malaking level-up mula sa dalawang naunang bersyon ng laro.
  • Much Upgraded Drivers – Sa larong ito, nagtataglay na ng walong stats ang bawat driver kaya mas magkakaroon ka ng ideya kung sino lang dapat ang iyong piliin mula sa napakahabang listahan.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user, at i-download ang BlueStacks android emulator sa PC para malaro ito. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Motorsport Manager Mobile 3 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playsportgames.mmm3

Download Motorsport Manager Mobile 3 on iOS https://apps.apple.com/us/app/motorsport-manager-mobile-3/id1346580540

Download Motorsport Manager Mobile 3 on PC https://www.bluestacks.com/apps/racing/motorsport-manager-mobile-3-on-pc.html

Pros at Cons ng Laro

Kung matagal ka nang naglalaro ng motorsports manager mobile games, tiyak na hindi na bago sa iyong pandinig ang Playsport at marahil halos lahat ng sports game na nilalaro mo, o nalaro mo na, ay sila rin ang game developer. Sino nga ba naman ang hindi pupuri sa magagandang larong ginagawa ng Playsport, lalo pa at sa paglipas ng ilang taon ay mas nagiging maganda pa ang kalidad ng kanilang mga laro dahil sa ginagawa nilang updates. Graphics-wise at Gameplay-wise, walang ibang masasabi ang Laro Reviews kung hindi pagpupuri sa laro dahil totoong wala ka nang mairereklamo pa pagdating sa mga ganitong aspeto ng laro.

Hindi mo rin mararamdaman ang pagkabagot sa larong ito lalo pa at bukod sa car racing ay may pagkakataon ka rin sa larong ito na mag-manufacture ng sarili mong car parts. Higit sa lahat, bubusugin ka rin ng laro sa dami ng features nito.

Sa kabilang banda, ang isa lang siguro sa nakakadismayang katangian ng larong ito para sa karamihan ay ang pagiging “paid game” ng laro. Ibig sabihin, kailangan mong gumastos ng pera bago mo magawang i-download ang laro sa iyong device. Gayundin, may ilang pagkakataon na nagkakaroon ng lag sa laro, at kung minamalas ka ay nangyayari pa ito sa kalagitnaan ng karera.

Sa karagdagan, kung nalaro mo na ang naunang dalawang bersyon ng larong ito, mararamdaman mo na tila paulit-ulit na lamang ang ibang senaryo na nangyayari sa larong ito, lalo na pagdating sa mga lumang game mode.

Konklusyon

Bukod sa ilang nabanggit na negatibong katangian ng larong ito, walang pag-aalinlangan na masasabi ng Laro Reviews na isa ang Motorsport Manager Mobile 3 sa mga dapat mong laruing laro pagdating sa sports game dahil kung gameplay lang naman ang pag-uusapan, tiyak na hindi ka bibiguin ng larong ito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...