Road Riot Review

Naghahanap ka ba ng nakakaaliw at may hamong car racing game? Sigurado akong magugustuhan mo ang isang ito. Ang larong ito ay nilikha ng Titan Mobile LLC at opisyal na inilabas noong Agosto 2013, ang Tuning Club Online. Siyam na taon na ang nakalipas simula noong ito ay nakilala, subalit hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik pa rin ng marami.

Ang Road Riot ay isang car racing game na may single-player mode. Ang larong ito ay isang pinagsamang combat racing genre at action-packed shooter. Bukod sa nakikipagkarera ka, kailangan mo ring pasabugin at wasakin ang sasakyan ng kalaban. May matinding hamon at aksyon ang naghihintay sa larong ito para sa bawat manlalaro.

Ang nakakaadik sa larong ito ay susubukin ang iyong galing sa pakikipagkarera habang binabaril ang mga sasakyan ng kalaban. Ipamalas ang iyong kakayahan sa pakikipaglaban at harapin ang bawat hamong naghihintay sa iyo. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at pamamaraan upang makuha ang inaasam na tagumpay. Ipanalo ang bawat laban at maging isang magaling na car racer sa larong Road Riot.

Features ng Road Riot

Garage – Sa larong ito, maaari mong i-upgrade ang iyong mga sasakyan sa garage mode. Ang mga posible mong i-upgrade sa iyong sasakyan ay ang main weapon at armas na ginagamit mo sa pagbaril o pagwasak ng sasakyan ng kalaban. Kailangan mo lang ng sapat na coins upang mabuksan ang mga item na ito. Maari mo ring palitan ang kulay ng iyong sasakyan gamit ang gems o diamonds na makukuha mo sa laro.

Game friends – Sa Road Riot, mayroon kang mga kaibigan sa larong maari kang bigyan ng regalo o ikaw mismo ang magpadala sa kanila. Ang mga kaibigan mo ring ito ang iyong makakalaban pagdating sa pwesto sa game leaderboard.

Leaderboard – Ang bawat manlalaro ay maaaring mapasama sa pwesto ng mga mahuhusay na manlalaro sa Road Riot sa buong mundo. Ipanalo ang bawat laban at ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang tumaas ang iyong ranggo at posibleng makuha ang unang pwesto sa leaderboard.

Daily challenge – Sa Road Riot ay mayroon ka ring misyong dapat isakatuparan sa bawat paglalaro mo. Araw-araw ay mayroon ding mga papremyo at regalong naghihintay sa iyo sa laro. Katulad ng mga coin, gems at iba pang gantimpala kapag nagawa mo ang bawat hamon.

Saan pwedeng i-download ang Road Riot?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Road Riot on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=me.tango.roadriot
Download Road Riot on iOS https://apps.apple.com/us/app/road-riot-combat-racing/id646803444
Download Road Riot on PC https://www.ldplayer.net/games/road-riot-on-pc.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pag-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Road Riot.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Road Riot

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Road Riot, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong gabay para sa iyo sa umpisa ng laro. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung tungkol saan ang larong ito at mabilis mo nang maiintindihan kung paano ito laruin.

Sa paglalaro ng Road Riot, kailangang mayroon kang kaalaman sa pagpapatakbo ng sasakyan. Marunong ka rin dapat magbalanse at magkontrol nito upang maiwasan ang mga panganib sa daan. Ituturo naman sa larong ito ang tamang pagkontrol ng iyong sasakyan. Kailangan mo lang hawakan ang sasakyan at dalhin ito sa kanan o kaliwang direksyon. Iwasan ang naghihintay na peligro at barilin ang mga sasakyang nakaharang sa iyong daan habang nakikipagkarera.

Dagdag pa rito, maaari ka ring mag-upgrade ng iyong sasakyan upang mas mapabuti ang pagkakabuo nito. Pwede ka ring bumili ng ibang uri ng sasakyan kung nais mo ng bago. Ang ilan sa mga pagpipilian mo ay ang Vehicles Magnet Car, Vehicles Missile Car, Vehicles Laser Car, Vehicles Blast Car at iba pa. Mabubuksan mo rin ang iba pang mga item habang nalalagpasan mo ang bawat level. Kailangan mo lang maglaro at ipanalo ang bawat laban upang matuklasan ang iba pang features ng laro. Maaari ka ring gumamit ng iba’t ibang taktika sa paglalaro upang mabilis mong matalo ang kalaban. Nasa istilo ng iyong paglalaro nakasasalay ang pagkapanalo mo sa bawat laban.

Pros at Cons ng Road Riot

Para sa Laro Reviews, ang Road Riot ay isang nakakaadik na action-packed shooter at car racing game. Simple lang ang mechanics ng laro subalit nakakaaliw itong laruin. Puno ng aksyon ang bawat level at haharap ka sa iba’t ibang matitinding hamong makakapaghikayat sa iyo para magpatuloy sa paglalaro nito. Mahusay din ang pagkakalapat ng disenyo ng graphics sa laro. Pati na rin ang visual at sound effects na ginamit dito ay malinaw.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, ito ay isa sa maganda at masayang larong kanilang nasubukan. Tinawag din ng ibang manlalaro ang Road Riot na ‘excellent game’, ‘extremely fun’ at ‘old classic games’. Sinabi rin nilang nakakaaliw at nakakaadik daw ang larong ito kaya naman inirerekomenda nila ito sa ibang manlalaro. 

Samantala, may mga problemang nararanasan rin ang ibang manlalaro sa paglalaro nito. Ayon sa kanilang reviews, madalas daw ang pag-crash at lag daw sa larong ito. Nagpadala ng mensahe ang mga manlalaro sa email ng developer ng laro subalit hindi nagbibigay ng sagot ang Titan Mobile LLC sa kanila. Ipinaabot pa rin ng mga manlalaro ang iba pang suhestiyon para mas mapaganda pa ang laro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱44.21 hanggang ₱4,949.85 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroong itong 4.4/5 stars rating sa Google Play Store, at may mahigit 426,000 reviews. Umabot na rin sa mahigit 10 milyon downloads ang nakuha ng larong ito. Isa ito sa mga katunayang marami na ang nakapaglaro nito at patuloy na naglalaro pa hanggang ngayon. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Road Riot!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...