Moy 7 – Virtual Pet Game Review

Kung gusto mong magkaroon ng isang virtual pet at maraming mini-games, dapat mo nang i-download ang Moy 7- Virtual Pet Game. Sa ikapitong installment ng Moy series, mas binigyang pansin ng Frojo apps ang pagpapaganda ng kanilang user interface at pagbibigay ng mas maraming interaksyon para sa inyong virtual pet. 

Sa mga hindi nakaaalam, ang Virtual Pet Game ay isang mobile app kung saan kailangan mong alagaan, pakainin, paliguan, paglaruin, at bihisan ang alaga mong alien. Gaya ng ibang virtual pet games, mas lalaki nang malusog at masaya ang iyong Moy kapag binigyan mo ito ng sapat na atensyon at oras araw-araw. 

Sa unang scene ng Moy 7- Virtual Pet Game, makikita mo ang isang stork na dala-dala ang isang Moy habang ito ay lumilipad sa langit. Kalaunan, nagkaroon ng isang malakas na ulan at natamaan ang stork ng kidlat. Dahil dito, nalaglag ang Moy sa isang truck na may isang tumpok ng dayami. Umandar ang truck at nalaglag ang Moy sa putikan. Dito na magsisimula ang iyong papel bilang tagapangalaga nito. 

Game features ng Moy 7- Virtual Pet

Maraming features ang Moy 7- Virtual Pet Game. Sa mini games pa lang, hindi ka na mauubusan ng gagawin para magkaroon ng pera. Sa kabilang banda, nandito rin ang features na makikita mo sa ibang virtual pet games. Isa pa sa mga dapat mong asahan kapag naglaro ka ng Virtual Pet Game ay ang pagkakaroon nito ng open world. 

Moy 7 - Virtual Pet Game

Moy 7 – Virtual Pet Game

Virtual Pet features 

Bilang isang virtual pet game, kailangan mong pakainin, alagaan, paglaruin, at laruin ang iyong Moy. Sa opsyon ng pagkain, maaari kang bumili ng mga pagkain o manu-manong magluto ng mga kakainin ng iyong Moy.  Samantala, kailangan mo ring paliguan at pagamitin ng banyo ang iyong alaga. 

At kung may binili kang damit para dito, kailangan mong labhan sa washing machine ang damit ng iyong Moy. At gaya ng ibang virtual pet games, may energy din ito na kapag naubos ay kailangan mong patulugin sa kanyang kama. Kailangan din ng iyong Moy ang ehersisyo. Pwede kang gumamit ng jump rope, weights, treadmill, at punching bag para sa kanyang workout. 

Mini Games 

Hindi gaya ng ibang virtual pet games, may 95 na mini games na pwedeng pagpilian para sa Moy 7 – Virtual Pet Game. Ang mga mini games na ito ay nahahati sa apat na kategorya: video games, music, arcade games, sports, at racing games. May ilan sa mga larong ito ang hango sa mga mobile games. Ilan sa mga ito ay Angry Birds, Hill Climb Racing, Bomberman, Sim City, Piano Tiles, at Candy Crush. Bukod pa rito, maaari ka ring gumawa ng mini worlds, gaya ng Moy Zoo, kung saan maaari kang bumuo ng isang zoo at kumita ng gold o Moy City na hango sa larong Sim City. 

Sa paglalaro ng mini games sa Virtual Pet Game, kikita ka ng gold na maaari mong ipambili ng damit, pagkain, at mga alaga para sa iyong Moy Zoo. Isang virtual pet game ang Moy 7 pero kapag dinownload mo ito, para ka na ring nag-download ng 95 mobile games sa iyong smartphone. 

Moy 7 - Virtual Pet Game

Moy 7 – Virtual Pet Game

Open world 

Isa pang kaibahan ng Moy 7- Virtual Pet Game sa ibang virtual pet games ay ang pagkakaroon ng open world. Sa mundong ito, maaaring makapunta si Moy sa isang paaralan, playground, planetarium, gallery, sa Moy Zoo, Moy City, at iba pang lugar. Maikukumpara mo ang open world interface ng Moy 7- Virtual Pet Game sa open world ng MDickie Games gaya ng School Days, Hard Time, at iba pa. 

Saan maaaring i-download ang Moy 7- Virtual Pet Game 

  • Download Virtual Pet Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.frojo.moy7&hl=en&gl=US
  • Download Virtual Pet Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/moy-7-the-virtual-pet-game/id1501292004

Tips and tricks para sa Moy 7- Virtual Pet Game 

Madali lang laruin ang Moy 7- Virtual Pet Game, at ang kailangan mo lang ay maibigay ang kailangan ng iyong Moy upang mag-level up at lumaki. Kung lalaruin mo ito, dapat mong orasan kung kailan ka babalik sa iyong Moy upang maibigay mo ang kanyang mga pangangailangan. Ang mas dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng gold. 

Upang magkaroon ka ng gold araw-araw, kailangan mong laruin ang mga mini games. Sa dami ng mini games ng Virtual Pet Game, ang dapat mong gawin ay humanap ng isang laro na masisiyahan at madadalian ka. Huwag mo ring kaliligtaang pumunta sa planetarium at ilagay sa tamang ayos ang mga planeta para sa extra gold. 

Pros at cons ng Moy 7- Virtual Pet Game 

Hindi ka mauubusan ng pwedeng gawin sa Moy 7- Virtual Pet Game. Isang positibong katangian ito dahil hindi mo pagsasawaan ang larong ito. At hindi rin basta-basta ang pagkakagawa ng mga mini games ng Moy 7- Virtual Pet Game. Simple ang mga detalye nito pero maaaliw ka talaga sa paglalaro.

Related Posts:

MARVEL Future Revolution Review

Block Craft 3D: Building Game Review

Dagdag pa sa magandang katangian ng mini games ang pagiging madali ng mga ito. Kung anak mo ang maglalaro ng mga mini games ng Moy 7- Virtual Pet Game, siguradong ilang oras silang nasa smartphone para makapagparami ng gold. Para naman sa aspeto ng pagiging virtual pet game, nakuha rin ng Virtual Pet Game ang mga essentials para patuloy itong laruin. 

Ang Virtual Pet Game ay isa ring malaking improvement kumpara sa ibang bersyon nito. Kung lalaruin mo ang Moy 6, mahahalata mo na sobrang laki ng pagkakaiba nila. Sa unang tingin, aakalain mong ibang laro ang Moy 7 at hindi isang upgrade mula sa isang lumang laro. Malaking plus point din ang pagkakaroon ng unique traits ng larong ito kumpara sa ibang virtual pet games. 

Sa mga unique traits na ito, ang open world ang nangingibabaw. Dahil sa open world ng Moy 7- Virtual Pet Game, kahit papaano ay mararamdaman mo na buhay talaga ang iyong karakter at hindi lang siya basta nakatayo sa isang lugar habang ibinibigay ang pangangailangan niya. 

Moy 7 - Virtual Pet Game

Moy 7 – Virtual Pet Game

Konklusyon 

Hindi lang virtual pet game ang makukuha mo kapag naglaro ka ng Moy 7- Virtual Pet Game. Nandito rin ang iba’t ibang casual games mula sa mini games nito at isang mundo na kahit maliit lang, pwede mong lakbayin. Sa kabuuan, ang tanging mairereklamo mo sa larong ito ay ang malaki niyang storage requirement kumpara sa ibang casual games. 

Sa pangkalahatan, sobrang tama na alien ang karakter mo sa Moy 7 dahil masasabi mong “out of this world” ang casual game na ito. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...