Dumb Ways To Die Review

Wala nang mahabang introduksyon na kailangan para ipakilala ang mobile game na Dumb Ways To Die. Kung nagkaroon ka ng mobile device bandang 2010s, imposible na hindi mo alam. Hindi maitatanggi na lahat ng mga naglaro ng Dumb Ways To Die ay nabigyan nito ng saya. Kung tutuusin, isa itong parte ng kabataan ng mga millenials na hindi mabubura. 

Simple lang naman ang kailangang gawin sa Dumb Ways To Die. May ginagawang random na mga bagay at kailangan mong matulungan ang karakter mo na gawin ito. Kung hindi, kamatayan ang kahihinatnan. May halo ng pagiging puzzle game pero dahil sa sobrang gaan at kwela nitong mga scenarios, marapat lang na ituring bilang isang casual game ang larong ito. 

Ilang trivia tungkol sa Dumb Ways To Die 

Kung hindi mo pa alam, ang larong Dumb Ways To Die ay hango sa isang public campaign mula sa Metro Train sa Melbourne, Australia bilang isang public service announcement tungkol sa kaligtasan. Dahil dito, nagkaroon ng kanta, animated video, at mobile game na nakatanggap ng maraming papuri. Sa kabilang banda, may mga kritisismo na hindi ito umano naging sensitibo sa isyu ng suicide na isa sa mga dahilan ng kapahamakan sa tren. 

Dumb Ways To Die

Dumb Ways To Die

Game features ng Dumb Ways To Die 

Ang pinakanaaalalang feature ng lahat ay ang kanyang theme song nito. Siguradong pagkabasa mo pa lang ng mga salitang “Dumb Ways To Die” sa artikulong ito ay napakanta ka na agad. Sa Dumb Ways To Die, 8-bit version pa lang ng kanta ang nasa main screen at 2 pa pinatugtog ang orihinal na bersyon. 

Isa rin sa magagandang features ng orihinal ay ang character customization dito. Sa unang bahagi ng laro, maaari mong idisenyo ang iyong karakter. Pumili ka ng katawan, buhok, balbas, damit, shades, tattoo, at mata ayon sa iyong kagustuhan. Sigurado na mayroon kang mapipili sa mga items na pwede mong ilagay. 

Kasama sa laro ang ilang mini games na nangangailangan ng iba’t ibang kasanayan para malampasan. Maaari mong tanggalin ang isang kolonya ng wasps sa mukha ng isang tao, umiwas sa isang oso, punasan ang screen na puno ng suka, o alisin ang isang toasted bread sa isang toaster gamit ang isang tinidor. Mayroon lamang isa na maaaring ituring na ‘madali’ at iyon ay ang lumaban sa tukso na pindutin ang isang malaking pulang button kapag sinabi na “do not touch the red button.” 

Ang mga kakaibang karakter sa Dumb Ways To Die ay nasa madalas na iba’t ibang delikadong sitwasyon. Kailangan mong magawa ang mga hamon para masagip sila mula sa peligro. Kung matagumpay mong nakumpleto ang laro, makakakuha ka ng 100 puntos at makakapunta sa susunod na level. Paminsan-minsan, nakakakuha ka rin ng ilang bonus points o deduction – random ang mga ito sa halip na naka-link sa iyong performance sa level.

At kapag natapos mo na ang buong laro, lalabas na ang music video ng isa sa pinaka-iconic na original soundtracks sa kasaysayan ng mobile gaming. Masasabi mong ito rin ang pinaka-catchy na game music bukod pa sa Zombies On Your Lawn sa Plants vs. Zombies. 

Saan maaaring i-download ang Dumb Ways To Die?

  • Download for Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.popreach.dumbways
  • Download for iOS https://apps.apple.com/us/app/dumb-ways-to-die/id639930688
Dumb Ways To Die

Dumb Ways To Die

Tips at tricks para sa Dumb Ways To Die 

Simple lang ang mga kailangang gawin sa Dumb Ways To Die at ang pinakakailangan mo upang malampasan lahat ng mga levels ay ang magkaroon ng tamang konsentrasyon. Sa mga mini-games, hindi maiiba ang gagawin mo pero mas bibilis ang timer kaya dapat mabilis pero maingat ka. Mas madadalian ka rin kung maganda ang koordinasyon ng mata at daliri mo. 

Related Posts:

Brain Out: Can You Pass It Review

The Escapists 2: Pocket Breakout Review

Isang paraan para bumilis ka sa Dumb Ways To Die dapat mong kabisaduhin kung paano tapusin ang isang stage. Oras na magawa mo ito, unti-unti ka nang magkakaroon ng tamang ritmo. Ang pakinabang ng pagkabisado at pagkakaroon ng mabilis na reflexes ay hindi lang para matapos mo ang bawat level. Kinakailangan din ang mga ito kung gusto mong magkaroon ng mataas na iskor. 

Ang pinakamahalagang tip para magustuhan mo lalo ang Dumb Ways To Die ay laruin ang ibang sequels nito, ang Dumb Ways To Die 2 at 3. Sa ganitong paraan, mas malalaman mo ang ebolusyon sa paglalaro nito. May dalawang spinoffs din ang series na may iba’t ibang layunin. 

Pros and cons

Ang pinakamagandang katangian ng Dumb Ways To Die ay ang pagtuturo nito ng mga mapanganib na hazards sa isang epektibong paraan. Hindi kailangan na magbigay ng isang napakahabang lecture para lang matutunan na mapanganib ang isang bagay. Sa halip, isang masayang laro ang nabuo para mas marami ang matuto. 

Hindi kinakailangan ng sobrang gandang graphics. Ang minimalistic nitong graphics at animation ang dahilan kung bakit nagmarka ang larong ito sa marami. Mabigat na usapin na ang safety hazards, hindi na dapat pabigatin pa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng graphics at animation na hindi naman kailangan. 

At kung gusto mong matawa, sobrang kwela ng mga death scenes ng Dumb Ways To Die kapag hindi mo natapos ang level. Masasabi mong ipinapakita dito ang maraming uri ng pagkamatay dahil sa kabobohan pero hindi mo ituturing na nakakadiri o bayolente ang mga ito. Marahil ay dahil na rin sa simpleng disenyo ng laro. 

At kung pag-uusapan ang mismong public campaign, ginawa ang lahat ng nararapat. Napuntirya ang kanilang target audience at naunawaan ng mga ito ang mga medium at channel na kanilang ginamit. Ang kampanya ay naging isang social media phenomenon. Gumawa sila ng kakaiba, hindi malilimutan, at nakakaengganyong content na hanggang ngayon ay napakasikat pa rin.

Dumb Ways To Die

Dumb Ways To Die

Konklusyon 

Isang cult classic ang larong Dumb Ways To Die. Ilang taon mula noong matapos ang public campaign, nagkaroon pa ng sequels ang laro. Ngayon, mas kilala na bilang laro at hindi bilang isang public service announcement tungkol sa railroad safety, maliban na lang kung nakatira ka sa Australia. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon;  sobrang talino ng nakaisip ng marketing campaign nito para pangalanan itong “Dumb Ways.” 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...