The Escapists 2: Pocket Breakout Review

The Escapists 2: Pocket Breakout – Kapag nabanggit ang mga pangalang Lincoln Burrows at Michael Scofield, maraming tao ang makakakilala at maiintriga. Oo, sila nga iyon! Ang dalawang sa pangunahing cast ng sikat na sikat na palabas – ang Prison Break. Gaya ng ipinahihiwatig ng pamagat, nakasentro ang kwento sa pagtakas ng magkapatid mula sa kulungan na may ilang twist ng drama, paggamit ng diskarte at talino, at pagpapakita ng kakaibang tapang at determinasyon. Nanaisin mo bang maranasan ang pakiramdam ng nasa kalagayan ng dalawang karakter na ito? Kung gusto mo ng thrill at ang hanap mo ay larong mapag-iisip ka ng matindi, ito na ‘yon!

  • Download The Escapists 2: Pocket Breakout on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.team17.escapists2&hl=en&gl=US
  • Download The Escapists 2: Pocket Breakout on iOS https://apps.apple.com/us/app/escapists-2-pocket-breakout/id1356167732
  • Download The Escapists 2: Pocket Breakout on PC https://planeterlang.org/games/the-escapists-2-pocket-breakout.html

Ang Storyline ng The Escapist

Ang kwento ay tungkol sa isang napakatalino, makapangyarihan at matapang na bilanggo. Matagumpay ka nang nakatakas noon, ngunit sa ilang kadahilanan, muli kang nabilanggo. Isasalaysay sa laro ang pagpapatuloy ng muli mong pagtakas mula sa kulungan.

Ang antas ng kahirapan ay nadagdagan pa ngayon dahil sa inilagay ka sa lugar na may pinakamahigpit na seguridad. Asahan mong mas pinag-igting at pinahigpit ang pagsubaybay at mga kagamitang gamit sa bahaging ito ng kulungan. Andami ring mga guwardiya at bantay. Ang lahat ng ito ay dahil sa itinuturing kang isang mapanganib na tao at mahirap pakitunguhan. Sa lugar na hindi pinapairal ang habag at awa, kailangan mo ng malinis at solidong plano para makaalpas sa pagmamatyag ng mga bantay!

The Escapists 2 Pocket Breakout

The Escapists 2 Pocket Breakout

Ano ang tungkol sa laro?

Ang The Escapists 2: Pocket Breakout ay pangalawa na sa ginawang kapanapanabik na jail escape simulator ng Team 17. Sa round na ito ay isa kang napakatalino, makapangyarihan at matapang na bilanggo na nasa isang secluded cell at nakahiwalay sa karamihan. Kailangan mong makabuo ng isang tusong diskarte sa pagtakas. Upang maisagawa ito, dapat alalayan ng manlalaro ang kanyang karakter sa paghahanda at tangka nitong pagtakas. Morning roll call, paglabas at pagpasok sa mismong selda, pagpunta sa canteen at shower – ang lahat ng mga aktibidad na ito ay nangangailangan ng koleksyon ng mga mahahalagang bagay, pati na ang pagbabahagi ng mga kalakal sa ibang mga bilanggo, at ang pag-iwas sa pagbibigay ng anuman sa mga guwardiya. Ang iba’t ibang gameplay, pati na rin ang magagandang graphics at soundtrack, ay walang dudang makakakumbinsi sa mga players para ituloy ang paglalaro.

Ang jail break sa The Escapists 2: Pocket Breakout ay isang napakahabang operasyon na dapat na maplano nang mabuti. Sa una, magsanay ka syempre sa buhay-kulungan. Siguraduhin na palagi kang dumadalo sa mga pagtitipon, lagi mong tapusin ang lahat ng mga tungkulin, at sumunod lagi sa mga regulasyon. Matututo ka kung paano bumuo ng kulungan para tuklasin ang paraan kung paano makakalabas mula rito. Kapag may libreng oras, makiumpok sa ibang mga bilanggo o lumahok sa mga sports at paligsahan. Sa ganoong paraan, hindi ka guguluhin ng mga guwardiya at magkakaroon ka ng magandang impresyon sa kanila.

Tulad ng sa totoong buhay, ang pagtakas sa kulungan ay nangangahulugan ng malaking panganib, kabilang na ang kamatayan kung mabibigo ka. Una sa lahat, malaki, malawak at samu’t sari ang sistema ng kulungan. Mayroong walo o higit pang pangunahing uri ng mga bilangguan. Mula sa mga kulungan ng Center Perks na may simpleng security systems hanggang sa Rattlesnake Springs prisons na may pinatinding proteksyon para sa mga mabibigat ang pagkakasala o mga bilanggong nasa death row. Lahat ng mga ito ay may napakaraming silid, bubong, lagusan, at mga daanan sa ilalim ng lupa. Alamin kung anu-ano ang maaari mong magamit sa mga ito para maisakatuparan ang isang ligtas na paraan ng pagtakas.

The Escapists 2 Pocket Breakout

The Escapists 2 Pocket Breakout

Susubukan mong lusutan ang radar ng pinakamahigpit na sistema ng seguridad sa mga kulungan. Sa dami ng sandatang maaaring gamitin ng mga guwardiya, handa silang lumaban kapag may nangyaring kaguluhan. Maaari mong kumbinsihin at suhulan ang mga guwardiya para patakasin ka at para makaiwas sa pakikipaglaban sa mga ito. Ang hamon ng The Escapists 2: Pocket Breakout sa mga manlalaro ay manatiling cool, matalino at matututong manamantala ng tamang pagkakataon.

Related Posts:

Pooking – Mga Larong Bilyar City Review

Honkai Impact 3 Review

Masasabi bang magandang laro ang The Escapist 2: Pocket Breakout?

Ang The Escapists 2: Pocket Breakout ay isang masaya at nakakaengganyong sandbox game na mas pinahusay mula sa orihinal na laro. Subalit, hindi maitatangging may mga kakulangan ito kapag nilalaro sa mobile. Walang dudang ang The Escapists 2 ay lamang sa lahat ng aspeto kumpara sa naunang bersyon. Ito ay mas kaakit-akit sa paningin, mas pinalawak pa, at mas madaling gamitin.

Mayroon ding itong local multiplayer para sa hanggang apat na manlalaro, kahit na walang internet o online multiplayer tulad ng mga naunang bersyon. Gayunpaman, dahil mas kakaunti ang mga kulungan at prison editor, wala pa rin itong binabat sa kabuuang karanasang ipapalasap sa iyo ng Escapists 2. Isa itong mahalagang bahagi ng sandbox escapology na nagawang mapabuti pa ang lahat ng aspeto mula sa orihinal na laro. Medyo nakompromiso nga lang ang gaming experience sa mobile. Ngunit sa pangkalahatan, hindi lamang kamangha-manghang piraso ng software ang The Escapists 2, ito ay isang ring pambihirang port na karapat-dapat na idagdag sa inyong mobile gaming library. Lubos itong inirerekomenda para sa sinumang manlalaro na nauunawang para matamasa ng isang tao ang tunay na kalayaan, kailangang mawala muna ito sa kanya.

The Escapists 2 Pocket Breakout

The Escapists 2 Pocket Breakout

Ang visuals sa The Escapists 2: Pocket Breakout ay hindi masyadong pinagkaabalahan. Ang laro ay may mga simpleng pixel visual at nakakatuwang pagbuo ng mga karakter. Maaari kang bumuo ng isang karakter batay sa iyong kagustuhan. Gayunpaman, ang visual effects ng laro at paglalahad ng mga pangyayari ay talagang kahanga-hanga. Tumpak ang naging paglalarawan ng buhay sa bilangguan, at napakaraming bagay pang maaaring tuklasin sa loob nito. Makakakita ka rin ng mga larawan mula sa serye ng Prison Break.

Hindi man naging perpekto ang pagdadala ng laro sa mobile, hindi man flawless ang tatlong virtual control system, hindi na rin pangkaraniwan ang magawang magkakasabay-sabay ang mga pangyayari at visuals sa isang interactive na laro. Idadagdag pa ang pagpasok ng mga nalikhang karakter o bagay ng mga manlalaro batay sa kanilang mga nais makita at magamit sa game. Nakatulong din na kahit paano ay na-optimize ang battle system para sa mobile, na mayroon pang convenient lock-on function.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...