Muse Dash Review

Hinahayaan ka ng larong Muse Dash na magsaya kasama ang magagandang animated waifus habang nakikinig sa mga himig ng musika. Ito ay isang rhythm action game kung saan ikaw ay tatalon, aatake, at mangongolekta ng mga nota habang tumatakbo sa buong laro.

Harapin ang boss tulad ng isang rock star at i-tap ang screen nang sunud-sunod para matagumpay na maisagawa ang combo hits at makakuha ng mas marami pang mga puntos. Habang umuusad ka sa laro, ang musika ay nagiging mas matindi at hahamunin nito ang koordinasyon ng iyong kamay at mga mata. Kaya galingan ang paglalaro para mas marami pang gantimpala ang makuha!

Muse Dash

Muse Dash

Ano ang layunin ng laro?

Pagdating sa gameplay nito at kung paano ka makakakuha ng rewards at makakatapos ng mga level, masasabi kong ang laro ay napakasimple lamang. Ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang mga nota habang iniiwasan ang mga bagay na ihahagis sa iyo ng kaaway. Kung ikaw ay makakagawa ng magkakasunod na hit, magagawa mong i-activate ang combo.

Kung regular kang naglalaro nito, magagawa mong mag-unlock ng mga bagong kaakit-akit at cute na karakter, iba’t ibang musika, at cute na familiars. Ang pagtalon pataas at  pababa ang pinakapangunahing galaw ng iyong karakter sa larong ito, kaya galingan ang pagsabay sa ritmo ng larong ito!

Paano laruin?

Ang kailangan mo lang gawin ay kolektahin ang mga nota o mahahabang linya ng nota sa buong laro. May mga bagay na itatapon sa iyo ang kalaban na dapat mong iwasan at ang iba naman ay maaari mong tamaan ng sunod-sunod para magawa ang combo hit. Ang iyong karakter ay patuloy na tumatakbo pakanan o pakaliwa, habang umiiwas sa mga kaaway na karaniwang nasa kanang bahagi ng screen at biglang lalapit papunta sa iyo para umatake.

Mag-uumpisa ka na may isang karakter lamang at habang umuusad ka sa laro, maaari ka nang makakuha ng mga reward at mag-unlock ng mga karakter, musika, at familiars. Ang mga galaw ay napakadali lamang – tanging pagtalon pataas at pababa ang iyong gagawin. I-tap mo ang alinman sa kaliwa o kanang bahagi ng screen para kontrolin ang galaw ng iyong karakter.

Magiging mas mahirap ang mga bagay kapag nagsimulang umatake ang mga kaaway mula sa ibaba at itaas. Nagbabago ang bilis ng musika habang tumatagal ka sa laro. Ito ay bumibilis na susubok sa koordinasyon ng iyong kamay at mata at maging ang iyong konsentrasyon. Mayroon ding music notes na maaaring gamitin para i-charge ang iyong fever meter o mga healing item na magagamit para dagdagan ang iyong HP. Kapag ang iyong HP ay naging zero ay saka ka lamang matatalo sa laro.

Muse Dash

Muse Dash

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Muse Dash sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang dapat ilaang space ng app para sa Android ay 103 MB at 1.7 MB naman para sa iOS.

  • Download Muse Dash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.prpr.musedash
  • Download Muse Dash on iOS https://apps.apple.com/us/app/muse-dash-%E5%96%B5%E6%96%AF%E5%BF%AB%E8%B7%91-%E8%B7%91%E9%85%B7%E6%B8%B8%E6%88%8F/id1361473095
  • Download Muse Dash on PC https://steamunlocked.net/muse-dash-free-download/

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Muse Dash

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Muse Dash pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Muse Dash!

Tips at tricks sa paglalaro ng Muse Dash

Gaya ng nabanggit, ang gameplay o mekaniks ng laro ay napakadali lamang. Ang tanging pagsubok o hirap sa laro ay kapag ang kalaban ay nagsimulang maghagis ng mga bagay mula sa taas o ibaba. Upang matalo ang boss at makatanggap ng maraming gantimpala, dapat gamitan mo ito ng matinding konsentrasyon at pagbutihin ang koordinasyon ng iyong mga mata at kamay.

Related Posts:

Grand Auto Theft III Review

EvoCreo – Pocket Monster Game Review

Ang isa pang bagay na dapat mong makuha ay ang familiars. I-unlock ang mga ito para matulungan ka sa buong laro. Magbibigay sila ng mga passive abilities, karagdagang HP, o papahabain ang iyong fever time. Ito ay higit na makakatulong sa iyo sa pagkumpleto ng level at pagharap sa boss. Habang nagtatagal ka sa laro, makakakuha ka ng mga healing item.

Kailangan mo ring dalasan ang paglalaro para ma-unlock mo ang mga bagong karakter. Ang bawat karakter ay may iba’t ibang dami ng HP kaya mas maganda kung makakakuha ka ng karakter na may pinakamataas na HP. Magiging kalamangan mo ito sa laro dahil kapag bumaba ang iyong HP sa zero, iyon na ang magiging katapusan ng laro para sa iyo.

Muse Dash

Muse Dash

Pros at cons sa paglalaro ng Muse Dash

Kung iyong mapapansin, napakaganda ng background o visual graphics sa bawat level. May mga cute na waifu karakter na napakahusay ng pagkaka-animate. Ang mekaniks at gameplay ay simpleng-simple at madaling maunawaan. Walang maraming pindutan at kailangan mo lamang i-tap ang alinman sa kaliwa o kanang bahagi ng screen para sa mga paggalaw ng iyong karakter. Sa una ay mayroon ka lamang isang available karakter na tutulong sa iyong ma-unlock ang iba pang karakter. Paniguradong malululong ka sa paglalaro nito. Nagiging kumplikado ang mga level habang tumatagal ang pag-usad mo sa laro. Tumitindi o bumibilis ang takbo ng laro at ganoon din ang iyong galaw. Nagiging mas mahirap kapag nagsimula na ang kalaban sa paghagis ng mga bagay mula sa itaas at ibabang direksyon.

Sinusubok din nito ang iyong konsentrasyon. Huwag hayaan na ma-distract ang sarili sa mga bagay na nangyayari sa iyong paligid dahil maaari kang matalo sa laro. Ang mga karakter at setting ng laro ay napaka-cute at ganoon din ang kanilang mga boses. Ang mga ito ay base sa mga karakter na makikita mo sa mga anime series kaya malamang na matutuwa dito ang mga weebs (tawag sa mga taong mahilig sa anime). Maaari ka ring maging bahagi ng mga manlalarong nasa leaderboard at sikaping maging top sa lahat ng manlalaro ng Muse Dash. Ang tanging downside sa larong ito ay ang mga challenges o misyon sa laro na paulit-ulit. Magandang balita kung ang mga developer nito ay magdaragdag ng ilang mga bagong pag-upgrade para mapahusay pang lalo ang laro.

Konklusyon

Kung sa entertainment ang pag-uusapan, tiyak na marami maibibigay ang Muse Dash sa mga manlalaro. Ang animated graphics ay nagdaragdag ng aliw at ang boses ng bawat karakter ay napaka-cute pakinggan. Konting pag-aayos lamang sa ibang isyu ng laro ang kinakailangan para sa mas magandang karanasan ng paglalaro nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...