GTA: Chinatown Wars Review

GTA: Chinatown Wars – Gagampanan mo ang karakter ni Huang Lee na may isang misyon na dapat gawin: dalhin ang maalamat na espada sa kanyang tiyuhin na si Kenny. Kailangan niya itong gawin upang mabawi ang kontrol sa lungsod mula sa triad gang. Ngunit sa kasamaang palad, ang lahat ay hindi umaayon sa kanyang mga plano.

Ngayon ay naghihiganti siya sa nangyari sa kanya. Gumagala siya sa lungsod, tinatapos ang mga misyon, at bumibili at nagbebenta ng droga upang kumita ng pera. Ang pamumuhay niya ay hindi biro kaya kailangang maghanap ng trabaho para sa matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ano ang layunin ng laro?

Bukod sa layuning maibalik ang sinaunang espada kay Uncle Kenny, ang laro ay may mga misyon na dapat tapusin. Ito ay maaaring pagbili at pagbebenta ng alak o droga, pagtatanghal sa isang parada, pangha-hijack ng mga truck ng gasolina upang gawing isang malaking pampasabog, gumawa ng gulo sa gitna ng isang karera, o pag-aapula ng apoy. Bukod sa pangunahing layunin ay mayroong iba’t ibang freelance na trabaho at mga paligsahan na maaari mong pasukin upang kumita ng pera.

GTA Chinatown Wars

GTA Chinatown Wars

Paano laruin?

Ang ama ni Huang Lee ay pinaslang. Ang kanyang ama ay boss ng isang grupo ng mga gangster. Nagmamadali si Huang na pumunta sa Liberty City mula Hong Kong upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama. Pagdating niya sa nasabing lungsod ay nasangkot siya sa matinding sagupaan sa pagitan ng iba pang mga gangster na nag-aagawan sa trono ng kanyang ama. Bilang si Huang, uusad ka sa laro sa pamamagitan ng pagkumpleto ng iba’t ibang mga misyon upang matuklasan ang susunod pang bahagi ng kwento.

Isa sa mga kapanapanabik na feature ng larong ito ay ang pagbili at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na droga para kumita ng pera sa laro. Iwasang mahuli ng mga pulis. Maglalakbay ka sa buong Liberty City upang gawin at tapusin ang mga misyon sa storyline ng laro. Masasangkot ka sa iba’t ibang mga aktibidad tulad ng pagmamartsa sa isang parada, pagnanakaw ng mga tanker ng gasolina para gawing mga malalaking bomba, manggulo sa gitna ng isang karera, at maging ang pag-apula ng apoy. Mayroon ding mga karagdagang trabaho, karera, at mini-game na madidiskubre rito.

May camera rin dito na nagbibigay ng magandang view ng mga lugar na nakapaligid sa lungsod. Isa sa mga aktibidad rito ay ang pagkakataong magmaneho ng sasakyan. May mga virtual buttons na napakaliit, gaya ng gas, kick, shoot, and carjacking. Mayroon ding mapa kung saan maaari mong makita kung nasaang lugar or bahagi ka ng lungsod. Ito ang mga pangunahing mekaniks at tagubilin ng laro. Mag-iingat ka lamang at bantayan ang mga bust operation ng mga pulis at huwag magpapahuli sa kanila.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang GTA: Chinatown Wars sa Android devices ay dapat Android 7.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 18 MB at 879.5 MB naman para sa iOS.

  • Download GTA: Chinatown Wars on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rockstargames.gtactw
  • Download GTA: Chinatown Wars on iOS https://apps.apple.com/us/app/gta-chinatown-wars/id344186162
  • Download GTA: Chinatown Wars on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/gta-chinatown-wars-on-pc.html
GTA Chinatown Wars

GTA Chinatown Wars

Hakbang sa paggawa ng account sa GTA: Chinatown Wars

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong GTA: Chinatown Wars. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng GTA: Chinatown Wars!

Tips at tricks sa paglalaro ng GTA: Chinatown Wars

Hindi alam ng karamihan sa mga players ng Grand Theft Auto: Chinatown Wars na malaki ang maitutulong ng pagkumpleto ng mga side job sa lungsod. Binibigyan ka nito ng mga partikular na kakayahan at kalamangan sa laro na maaaring makatulong sa iyong karanasan sa single-player mode habang nag-eenjoy. Narito ang ilan sa iba’t ibang side jobs na maaari mong makuha dito. Makalagay din kung saan hahanapin ang mga ito at kung ano ang maaari mong matanggap sa matapos ang bawat trabaho. Tandaan, upang makuha ang kaugnay na parangal, dapat kang makakuha ng gintong medalya sa bawat gawain.

  1. Paramedic – isang trabaho na maaaring matagpuan sa isang ambulansya. Lagi itong malapit sa mga ospital. Upang makakuha ng ginto, iligtas ang lahat ng mga pasyente sa isang biyahe ng ambulansya. Bibigyan ka nito ng unlimited sprint na mabisang gamitin para makatakas mula sa LCPD.
  2. Vigilante – isang trabaho na maaaring mahanap sa mga patrol car. Maraming trabaho ang makikita mula sa mga istasyon ng pulisya. Patayin ang 100% ng mga masasamang-loob sa limang natatanging grupo ng kriminal upang makatanggap ng gintong gantimpala at dobleng proteksyon sa katawan. Lubhang kapaki-pakinabang ito kapag ikaw ay nasangkot sa isang gulo.
  3. Taxi Driver – isang trabaho na maaaring makuha sa anumang taksi. Magmaneho ng 15 na magkakasunod na biyahe sa isang taksi para makuha ang gintong reward at makatanggap ng bullet-proof na taxi. Dapat mong gamitin ito sa labanan dahil epektibo itong proteskyon sa paparating na mga pag-atake ng mga kalaban.
  4. Fire Fighter – isang trabaho na maaaring makuha sa mga departamento ng bumbero alinman sa Northwood District ng Algonquin o sa Downtown area ng Broker at apulahin ang 10 sitwasyon ng sunog upang kumita ng ginto at maging immune sa pinsala ng sunog. Kaya maaari kang maghagis ng mga Molotov cocktail o petrol bomb nang walang pag-aalala na baka masunog ka kapag ginawa mo ang alin man sa mga ito.
GTA Chinatown Wars

GTA Chinatown Wars

Pros at cons sa paglalaro ng GTA: Chinatown Wars

Alam nating lahat na ang mga laro ng GTA ay sikat sa mga kabataan at matatanda. Ito ay isang karaniwang laro ng aksyon na kung saan ang karakter ay naghihiganti at ang mga cutscene ang sentro ng laro. Ang mga disenyo ng mga karakter at pangyayari rito ay parang isang komiks na napakagandang panoorin. Ang camera ay nagbibigay ng isang magandang view ng mga kalapit na lungsod. Mayroong ilang mga kakaibang trabaho na nagbibigay ng mga gantimpala at mga espesyal na kakayahan na nagdaragdag ng aliw sa laro. Ang mga sitwasyon sa bentahan ng droga ay kapanapanabik at ang posibilidad na mahuli ng LCPD ay nagdaragdag sa suspense. Ang mga mini-game sa larong ito ay lubos na nakakahumaling at kasiya-siya. Ang mga piling Android Bluetooth at USB controllers ay maaari ring ikonekta rito kung ito ay compatible. Ito ay nasa isang mobile na bersyon na mas magaan para sa mga manlalaro upang makapaglaro kahit kailan at saan mo gusto.

Related Posts:

Muse Dash Review

Grand Auto Theft III Review

Gayunpaman, ang virtual controls ay nakakadismaya. Gumagana ang mga ito nang maayos, ngunit mahirap gamitin at kailangan mo pang tumingin sa screen para siguruhin kung tama ba ang iyong pinipindot dahil sa liit ng mga button nito. Ito ay mahirap para sa mga manlalaro na maniobrahin ang mga sasakyan at kontrolin ang mga ito minsan. Nagka-crash ang laro at paminsan-minsan ay may mga problema kapag naglalaro. Marahil ito ay dahil sa compatability ng laro sa device. Para makapagbigay ng mas magandang karanasan sa paglalaro, dapat gumawa ang mga developer ng mga hakbang upang matugunan ang mga problemang ito. Talagang nakakadismaya na magkaroon ng pangit na gameplay kapag nagbayad ka para sa isang app. Dahil naglalaman ito ng maraming karahasan, tiyak na may age restriction ang app na ito. Ito ay hindi angkop para sa mga kabataan. Ang mga eksena sa storyline na ito ay hindi angkop na panoorin ng mga bata, kaya kung ikaw ay isang magulang, dapat mong bantayan ang iyong mga anak.

Konklusyon

Ang GTA: Chinatown Wars ay isang console game para sa mga manlalaro. Mayroong ilang mga side mission na nakadaragdag ng pagkalibang at kasiyahan. Ang iba pang features na nagbibigay-aliw sa mga manlalaro tulad ng pagmamaneho sa mga sasakyan, paggawa ng mga kakaibang trabaho, bumaril ng mga tao, at ang pinakakapana-panabik na aspeto para sa karamihan ng mga gamer ay ang pagbebenta ng droga dahil legit na pamparami ito ng pera na magagamit mo sa laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...