My Child Lebensborn Review

My Child Lebensborn – Kung hindi ka pa pamilyar sa Lebensborn, pahapyaw muna nating balikan ang kasaysayan tungkol dito. Ang ibig sabihin ng Lebensborn ay “wellspring of life” o “fount of life.” Ito ay isang project na nilikha ni Heinrich Himmler noong Disyembre 12, 1935 kung saan naglalayon ito na palakihin ang populasyon ng Germans na sa nakalipas na dekada ay pabawas nang pabawas. Para kay Himmler, ang Lebensborn Project ay isang daan upang madagdagan ng 120 million ang populasyon ng bansa. Naniniwala rin siya na ang mga Lebensborn children ang mamumuno sa Nazi-Aryan population sa hinaharap.

Ang Lebensborn ay maituturing na nakakatakot na proyekto dahil ito ang naging daan upang mangidnap ng mga bata sa eastern country noong 1939. Sinasabing ang mga batang kinuha ay akma sa standard ng Nazi’s racial criteria kung saan ang mga bata ay dapat blonde ang buhok at may blue o kaya’y green ang kulay ng mata. Mayroong 250,000 ang naitalang kinidnap at sapilitang dinala sa Germany. Dahil na rin sa programang ito, ilang pamilya ang nawasak, ilang mga bata ang nakaranas ng identity crisis at abuso dahil produkto sila ng madilim na proyektong ito.

My Child Lebensborn

My Child Lebensborn

Ang Child Lebensborn na nilikha ng Serapta Studio ay isang uri ng simulation game kung saan naka-set ito sa panahong pagkatapos ng World War 2. Sa larong Child Lebensborn, ikaw ay binigyan ng pagkakataon para maging foster parent ng mga batang produkto ng Lebensborn program. Kakaiba ang larong ito dahil binase talaga nila ito sa totoong nangyari noon kung saan ang mga batang narito ay tunay na lumaki sa isang panahon kung saan nakaranas sila ng abuso kahit pa man nagwakas na ang sigalot ng iba-ibang bansa.

Kung kinagiliwan mo ang larong Pou noon, may kaunting pagkakahawig sila ng My Child Lebensborn sa parte kung saan kailangan mo lang alagaan ang bata. Pinapaliguan, pakakainin, laruin ang mga ito, kwentuhan bago matulog, kausapin ng masinsinan ukol sa mga bagay-bagay na siyang magiging daan din upang maunawaan mo ang kwento nito, ang history at iba pa.

Features ng My Child Lebensborn

Klaus and Karin – Bago magsimula ang laro, ang manlalaro bilang isang foster parent ay malayang makakapili ng magiging gender ng kanyang aalagaan – si Klaus na lalaki o si Karin naman na babae. Kapwa sila Norwegian Lebensborn Children.

Dialogue options – Sa larong ito, hindi mo na kailangang mag-isip ng kung ano ang iyong sasabihin kung sakaling kausapin ka ng bata dahil mayroong dialogue option para dito na siyang magagamit mo bilang pangtugon. Bawat pipiliin mo sa mga ito ay palaging may kaakibat na epekto sa magiging reaksyon ng bata.

Task meter – Bilang isang magulang ng isang Norwegian Lebensborn child, trabaho mong pakainin, paliguan, at protektahan ito. Sa parteng ibaba ng laro, mayroon doong task meter na siyang magiging guide at pagpipilian kung anong dapat mong gawin sa bata. Naroon ang button kung papakainin na siya, paliliguan, o aaliwin.

Time icon – Sa parteng ito makikita ang pagpapalit ng araw at buwan. Sa tulong nito, malalaman mo kung gaano pa kahaba o kung kaunti na lang ang oras mo para gawin ang task mo para sa bata. Isa ito sa mahahalagang features ng laro dahil kung wala ito, maaapektuhan nito ang bata. 

My Child Lebensborn

My Child Lebensborn

Paano i-download ang ?

Gamitin ang sumusunod na links para sa pagda-download ng laro:

  • Download My Child Lebensborn on PC https://www.bluestacks.com/apps/simulation/my-child-lebensborn-lite-on-pc.html
  • Download My Child Lebensborn on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Sarepta.MyChildLebensborn&hl=en_US&gl=US
  • Download My Child Lebensborn on iOS https://apps.apple.com/us/app/my-child-lebensborn/id1298544927

Tips kung nais laruin ang My Child Lebensborn

Sa larong ito, ang player ay ipinakikilala bilang isang single parent at may limitado lamang na budget. Dahil dito, isang malaking pagsubok para sa iyo na pagkasyahin ang pera mo para tugunan ang pangangailangan ng in-adopt mong Lebensborn Child. Dahil pagkain ang pinaka-demanding na parte ng larong ito, isang mainam na paraan ang pumili ng pagkain kung saan makakatipid ka pero sapat naman para busugin ang bata. Hindi naman kailangan na laging nagtitipid. Kung may pagkakataon na nakakaluwag ay maaari mo rin namang bilhan ang bata ng ibang putahe ng pagkain na sa tingin mo’y magugustuhan 

Ang larong ito ay para bang tinuturuan kang i-manage hindi lang ang pera mo kundi pati na rin ang oras mo sa bata. Sa larong ito, mayroon ka lamang pitong choices na dapat gawin para matugunan ang pangangailangan ng bata bago sumapit ang gabi. Kaya naman, isang mainam na gawing gabay ang task meter upang malaman kung ano ang dapat maging priority o unahing gawin sa bata. Ganun pa man, parating isipin na mahalagang laging may oras para sa bata gaya ng pagbabasa dito ng kwento bago matulog.

Sa bawat pagpili sa dialogue option bilang tugon sa mga tanong ng bata nakasalalay ang magiging pananaw nito sa mundo. Sa larong ito, pinakilala ang bata na may trust issue na marahil ay dulot ng mga naging karanasan nito. Kaya mainam na pinag-iisipan muna ang mga aksyong gagawin para dito. Nasa kamay mo bilang isang foster parent ng isang Lebensborn child ang pagbibigay sa kanya ng pag-asa at kahit paano ay makita ang ganda ng buhay sa kabila ng pang-aabusong natamo niya mula sa ibang tao. 

Related Posts:

Starve: Pocket Edition Review

Pocket City Review

My Child Lebensborn

My Child Lebensborn

Pros at Cons ng larong My Child Lebensborn

Kakaiba ang My Child Lebensborn sa parte kung saan matapang nitong tinalakay ang sensitibong paksa gaya ng bunga ng mga maling gawa noong World War 2 tulad ng mga naging produkto ng Lebensborn program. Magandang estratehiya ang ginawa ng Serapta Studio na hapyawan ang tungkol sa Independence ng Norway mula sa Germany patungo sa kung paano sa iyo napunta ang batang produkto ng Lebensborn Program. Dahil dito, para bang naging isang daan din ito upang malaman ng mga manlalaro ang history at kung saan patungkol ang larong ito. Hindi ka lamang naglalaro dito kundi natututo rin.

Kung paano nakasalalay sa iyong mga ginagawang desisyon ang magiging pananaw sa buhay ng isang Lebensborn Child ay isa sa pinakamahirap ngunit pinakamagandang parte ng larong ito. Tinuturuan ka ng larong ito na maging isang magulang na walang ibang hangad kundi ang magkaroon ng magandang buhay ang iyong anak at ilayo sila sa mapang-abusong mundo. Sa iyo nakasalalay ang pagkakaroon ng maligayang kinabukasan ng bata. 

Maganda ang patutunguhan ng laro at kahit may bayad ito, hindi ka magdadalawang isip na bilhin ito para subukang laruin nang paulit-ulit. Ganunpaman, ang masasabing downside ng laro ay ang pagiging maikli nito. Marahil ay dahil naka-fix na ang bawat parte ng laro para sa mga revelation gaya ng pambubully sa bata sa paaralan at ang kwento tungkol sa tunay niyang mga magulang. Ang larong ito ay may hatid na tagos sa pusong pakiramdam kaya nakakapanghinayang na hindi gaanong mahaba ang larong ito. Marami ka pa sanang dapat abangan dito ngunit gaya ng paghahabol mo lagi ng oras sa mga task, tila ganoon lamang din kaikli ang oras sa larong to.

Konklusyon

Patunay ang My Child Lebensborn na walang naging mabuting dulot ang giyera sa mundo at hindi na dapat maulit pa sa hinaharap. Isa ang larong ito para maging daan na bigyang-pansin ang bawat karanasan ng mga naging produkto ng Lebensborn program. Dahil dito, masasabi nating mahalaga ang ganitong klaseng laro at pwede para sa lahat. Kaya kung nais mong malaman pa ang tungkol sa larong ito, i-download mo na ang My Child Lebensborn!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...