New Star Manager review

Ang soccer, na mas kilala rin sa sport na football, ang pinakasikat na sport sa buong mundo. Tinatayang mayroong limang bilyong football fans sa buong mundo. Pagdating sa mga mobile games, maraming laro tungkol sa football. Ang ilan sa mobile games na ito ay direkta kang naglalaro ng football sa isang football field gaya ng FIFA mula sa EA Sports. 

Sa kabilang banda, may mga laro naman na hindi mo kailangang maging kagaya ni Messi o Ronaldo. May mga laro kung saan isa kang manager ng isang football club at ang kailangan mong gawin ay panatilihing nasa ayos ang isang football club. Para sa laro natin ngayon sa Laro Reviews, tatalakayin natin ang larong New Star Manager at kung bakit sobrang critically-acclaimed nito. 

New Star Manager

Ang New Star Manager ay isang critically-acclaimed na sports game kung saan kailangan mong i-manage ang isang football club at siguraduhin ang tagumpay ng iyong team. Bukod sa pagiging manager, maaari mo ring kontrolin ang iyong buong team sa larong ito. Kailangan mo ring bumuo ng coaching staff at panatilihing nasa kondisyon ang iyong mga atleta. 

Isang award-winning game ang New Star Manager. Ayon sa The Guardian, kailangan mong i-download ang larong ito kung adik ka sa football. Samantala, ginawaran naman ng website na AppSpy ang New Star Manager bilang #1 na laro noong 2018. At para naman sa Pocket Gamer, ang New Star Manager ay isang magandang improvement mula sa New Star Soccer game series. 

Game features ng New Star Manager 

Sa ibang laro kung saan ikaw ay isang football manager, ang tanging gagawin mo ay i-manage ang iyong football team at umasa na mananalo sila sa isang simulation ng laro. Sa New Star Manager, maaari mong kontrolin ang iyong mga manlalaro at maglaro ng football. Makikita mo rin sa larong ito ang interface nitong hawig sa isang card-based strategy tuwing binubuo mo ang iyong team. 

Sa New Star Manager, may makikita ka ring mga elemento ng city building games. Sa larong ito, masasaksihan mo ang pagbabago ng inyong training grounds habang mas nakikilala ang iyong football team. Bukod sa training grounds, kailangan mo rin ng fitness center upang mapanatili ang kalusugan ng mga manlalaro sa inyong team. 

Hindi lang mga atleta ang kailangan mong alagaan sa New Star Manager. Maraming coaches at staff ang bumubuo sa isang football club at siguradong hindi ito magtatagumpay kung wala sila. Bukod pa rito, may opsyon din sa laro kung saan kailangan mong magsanay ng mga teenager na maaaring maging kasapi ng iyong football club balang-araw. Narito rin ang aspeto ng contract management at pakikipagnegosasyon sa mga manlalarong hindi ganun kaganda ang ugali. 

 Saan maaaring i-download ang New Star Manager?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download New Star Manager on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=uk.fiveaces.nsfc

Download New Star Manager on iOS https://apps.apple.com/us/app/new-star-manager/id1360417684

Download New Star Manager on Nintendo Switch https://www.nintendo.com/store/products/new-star-manager-switch/

Download New Star Manager on PC https://store.steampowered.com/app/883130/New_Star_Manager/

Download New Star Manager on PlayStation https://store.playstation.com/en-bh/product/EP3542-CUSA14301_00-NEWSTARMANAGERXY

Tips at Tricks para sa New Star Manager 

Ginawa ang New Star Manager upang isabuhay ang management ng isang football club. Bahagi ng management na ito ang morale at pangangailangan ng mga manlalaro. Bilang isang football manager, kailangan mong lutasin kung may problema ang mga manlalaro sa apat na bahagi; sa development, management, contract, at team form. 

Para sa development, kailangan mo lang mag-apply ng skill card. Para sa contract, kailangan mo ng negosasyon kung mas papalakihin ang sahod ng players o mas iiklian ang kanilang kontrata. Para sa team form, kailangan mo lang ayusin ang posisyon ng mga manlalaro sa bawat laro. Ang mahirap kontrolin dito ay ang management. 

Mas mahirap kontrolin ang management dahil kumbinasyon ito ng ibang factors na nabanggit at mga aksyon na iyong ginagawa sa tuwing may dilemma. Hangga’t maaari, dapat na gumawa ka ng mga desisyon na ikasisiyaya ng karamihan sa iyong mga manlalaro. Tingnan mo rin kung may contract negotiations sa pagitan mo at ng isang manlalaro. 

Kapag nasa kalagitnaan ka ng negosasyon ng isang kontrata, huwag mong ikansela ang kontrata ng iyong manlalaro dahil mas bababa ang morale ng ibang miyembro ng team. Samantala, ang tanging pagkakataon na gagawin mo ang contract renewal ay kung may contract issues ang isang manlalaro o kapag malapit nang mag-expire ang kanyang kontrata. 

Bukod sa players, kailangan mo rin ng coaches. Huwag kang panghihinaan ng loob kung mababa ang rating ng mga coaches mo sa umpisa. Maaari mo silang i-improve o mag-hire ka na lang ng bagong coaching staff kapag mas nakilala na ang iyong football club. 

Pros at Cons ng New Star Manager 

Pagdating sa graphics at sounds, maganda ang pagkakagawa sa New Star Manager. Hindi kamangha-mangha pero maganda pa rin kahit papaano. Tutal fictional naman ang mga manlalaro sa iyong team, wala kang aasahan na maging kamukha ng mga manlalaro. Maayos din ang pagkakagawa sa aesthetics na gustong ipadama ng laro sa mga maglalaro nito. 

Pagdating sa sounds, disente rin ang pagkakagawa rito. Sa sounds ng laro, mararamdaman mo talagang nasa isa kang football stadium. Magandang feature rin na maaari kang gumalaw sa stadium, training ground, at iba pang pasilidad. Pagdating naman sa gameplay, sobrang smooth ng New Star Manager. Halos lahat ng aspeto ng pagiging isang football manager ay nandito. 

Kung maglalaro ka ng New Star Manager at ayaw mo ng micro-transactions, mas maganda kung sa PlayStation ka maglalaro. Pero ang kagandahan sa larong ito, nakakalibang pa rin ito kahit saan mo ito laruin. Nagbibigay din ng throwback ang New Star Manager dahil kapag nilaro mo ito, mararamdaman mo na parang mga classic na management simulator ang nilalaro mo. 

Hindi sinusubukan ng New Star Manager na pagmukhaing ito ang pinakamagandang football manager dahil may ilang aspeto nito ang hindi gaanong pulido gaya ng graphics at controls sa mobile. Subalit, masasabi mong nakakaadik ang larong ito dahil ginawa ito para laruin at paglibangan, hindi para pagkakitaan. Sa panahon ngayon, madalang na ang mga larong gaya nito at ng Elden Ring. 

Konklusyon 

Well-deserved ang mga parangal na iginawad sa New Star Manager. Maaari mong sabihin na ito ang isa sa pinakamagandang football manager games dahil sa nakakaadik nitong gameplay. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...