Ocean Blast Review

Ang Ocean Blast ay isang offline na pop-matching puzzle game na binuo ng LinkDesks Classic Puzzle Games. Kailangan mong paputukin ang mga lobo sa pamamagitan ng pag-click at pagtutugma ng mga tile sa tabi nila! Mayroong maraming mga power-up na nakakalat sa buong board upang matulungan kang paputukin ang mga ito nang mas madali. Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga level, maaari kang makakuha ng mga koleksyon para sa iyong isda. Maaari ka ring makakuha ng isda sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito. Itugma lamang ang mga cube na may parehong kulay at pagsamahin ang mga booster upang mas mapalakas ang pagsabog. Simulan ang iyong pakikipagsapalaran ngayon at i-download ang laro ng masubukan na. Matuwa at sulitin ang kasiyahan sa kahanga-hangang larong ito!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay magpaputok ng mga lobo. Kakailanganin mong paputukin ang bawat lobo na nasa board para matapos ang level at makolekta ang iyong mga reward. Gayunpaman, mag-ingat dahil limitado lang ang bilang ng mga galaw mo. Kung nagamit mo na lahat ng galaw na mayroon ka, tapos na ang level para sa iyo. Maaari mo ring i-unlock ang mga power-up habang umuusad ka. Maaari mong bilhin at gamitin ang mga ito sa tuwing kailangan mo ng tulong. Marami pang layunin na dapat makamit, at madali kang magtatagumpay sa bawat pagsubok kung gagalingan mo sa paglalaro. Subukan ito at tingnan natin kung ano pa ang maaari mong gawin!

Paano ito laruin?

Minsan, ang laro ay maaaring hindi malinaw ang pagbibigay sa iyo ng mga tagubilin kung paano laruin at makamit ang iyong layunin. Ito ay maaaring medyo nakakalito para sa mga bagong manlalaro at maaaring mapahina ang kanilang sigla sa paglalaro. Sa seksyong ito, tutulungan ka ng Laro Reviews na maunawaan ang mga kontrol at feature pati na rin ang buong konsepto ng laro. Ang mga kontrol ng laro ay napakadali; i-click lamang ang magkakatugmang mga tile sa paligid nito at ito ay sasabog! Kita mo? Ang mga kontrol ay madali lamang.

Upang umusad sa susunod na level dapat mong paputukin ang mga lobo sa pamamagitan ng pagpapasabog ng mga tile na malapit sa kanila. Ikaw ay mananalo kung magagawa mong paputukin ang bawat isa sa kanila. Gayunpaman, maging maingat dahil mayroon ka lamang limitadong galaw at ang bawat galaw ay mahalaga! Huwag kang matakot; ang mga unang level ay simple at maaaring mo itong matapos sa ilang sandali lamang. Kailangan mo lang gumamit ng ilang mga diskarte upang maiwasan ang pag-aaksaya ng iyong mga galaw o tira. May mga gantimpala para sa pagkumpleto ng bawat level. Maaari mong gamitin ang iyong mga napanalunan upang palamutihan ang artipisyal na tirahan ng iyong isda o upang bumili ng mga item mula sa shop.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Ocean Blast sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Ocean Blast on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=linkdesks.oceanblast.fish.pop

Download Ocean Blast on PC https://www.gameloop.com/game/casual/linkdesks.oceanblast.fish.pop

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Ocean Blast

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Ocean Blast. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Ocean Blast!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Ocean Blast

Ang Laro Reviews ay gagawin ang lahat ng makakaya upang tulungan kang magtagumpay sa laro. Ituturo namin sa iyo ang mga taktika na ginamit ng iba para tulungan kang umusad nang mabilis at makakuha ng gantimpala. Ito ang mga tip at trick na maaari mong gamitin upang makakuha ng karanasan at makakuha ng mga bagong diskarte.

  1. Huwag kumilos nang basta-basta; sa halip, isaalang-alang ang mga galaw na gagawin mo. May pakinabang ba sila? Tutulungan ka ba nila na maabot ang mga lobo? 
  2. Ang mga power up ay hindi dapat gamitin kaagad. Gamitin ang mga ito kapag ikaw ay desperado na, dahil sila ay nariyan lamang upang tumulong kapag kailangan mo ito. Gamitin lamang ang mga ito pagkatapos mong lubos na maunawaan kung ano ang kanilang ginagawa at kumpiyansa ka na matutulungan ka ng mga ito.
  3. Kapag nasa kalahati ka na ng iyong mga galaw, mag-strategize. Malamang na wala ka nang ekstrang galaw noon, at mahalaga ang bawat galaw.
  4. Magsaya at magpahinga. Ang pagre-relax at paglilibang ay maaaring makatulong sa iyong huminahon at sa wakas ay makagawa ng matalinong mga desisyon habang nag-e-enjoy pa rin sa laro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Ocean Blast

Ayon sa aming karanasan, habang naglalaro, gumagana ito nang maayos sa parehong mga low-end at high-end na device, na isang napakagandang bagay. Sa sandaling buksan mo ang app, ipapakita nito ang mga pangunahing feature, na maayos at madaling gamitin. Pagkatapos ng ilang pagsubok o laro, mauunawaan mo ang buong gameplay. Ito ay magtuturo o gagabay sa iyo sa buong laro, kaya huwag mag-alala kung hindi ka pamilyar sa mga feature at function nito. Ang lahat ay napakasimpleng maunawaan na ang mga tutorial ay hindi na kinakailangan pa. Ang lahat, kabilang ang mga bata at matatanda, ay maaaring sumubok sa pakikipagsapalaran sa mundo ng Ocean Blast. Talagang masisiyahan ka sa pangkalahatang konsepto at anumang nilalaman na maaari mong matuklasan dito.

Ang mga visual ay kahanga-hanga. Ang mga ito ay makulay at masigla, na maaaring humugot ng atensyon ng mga manlalaro. Ito ay talagang malinis at napaka-astig tingnan. Ipapakita nito sa iyo ang ilang uri ng isda na maaari mong makuha habang umuusad ka. Malamang na hahangaan mo ang kalikasan, lalo na ang karagatan. Hindi ito gaanong nakaka-engganyo, ngunit sapat na nakakatuwang panatilihing interesado ang lahat. Ito ay isang masayang libangan, lalo na para sa mga indibidwal na naghahanap ng pahinga. Maaaring laruin ang larong ito kahit saan, kabilang ang opisina, tahanan, at paaralan.

Bagama’t maayos ang takbo ng laro at may napakaraming kapana-panabik na feature na tatangkilikin at gagalugarin, mayroon pa rin itong puwang para sa pagsasaayos sa ilang aspeto. May mga problema kaugnay sa pag-optimize ng laro. Maliban dito, sasalubungin ka ng napakaraming advertisement. Maaari mo itong i-skip pero nakakainis pa rin. Maaari kang maabala habang naglalaro, na talagang ikakadismaya mo. Sa pangkalahatan, nakakaaliw pa rin ang paglalaro nito. Kung hindi ka nababahala sa mga isyu na ito ay maaari mo pa rin itong subukan. Ang mga ito ay kaya naman mapagtiisan, gayunpaman, kaya kailangan mo lamang pahabain ang iyong pasensya.

Konklusyon

Ang laro ay mahusay na may magandang konsepto pagdating sa visuals. Ang gameplay ay madali lamang bagaman hindi orihinal ang konsepto nito. Maliban dito, nakakaaliw at nakakarelax pa rin itong laruin. Asahan lamang ang mga advertisement na maaaring makasira ng iyong paglalaro. Kaya kung hindi ka nababahala sa mga ganitong problema ay maaari mo pa rin ito subukan upang sarili mong maranasan ang paglilibang sa paglalaro nito!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...