​​ONE PIECE TREASURE CRUISE Review

Isa ka ba sa mga masusugid na tagahanga ng sikat at classic na ONE PIECE? Maaari mo nang laruin ito gamit ang iyong mobile device! Kilalanin ang iba’t ibang mga ONE PIECE characters dito! Kung nais mo pang malaman ang tungkol sa laro, ipagpatuloy ang pagbabasa ng article na ito mula sa Laro Reviews.

Ang ONE PIECE TREASURE CRUISE ay ginawa ng Bandai Namco Entertainment Inc. Isa itong turn-based action role-playing game (RPG) na hango sa kilalang manga at anime series na ONE PIECE. Layunin ng manlalarong maging pirate king kaya para maisakatuparan ito, kailangang mag-recruit, magpataas ng level, at makipaglaban sa iba’t ibang mga kalaban. 

Ito ay mayroong simpleng one-touch controls kung saan ang battles nito ay isang tap-based system. Kaya importante sa pag-atake ang tamang timing para ilabas ang combos laban sa mga makakalaban. Hindi lang ito, ang ONE PIECE TREASURE CRUISE ay isa sa ONE PIECE games na pinakakilala at may pinakamaraming manlalaro!

Features ng ONE PIECE TREASURE CRUISE

Over 2,000 Characters – Napakaraming mga ONE PIECE characters ang makikita mo sa laro! Para maisakatuparan ang iyong pangarap na maging Pirate King, mag-recruit mula sa mahigit 2,000 na karakter dito. Ipagpatuloy ang pag-clear sa story battles para ma-unlock ang mga bagong karakter.

RPG – Matatagpuan sa laro ang role-playing game elements, tulad ng storyline, exploration at quests, mga karakter na may natatanging skills, combats, at iba pa. Sumabak sa adventure RPG kung saan kabilang dito ang paglalayag sa dagat at pakikipaglaban sa malakas na mga kalaban. Bukod pa rito, alamin ang kakaibang kwento ng mga tauhan sa ONE PIECE, kasama si Luffy at ang Straw Hat Pirates! Upang matagpuan ang hinahanap na ONE PIECE treasure, kailangan mong maglaro sa iba’t ibang story arc tulad ng Thriller Bark, Impel Down, at Dressrosa.

Gameplay – Ang laro ay mayroong turn-based battle tap timing system. Ipamalas ang iyong husay sa pagiging madiskarte at sa pagbuo ng epektibong estratehiya sa labanan. Saktuhan ang iyong timing sa pag-atake kasama ang crew upang mai-release ang makapangyarihang battle chain attacks! Maaari mo ring gamitan ng special attacks ang mga makakalaban para mas maging malaki ang matatanggap nilang damage.

Saan Pwedeng I-download ang One Piece Treasure Cruise?

Sa bahaging ito ng article ituturo ng Laro Reviews kung saan at paano i-download ang ONE PIECE TREASURE CRUISE. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, i-click ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos nito, pwede ka nang magsimula sa paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download One Piece Treasure Cruise on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.namcobandaigames.spmoja010E

Download One Piece Treasure Cruise on iOS https://apps.apple.com/us/app/one-piece-treasure-cruise/id943690848

Download One Piece Treasure Cruise on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/one-piece-treasure-cruise-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng ONE PIECE TREASURE CRUISE, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa https://www.bluestacks.com nila. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong Google Play account.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Napakahalaga ng timing sa laro dahil kahit kaunting delay lang sa pag-tap sa karakter ay makakasira na ng chain. Kapag pumili ka ng karakter na gagamitin para atakihin ang kalaban, magkakaroon ka ng ilang segundo para sundan ulit ito ng isa pang atake upang makagawa ng chain ng multiple attacks. Ang kailangan dito ay isakto ang pag-tap kapag ang mga salitang tulad ng “Bam” ay magkakadikit na sa gitna upang magawa mo ang isang Perfect attack. Kapag naman ang nasaktuhan mong medyo magkakalapit pa lang ang mga salita at papunta pa lang sa pinakagitna, gagawa naman ito sa Great attack.

Importante ring tandaan ang uri ng mga kalaban, kung saan nakikilala ang mga ito batay sa kanilang kulay. Ang Strength (STR) ay pula, ang Dexterity (DEX) ay berde, ang Quickness (QCK) ay violet, ang Psychics (PSY) ay asul, at ang Intelligence (INT) ay violet. Gamitin ang impormasyong ito sa pagpili ng gagamiting atake mula sa karakter na may mas malakas na type. Siguraduhing gawin ito sa lahat ng pagkakataon para magkaroon ka ng damage bonus. Ang STR ay mas malakas kumpara sa DEX, samantalang ang DEX ay mas malakas laban sa QCK, at ang QCK ay mas malakas kaysa sa STR. Pareho namang mahina laban sa isa’t isa ang PSY at INT. Makikita ang kalibre ng makakalaban batay sa kulay ng kanilang HP bar na nasa bandang itaas. Pero kung walang mas malakas na type sa available na opsyon, piliin mo ang karakter na tingin mo ay makakapantay sa lakas ng kalaban. Hangga’t maaari ay iwasan ang paggamit ng mas mababang type character sa iyong tira. 

Nag-iiba ang slot display sa kada tira, kung saan dapat abangan mo ang kumikinang na slot display. Kapag nasaktuhan na ito ay kapareho ng type ng karakter, siguraduhing i-tap ang karakter na iyon para pataasin nito ang magiging attack damage. Bukod pa rito, pinakamainam ang paggawa ng chain ng Perfect attacks dahil mas malaki ang damage na nagagawa nito sa kalaban. Gayunpaman, mas mahirap ito kumpara sa paggawa ng Great attacks chain. Tantyahin din kung alin ang mas kaya mong gawin sa dalawa dahil maganda nga kung puro Perfect ang iyong attacks pero kung mas madalas mo naman itong nami-miss, mas mainam na makuntento ka na lang sa Great attacks. 

Para mag-level up ang iyong Pirate, kailangang tumaas ang kanyang EXP. Ito ay mahalaga sapagkat ang Pirate na may mataas na level ay nakapagbibigay ng mas maraming stamina at costs. Importante ang stamina dahil nagsisilbi itong energy mo para makapaglaro sa battles. Dagdag pa rito, mahalaga ang gamit ng Rainbow gems dahil magagamit mo ito sa pagre-recruit ng rare, ultra rare, o super rare character sa iyong team. Kailangan mo ng limang Rainbow gems upang makapag-recruit. 

Pros at Cons ng ONE PIECE TREASURE CRUISE

Ang 2D graphics ng laro ay kuhang-kuha ang kabuuang itsura at kapaligiran ng ONE PIECE anime. Nakakatuwa ring makita ang animations habang nakikipaglaban. Masaya ang gameplay nito kaya maraming manlalaro ang nagsasabing nakakaadik itong laruin. Nakakadagdag-interes din sa paglalaro ang napakaraming ONE PIECE characters na maaaring kolektahin. Magugustuhan din ng mga manlalaro ang story sa laro, lalo na sa mga taong pamilyar at nakaka-relate sa kwento. Kaya hindi nakakapagtakang ikinokonsidera ito bilang isa sa pinakamagandang ONE PIECE game. Wala ring ads na bilang sumusulpot sa screen kaya hindi ito sagabal sa paglalaro.

Kung isasaalang-alang ang dami ng impormasyon na dapat malaman tungkol sa laro, maaaring ma-overwhelm ang mga baguhang manlalaro rito. Pero kapag nasanay na sa kalakaran ng laro, magiging madali na ito para sa iyo at mas ma-eenjoy mo na ang paglalaro. Nakakaranas din ang mga manlalaro ng bugs kung saan madalas na lumalabas ang network error sa screen kahit na wala namang problema sa internet connectivity. Pero malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng magandang phone at internet connection para lubusang ma-enjoy ang smooth na paglalaro nito. Gayundin, maraming ring pagkakataon kung saan hindi gumagana ang app at hindi ito mabuksan. 

Konklusyon

Napakasikat ng palabas na ONE PIECE kaya tiyak na marami ang magiging pamilyar sa larong ito. Tiyak ding magugustuhan ito ng mga manlalarong mahilig sa ONE PIECE. Masusubaybayan ng manlalaro ang kwento ni Luffy simula pagkabata noong nangangarap pa lamang siyang maging Pirate. Habang tumatagal ang paglalaro, nadadagdagan din ang pagiging challenging nito kaya mahalaga rito ang pag-upgrade at paggamit ng makapangyarihang kumbinasyon ng mga karakter. Samahan si Luffy at ang kanyang Pirate Crew sa pagtupad ng iyong layunin. Huwag kalilimutang gamitin ang tips at tricks na ibinahagi ng Laro Reviews para matulungan ka sa paglalaro!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...