ONE PUNCH MAN: The Strongest Review

ONE PUNCH MAN: The Strongest – Kung mahilig kang manood ng anime, marahil ay kilala mo ang kalbong superhero na si Saitama o mas kilala sa pangalang One Punch Man. May kakaibang lakas si Saitama dahil kaya niyang pumaslang ng mga halimaw gamit lang ang isang suntok. Ayon sa anime, nakuha niya ang kapangyarihang ito dahil sa workout routine niyang tig-100 na push ups, sit ups at squats, at pagtakbo ng sampung kilometro araw-araw. 

Dahil sobrang sikat ng anime na ito sa buong mundo, mayroon na rin itong mobile game na pwede mong laruin! Ang ONE PUNCH MAN: The Strongest ay isang turn-based RPG game kung saan kinakailangan ng Heroes Association na tulungan ang siyudad mula sa mga halimaw na umaatake rito. Kasama si Saitama, kailangan mong mapuksa ang mga halimaw na ito at mailigtas ang mga mamamayang kailangan ng tulong. 

Maraming anime mobile games ngayon ang rip-offs lang ng orihinal na anime na ginagaya nila. Ang ilan sa mga larong ito ay may license lang upang gamitin ang mga karakter at pangalan ng palabas. Samantala, hindi lang karakter at pangalan ang kinuha ng ONE PUNCH MAN: The Strongest. Pati istorya sa anime ay hawig rin sa storyline ng larong ito. 

ONE PUNCH MAN: The Strongest - Laro Reviews

ONE PUNCH MAN: The Strongest – Laro Reviews

Game Features 

Mula kay Saitama, Genos, at iba pang hero sa Heroes Association, maaari kang gumamit ng mga hero na nakikita mo sa One Punch Man anime kapag naglaro ka na ng ONE PUNCH MAN: The Strongest. Hindi lang sa karakter, pati mga kontrabida ng sikat na anime series ay makakalaban mo sa larong ito. At dahil licensed ang ONE PUNCH MAN: The Strongest, wala kang makikitang pagbabago sa kanila. 

Isa pang feature ng ONE PUNCH MAN: The Strongest ay ang sounds na ginamit dito. Sa larong ito, maririnig mo ang orihinal na voice acting ng mga karakter sa One Punch Man. Hindi lang ito, maririnig mo rin ang opening theme song nitong The Hero ng JAM Project. Dahil sa mga tunong na ito, mas mararamdaman mong ikaw mismo ang nasa anime na One Punch Man. 

Pagdating sa mga karakter, makikita mo rin sa ONE PUNCH MAN: The Strongest ang tier system na ginagamit sa mga hero ng Heroes Association. Bukod sa tier list, may mga character class din ang mga hero sa ONE PUNCH MAN: The Strongest. Hindi ito nakalinya sa anime kundi sa elemento ng gaming. Halimbawa, may mga hero at halimaw sa larong ito na Duelist, Grappler, Escape, at Hi-Tech. 

Pagdating sa gameplay, maaari kang makilahok sa mga real-time multiplayer modes ng Exploration & Perfection, Solo Play & Club, Hero X Monster, Peak Arena, Unnatural Disaster, Conqueror’s Challenge, Talent Perfection, at marami pang iba! Madarama mo ang excitement ng one-punch kills para sa lightning-fast stage clearing sa Saitama Battle Mode na available sa ibang stages. 

Sa ONE PUNCH MAN: The Strongest, maaari kang lumikha ng iyong sariling “Association” sa pamamagitan ng pag-deploy ng iba’t ibang Heroes at Monsters. Bawat isa sa kanila ay may sariling personalidad at kapangyarihan. Para sa mga Arena at Tournament, kailangan mong lumikha ng malalakas na line-up at i-activate ang pinakamalakas na Core. Ang Martial Dojos at Endless Battle Zones ay magandang lugar para subukan ang iyong lakas.

ONE PUNCH MAN: The Strongest - Laro Reviews

ONE PUNCH MAN: The Strongest – Laro Reviews

Saan Maaaring I-download ang ONE PUNCH MAN: The Strongest?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download ONE PUNCH MAN: The Strongest on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.onepunchman.ggplay.sea

Download ONE PUNCH MAN: The Strongest on iOS https://apps.apple.com/ph/app/one-punch-man-the-strongest/id1491275510

Tips at Tricks para sa ONE PUNCH MAN

Ang pagpapataas ng level ni Genos ang pinakakaraniwang maling ginagawa ng mga baguhang manlalaro. Bagama’t mukhang astig si Genos sa anime, hindi siya ganun kagandang gamitin sa larong ito. Evolution at skills lang ang ibig kong sabihin kapag sinabi kong huwag mo siyang i-level. Maaari mong limitahan siya sa 4 o 5 stars para sa figure kung gusto mo. Maghintay para sa SSR Genos kung gusto mo talaga ng mas malakas na bersyon ni Genos. 

Related Posts:

Praia Bingo: Slot & Casino

Laplace M Review

 

Bukod dito, may mga task at quest kang kailangang gawin sa ONE PUNCH MAN: The Strongest araw-araw. Ang una mong kailangang gawin dito ay ang daily quests, boss challenge, at awakening trials. Pero kung gusto mo talagang lumakas ang iyong pwersa, dapat magkaroon ka ng isang solidong line-up dahil sinusunod ng laro ang tradisyonal na turn-based format na makikita mo sa larong Final Fantasy III. 

Pros at Cons ng ONE PUNCH MAN: The Strongest

Habang ang gameplay ay kasiya-siya, kami sa Laro Reviews ay hindi nasiyahan dahil ang iba’t ibang aspeto ng labanan ay naharang kaagad. Ang mga bagay tulad ng pagpapabilis ng animation at auto-battle mode, halimbawa, ay locked at magagawa mo lang ito kapag narating mo ang isang isang partikular na level. 

ONE PUNCH MAN: The Strongest - Laro Reviews

ONE PUNCH MAN: The Strongest – Laro Reviews

Nariyan din ang problema na ang pagtingin sa mga animation ng Ultimate Moves sa lahat ng oras ay maaaring maging monotonous dahil ang mga ito ay karaniwang mga clip lamang mula sa anime. Ang magandang bahagi nito para sa amin sa Laro Reviews ay may tamang pagsubok ang larong ito. Hindi ka kaagad makakapagpataas ng level. 

Magandang feature rin na maaari ka ring magkaroon ng anim na heroes sa iyong line-up. Kapag ipinares sa isa pang character, maraming mga character ang maaaring makatanggap ng mga espesyal na bonus na nagpapataas ng kanilang mga stats at nagbibigay ng iba pang mga kapaki-pakinabang na epekto. Kung pamilyar ka sa anime, malalaman mo kung aling mga hero ang maaaring mag-activate ng mga bonus na ito. 

Syempre, pinakamagandang puntos para sa amin dito sa Laro Reviews na malaro mo lahat ng paborito mong karakter sa One Punch Man. At masasabi mong hindi lang pangalan ng One Punch Man ang nagdala sa laro dahil solid din ang gameplay nito. 

Konklusyon 

Ang mga fans ng One Punch Man ay mabibighani sa magandang presentasyon ng One Punch Man: The Strongest dahil sa pamilyar na soundtrack at paglikha ng sarili nilang liga ng mga hero o monsters. Ang gameplay ay sapat na nakakaengganyo upang umangkop sa mga inaasahan ng mga mahilig sa mobile RPG. Gayundin, maraming hamon at mga mode ng laro ang ia-unlock, pati na rin ang sapat na mga premyo para sa mga free-to-play na mga manlalarong tinitiyak na ito ay hindi ganap na isang pay-to-win na laro .

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...