Praia Bingo: Slot & Casino Review

Praia Bingo: Slot & Casino – Ang bingo ay isang popular na laro sa Pilipinas. Mapa-mayaman o mahirap, makakakita ka ng sosyal na bingo halls o isang compound sa barangay kung saan naglalaro ng bingo ang mga tao. Ang larong bingo ay isang laro na swerte ang iyong inaasahan dahil kailangan mong mag-match ng sa numero at letra na sinasabi ng host. Random ang card na mabibigay sa’yo kapag naglaro ka ng bingo kaya talagang sa game of luck ang larong ito. 

Sa bingo, magsasabi ng isang letra at numero ang host. Halimbawa, sinabi ng host na “sa letrang B, 10,” kailangan mo ngayong matatakan ang numerong 10 sa letrang B kung mayroon nito ang card mo. Ang layunin mo sa bingo ay makabuo ng isang diretsong linya mula sa mga natatakan mong numero. Ang linyang ito ay dapat na sumasakop sa mga letrang B-I-N-G-O. 

Oras na makabuo, sisigaw ka ng BINGO at iche-check ito ng mga opisyal bago magsimula ang isang bagong round. Sa ngayon, nagbabalik na ang ilang bingo halls pero syempre, maaari ka na ring maglaro ng bingo online kung gusto mong maging ligtas sa COVID. Marami nang apps kung saan maaari kang maglaro ng bingo at isa sa mga ito ang app. 

Praia Bingo: Slot & Casino - Laro Reviews

Praia Bingo: Slot & Casino – Laro Reviews

Praia Bingo: Slot & Casino

Ang Praia Praia Bingo: Slot & Casino ay osang online bingo mobile app na ginawa ng Brazilian game developer na Pipa Games. Bukod sa bingo, maaari ka ring maglaro ng slots at iba pang casino games. Sa kasalukuyan, may 5 million downloads ang Praia Bingo sa Google Play at sa katunayan, ito ang #2 sa top-grossing board games sa Google Play Store. 

Game Features 

Pagdating sa bingo rooms at machines, hindi ka mayroong 95-ball at 75-ball bingo machines ang Praia Bingo. Pagdating naman sa mga rooms, may manual at automatic daubing rooms ang larong ito. Isa rin sa mga bentahe ng laro ang pagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng mga bagong kaibigan at maglaro dito. 

Sa Praia Bingo, maaari kang lumikha ng isang team at lumahok sa mga marathons ng laro. May mga promos din dito kung gusto mong manalo ng mas maraming chips. Gaya ng ibang laro, may daily missions rin ang app at madalas sa mga ito ay ayon sa tema ng laro na dumedepende sa season. 

May tournaments din ang Praia Bingo na pwede mong salihan upang mapatunayan ang tunay na galing mo sa bingo, slots, at iba pa. Kung gusto mo namang maging VIP sa Praia Bingo, marami kang makukuhang exclusive benefits. Ang ilan sa mga perks na ito ay mas malalaking jackpot prices at exclusive access sa mga VIP rooms.

Marahil, ang pinakamalaking advantage ng Praia Bingo: Slot & Casino ay ang bingo rooms nito. Maraming styles at graphics ang rooms nito at mararamdaman mo talagang nasa ibang lugar ka kapag naglalaro ng bingo. Ang ilan sa rooms na ito ay Florida Keys, Malibu, Monaco, Ubatuba, Cancun, at iba pang magagandang destinasyon. 

Makikita mo sa mga rooms na ito ang iba’t ibang tema ng mga kultura sa mundo. 

Praia Bingo: Slot & Casino - Laro Reviews

Praia Bingo: Slot & Casino – Laro Reviews

Saan Maaaring I-download ang Praia Bingo: Slot & Casino?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.

Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.pipastudios.release.praiabingo

Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/praia-bingo-bingo-games/id722428252?platform=iphone

Download on Amazon https://www.amazon.com/gp/product/B01BX24FHW

Download on AppGallery https://appgallery.huawei.com/#/app/C102861665

Tips at Tricks para sa Praia Bingo: Slot & Casino

Bago mo i-install ang Praia Bingo: Slot & Casino, kailangan mong malaman na hindi ka talaga mananalo ng totoong pera sa larong ito. Hindi mo rin dapat gamiting training ground ang app kung nais mong manalo ng malaking pera oras na maglaro ka ng totoong bingo. Ang larong ito ay para sa mga taong gusto lang mag-enjoy ng bingo. 

Ang pinakamagandang paraan upang makapaglaro ka nang mas mahaba sa Praia Bingo ay ang madalas na paggawa ng daily tasks. Sa daily tasks, mas mabibigyan ka ng mga chips na maaari mong ipantaya sa laro. Mainam rin kung hahanap ka ng room na mababa lang ang chips na nais ipusta kung wala ka na nito. 

Related Posts:

Laplace M Review

Brain Story: Tricky Puzzle Review

Pros and Cons ng Praia Bingo: Slot & Casino

Ang pinakamagandang katangian ng Praia Bingo: Slot & Casino ay ang graphics nito na makikita mong ginawa ng maigi. Sa mga games na available sa larong ito, ang personal kong paborito ay ang Cancun na pinaghalong slots at bingo. Kung may isang bagay na sigurado, iyon ang hindi ka mauubusan ng bingo games na pwedeng laruin dito sa app na ito. 

Praia Bingo: Slot & Casino - Laro Reviews

Praia Bingo: Slot & Casino – Laro Reviews

Isang magandang katangian rin ng larong ito ang mga chat rooms. Sa ibang casino games, wala kang makikitang chat rooms o kung mayroon man, hindi kasing-pulido ng Praia Bingo: Slot & Casino. Syempre, magandang bagay rin na matututo kang maglaro ng bingo sa app na ito. Hindi man ito lehitimong casino app na nagbibigay ng pera, maganda itong panimula upang matutunan ang rules ng bingo, slots, at iba pang casino games. 

Galante rin ang app pagdating sa mga papremyo. Mula sa premyo sa daily tasks hanggang as jackpot, hihilingin mo na sana totoong pera na lang ang iyong mga napanalunan. At kung pag-uusapan ang pera, okay lang naman na hindi ka maaaring manalo ng salapi sa Praia Bingo. 

Hindi naman lahat ng casino games, kailangang may kalakip na presyo. Naaalala ko noong bata pa ako, sobrang masayang laruin ang Zynga Poker kahit na wala namang totoong premyo. Kung iisipin mo, pwedeng maging alternatibo ang larong ito para sa mga taong ayaw nang mawalan ng pera dahil sa pagsusugal online. 

Konklusyon 

Maganda ang pagkakagawa sa Praia Bingo: Slot & Casino at kung naghahanap ka ng laro kung saan ka pwedeng mag-bingo, ito ang isa sa pinakamagandang app na malalaro mo. Sa sobrang dami ng rooms nito, hindi ka mauubusan ng saya. May iba rin itong casino games kung sakaling sawa ka na sa maghapong paglalaro ng bingo. Kung maglalaro ka ng Slot & Casino, siguraduhin mong ikaw ay nasa tamang edad na.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...