OPG: Treasure Island Review

Maligayang pagdating sa OPG: Treasure Island, isang turn-based na laro kung saan lalaban ka kasama ng iyong crewmates, makikipagsapalaran sa paglalakbay sa isla upang maghanap ng mga kayamanan, at hahamunin ang nakakatakot na mga piratang naglalayag sa malawak na dagat! Manalo sa bawat laban upang makakakuha ka ng napakaraming rewards at magkakaroon ka ng pagkakataong palakasin ang iyong koponan! Inihahatid sa iyo ng Laro Reviews ang nakakaintrigang digmaan ng mga piratang makakatulong sa iyong mag-relax at mapawi ang stress!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay karaniwang kompletuhin ang lahat ng mga level sa bawat isla. Mayroong dalawang mapa sa laro: Normal at Elite. Pagkatapos makompleto ang isang level sa Normal mode, maa-access mo ang kaukulang Elite level din nito. Sa Normal mode, ang karamihan ng mga gantimpala ay Equipment Books samantalang sa Elite Stage naman ay mga item na maaari mong makuha at mga equipment-combining materials, hero souls, at warship pieces. Ang laro ay nag-aalok din ng mga misyon at mga achievement na maaari mong gawin at tapusin upang makakuha ng karagdagang gantimpala tulad ng Belly (pera sa laro), diamonds, stamina, o iba pang mga gantimpala.

OPG: Treasure Island - Laro Reviews

OPG: Treasure Island – Laro Reviews

Paano Ito Laruin?

Ipagpatuloy ang pagbabasa sa seksyong ito upang makakuha ng ideya sa mekaniks ng laro. Ang Laro Reviews ay gumawa ng previews sa kung ano ang nilalaman ng laro at maaari mong matuklasan ang mga ito rito. Sa katunayan, ang laro ay talagang madali at simple lamang. Sa pagbubukas mo ng app, dadalhin ka nito agad sa isang tutorial na magtuturo sa iyo sa mga pangunahing konsepto at agad kang dadalhin sa labanan. Ang mga unang yugto ay madali at ang mga kalaban ay mahihina pa lamang.

Maaari kang pumili ng anumang server na nais mong pasukan mula sa app na ito. Mayroon kang limang slots na dapat punan: front, center, back, at warship. Gayunpaman, magkakaroon ka lamang ng tatlong mandirigma sa simula. Maaari kang mag-recruit ng isang crewmate sa pamamagitan ng paggamit ng diamonds o belly. Ang bawat karakter ay may natatanging kapangyarihan, at kung pamilyar ka sa serye ng anime na ONE PIECE, mapapansin mong ang lahat ng mga karakter dito, kabilang ang kanilang mga hitsura at hanay ng mga kasanayan, ay nakabase sa palabas na iyon.

Ang mga icon ng mga karakter ay makikita sa ibaba ng iyong screen. Ang bawat icon ay may Pula at Asul na Bar. Ang pulang bar ay kumakatawan sa kanilang HP o life bar, habang ang asul na bar ay kumakatawan sa kanilang mga mana skill para magamit ang special skills. Maaari mo lamang ilabas ang kanilang special skills kapag puno na ang asul na bar. Pagkatapos nito ay mare-reset ito sa zero at muling magre-recharge sa labanan. Nagbibigay din ang administrator ng laro ng mga gift voucher na maaaring gamitin para makakuha ng mga karagdagang reward. Maaari mo ring i-upgrade ang iyong koponan at kumuha ng mga bagong skills nito.

Paano I-download ang Laro?

OPG: Treasure Island - Laro Reviews

OPG: Treasure Island – Laro Reviews

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang OPG: Treasure Island sa Android devices ay dapat Android 4.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 110 MB at 213 MB naman para sa iOS. Ito ay wala pang bersyon para sa mga PC users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download OPG: Treasure Island on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=kh.gamo.opg

Download OPG: Treasure Island on iOS https://apps.apple.com/ph/app/opg-treasure-island/id1575842949

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong OPG: Treasure Island

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong OPG: Treasure Island pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng OPG: Treasure Island!

OPG: Treasure Island – Tips at Tricks sa Paglalaro 

Ang larong ito ay madali lamang matutunan at makabisado. Ang lahat ng mga elemento sa larong ito ay simple at kahit na ang mga bagong manlalaro ay makakasabay sa momentum ng laro. Ang susi para manalo rito ay i-upgrade ang mga skill ng iyong mga kasamahan o crewmates. Kung makakakuha sila ng mga bagong makapangyarihang kasanayan, magkakaroon ka ng kalamangan sa laro. Maaaring ito ay simple at madali sa simula, ngunit ang pag-clear ng mga level at pagtalo sa boss ay nagiging mas mahirap habang ikaw ay umuusad sa laro. Huwag kalimutang i-claim ang iyong mga reward. Ang pagkumpleto ng mga misyon ang magbibigay sa iyo ng karagdagang mga gantimpala. Dapat mo ring isipin kung anong karakter ang iyong gagamitin para makabuo ka ng isang malakas na alyansa laban sa nakakatakot na grupo ng mga pirata.

Related Posts:

Dark Nemesis: Infinite Quest Review

Last Day on Earth: Survival Review

OPG: Treasure Island - Laro Reviews

OPG: Treasure Island – Laro Reviews

Pros at Cons sa Paglalaro ng OPG: Treasure Island

Dahil sa nakaka-relax at nakapapawi ng pagod nitong gameplay at mga simpleng panuntunan, ang larong OPG: Treasure Island ay nakakuha ng maraming magagandang komento at mga positibong feedback. Ang laro ay batay sa kilalang anime series na ONE PIECE, at kung pamilyar ka sa serye, magiging pamilyar ka sa mga karakter at kanilang mga skill. Naglalaman lamang ito ng dalawang mapa: Normal at Elite. Ang karamihan sa mga reward sa Normal Stage ay Equipment Books, samantalang, sa Elite Stage, karamihan sa mga item ay equipment-combining materials, hero souls, at warship pieces.

Mayroong speed-up button na maaaring gamitin upang pabilisin ang tempo ng labanan, pati na rin ang auto-battle button na kusang gagamitin ang mga skill sa mga kalaban. Sa ganitong paraan ay maaari kang maglaan ng ilang sandali upang makapagpahinga habang ang iyong mga crewmate ay nakikipaglaban sa mga pirata. Isang magandang bagay na ang laro ay nagbibigay sa iyo ng preview ng mga kalaban at boss na haharapin mo sa level na iyon, pati na rin kung anong mga reward o items ang matatanggap mo kung matagumpay mong makukompleto ito. Maaari mo ring baguhin ang miyembro ng iyong koponan para sa laban kung kinakailangan.

Sa kabila ng pagtanggap ng maraming magagandang komento, ang laro ay hindi pa rin perpekto. Ang ilang mga manlalaro ay nag-uulat ng mga isyu kapag nilalaro ito. Higit pa rito, kung iyong mapapansin, ang gameplay ay sobrang dali at simple lamang. Maaaring isaalang-alang ng mga developer ang mga paggawa ng updates at higit na gawing kapanapanabik ang mga eksena sa laro. Mas magiging kasiya-siya kung mayroon silang matitinding aksyong magpapasigla sa interes o mood ng mga manlalaro.

Konklusyon

Ang larong OPG: Treasure Island ay nakakahumaling at nakakaaliw laruin. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ilang updates at magiging mas kahanga-hanga kung magdaragdag sila ng mga matitinding aksyon o features sa laro. Naglalaman din ito ng mga nakamamanghang visual at audio effects na lahat ay nakabatay sa serye ng anime na ONE PIECE. Ito ay magiging isang napakahusay at nakakatuwang laro para sa mga tagahanga ng anime!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...