Papa’s Freezeria To Go Review

Ang Papa’s Freezeria To Go ay isa sa mga laro ng Papa’s Series na ginawa ng Flipline Studio. Ang Papa’s Series ay tungkol sa pamamahala ng isang prangkisa sa industriya ng pagkain. Kasama sa serye ang pizza stand, hotdog shop, pancake shop, taco stand, chicken wing stand at marami pang iba. Ang Papa’s series ay nakakuha ng tuluy-tuloy na pag-apruba mula sa mga gumagamit nito. Kaya naman, nilikha rin ng Papa’s Freezeria To Go! Ang layunin ng laro ay maghatid ng mga katakam-takam na dessert tulad ng Freezer sundaes sa mga maselang customer.  Ang laro ay maaaring i-download gamit ang sumusunod:

  • Download Papa’s Freezeria To Go on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=air.com.flipline.papasfreezeriatogo
  • Download Papa’s Freezeria To Go on iOS https://apps.apple.com/us/app/papas-freezeria-to-go/id824305459
Papa's Freezeria To Go

Papa’s Freezeria To Go

Ang kabuuan ng Papa’s Freezeria To Go!

Magsisimula ang laro pagkatapos mamili ng iyong karakter bilang si Alberto o Penny. Pagkatapos piliin ang iyong karakter, sasailalim ka sa isang maikling tutorial habang ginagawa ang iyong unang sundae para sa pinakaunang customer. Ililibot ka ng tutorial na ito sa apat na mahahalagang istasyon ng laro, na inilarawan bilang sumusunod:

Order Station: Isusulat mo ang order ng customer sa istasyong ito. Maaari mong i-tap ang mga button na matatagpuan sa itaas na sulok ng screen upang madaling lumipat sa mga Order Ticket. Maaari mo ring i-zoom in ang lahat ng Order Ticket habang tina-tap mo ang mga ito nang paisa-isa.

Build Station: Ang Build Station ay lugar kung saan mo pupunuin ang napiling laki ng cup ng iyong customer. Ang paglalagay ng lahat ng kinakailangang sangkap upang lumikha ng mga order ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Kailangan mong pindutin sa laro ang Pour button habang ang Bonus Meter ay tumatakbo ng pataas at pababa sa tasa. Makakakuha ka ng mga tip kapag nakapagbuhos ka nang perpekto at napahinto mo ito sa tamang sukat na ipinapakita ng berdeng seksyon.

Mix Station: Ang Mix Station ay kung saan mo pinaghahalo ang lahat ng kinakailangang sangkap. Maaari kang bumili ng mga upgrade tulad ng Blend Alarm at ilagay ito sa mga blender sa istasyong ito. Mayroon ding mga booster button na madaling pindutin para sabay na palakasin ang mga blender.

Top Station: Sa istasyong ito ginagawa ang pagdadagdag ng mga toppings na gusto ng iyong customer. Maraming toppings ang mapagpipilian. Upang magawa ito, mag-swipe lang mula kaliwa pakanan sa mga topping na matatagpuan sa Topping Bins. Pagkatapos ay simulan ang pagbuhos nang pantay-pantay sa lalagyan ng sundae.

Maaari kang lumipat sa mga istasyon sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa mga button na matatagpuan sa sulok ng interface ng laro. Okay lang kung ang iyong unang sundae ay magmukhang palpak. Pagkatapos makumpleto ito ay ire-rate ng iyong unang customer sa tutorial ang iyong nagawa. Kung siya ay nasiyahan ay makakatanggap ka ng isang mataas na rating at isang malaking tip. Maganda ang mataas na rating mula sa mga customer dahil paulit-ulit na bibisitahin ng mga ito ang iyong shop.

Papa's Freezeria To Go

Papa’s Freezeria To Go

Tips at trick sa paglalaro ng Papa’s Freezeria To Go!

Pagkatapos mong makuha ang comment mula sa iyong pinakaunang customer, ang iyong dating nakakarelaks na trabaho mo sa tabing-dagat ay magiging medyo nakakabagabag na ngayon habang dumagsa ang mga customer sa Papa’s Freezeria. Ang mga customer na nakarinig ng bago mong produkto ay magmamadaling pumunta sa iyong shop para lang maranasan ang katakam-takam na freezer sundae na ginagawa mo! Upang mapanatili ang matataas na rating mula sa customers, narito ang ilan sa mga tip at trick habang naglalaro:

  • Matutong mag-multitask.

Ang mga time-management na laro tulad ng Papa’s series ay nangangailangan ng multitasking skills. Habang nagpapatuloy ka sa laro, dumarami ang mga customer kaya kailangan mong magawa ang ilang bagay ng sabay-sabay. Ngunit bago iyon, kailangan mong matutunan ang mga oras ng cycle ng proseso ng bawat isa sa mga istasyon sa laro. Ang paggawa nito ay makakatulong sa iyong mapagtanto kung ano ang maaari mong gawin nang sabay-sabay.

  • Palaging bigyang-kasiyahan ang iyong mga customer.

Ang pagbibigay-kasiyahan sa iyong mga customer sa pamamagitan ng mabilis at magandang serbisyo ay makapagbibigay sa iyo ng malaking tip. Bilang karagdagan, makakakuha ka rin ng mas mataas na rating. Ang mas mataas na rating ay makakapagbibigay sa iyo ng isang libreng ad upang hikayatin ang higit pang mga customer. Ang mas maraming customer ay nangangahulugan ng mas maraming pera para makapag-upgrade ng kagamitan at palamutihan ang iyong tindahan. Mas maraming customer ang magbibigay-daan sa iyong mabilis na pagle-level up. Maaari kang mag-unlock ng mga bagong sangkap kapag naabot mo ang ilang partikular na antas.

  • Maging mabilis at malinis.

Gustung-gusto ng mga customer ang mabilis na serbisyo habang hindi pinababayaan ang kalidad ng mga sundae. Ang pag-boost ng mga blender ay magiging kabawasan sa oras ng paghihintay ng iyong mga customer. Ngunit mag-ingat sa pagbo-boost dahil ang mga blender ay maaaring masira kung sila ay nasa red zone na. Gayundin, ang pagtyempo ng tamang oras upang pindutin ang Pour button ay maaaring magtagal ngunit ang pagbibigay ng priyoridad sa kalidad ay magbibigay sa iyo ng mga malaking tip at mataas na rating. Ang pagkabigong gawin ito ay magdudulot ng mababang marka at masamang reputasyon. Samakatuwid, ang paggawa nang marahan ngunit tiyak ay mas mabuti. Maaari mo ring gamitin ang feature na Auto Ice Cream upang makontrol ang perpektong timing ng pagbuhos.

Related Posts:

Peppa Pig: Party Time Review

Top War: Battle Game Review

Dapat mo bang laruin ang Papa’s Freezeria To Go?

Ang Papa’s Freezeria To Go ay isang magandang time management mobile game na mairerekomenda para sa mga naghahanap ng ganitong uri ng laro. Tulad ng iba pang mga laro sa Papa’s Series, ang visual graphics nito ay may magandang kalidad. Magaling din ang artwork ng mga karakter. Maaaring nakaka-stress minsan ang ugali ng mga customer ngunit masasanay ka rin sa kanila sa pagbabad mo sa laro.

Maaaring hindi kakaiba ang gameplay nito dahil nagmula ito sa serye ng mga laro na may katulad na gameplay, ngunit kapansin-pansin naman ang mga bagong feature sa bawat  istasyon. Ang unang ilang antas ay maaaring masyadong simple at nakakainip lalo na para sa mga may karanasan nang manlalaro at para sa mga nakasubok na ng iba pang laro ni Papa. Gayunpaman, darating ang iba’t ibang hamon sa pagpapatuloy ng laro. Magiging hamon din ang pagpapanatili sa iyong mataas na rating kapag naabot mo ang ilang partikular na level.

Papa's Freezeria To Go

Papa’s Freezeria To Go

Ang mga kontrol ay napakadali ring gamitin dahil kailangan mo lamang mag-tap gamit ang iyong mga hinlalaki. Maaari kang lumipat sa mga istasyon sa pamamagitan ng pag-tap sa mga pindutan sa mga sulok ng interface. Idinisenyo ang mga kontrol na ito para sa maliliit na touch screen gadgets. Ang Order Tickets ay madaling masusuri sa pamamagitan ng pag-tap sa mga feature ng laro. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng maliit na screen ay hindi makakaapekto sa iyong karanasan sa paglalaro.

Panghuli, ang lahat ng istasyon sa Papa’s Freezeria To Go ay akmang-akma para sa mga gadget na may maliliit na screen. Ang mga developer ay matagumpay na nagawa ang kanilang trabaho sa aspetong ito. Kahit pa ang Pour button at Bonus meter ay idinisenyo upang maging eksakto sa sukat ng hinlalaki. Makikita mo ng malinaw at maayos ang nangyayari sa laro dahil hindi ito mahaharangan ng iyong mga daliri sa screen.

Konklusyon

Ang Papa’s Freezeria To Go ay isang nakakarelaks na time-management game. Ito ay may isang simpleng gameplay at maaari kang mainip sa simula ngunit nakakahumaling din ito habang ikaw ay nagpapatuloy sa pagpapataas ng iyong level. Ang pagkamalikhain ng mga visual ay isang magandang katangian ng larong ito. Ito ay magandang laruin sa iyong libreng oras. Lubos ko itong inirerekomenda para sa mga manlalaro na naghahanap ng mga malikhaing laro sa pagluluto at paghahanda. Tiyak na makapagbibigay ito sa iyo ng bagong karanasan sa paglalaro. At hindi lang ‘yan, maaari mong subukang lumikha ng iyong mga paboritong sundae sa totoong buhay sa pamamagitan ng pag-aaral sa proseso ng paggawa ng freezer sundae!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...