Lords Mobile: Tower Defense Review

Ang Lords Mobile: Tower Defense ay isang larong puno ng aksyon na Massively Multiplayer Online Real Time Strategy (MMORTS). Ang gameplay nito ay katulad ng sa Clash of Clans kung saan ang mga manlalaro sa buong mundo ay maaaring magsama-sama o atakihin ang isa’t isa habang gumagamit ng kumbinasyon ng medieval military tactics kasama ng mga kamangha-manghang kakayahan ng iyong hero. Ang layunin ng laro ay makamit ang pagiging isang karadapat-dapat na emperador sa pamamagitan ng pananatiling matatag sa laban at pag-atake ng mga kaaway habang pinapalakas ang sarili mong hukbo. Ang larong ito ay binuo ng I Got Games (IGG.COM) at inilabas noong Disyembre 26, 2016. Ang laro ay nakakuha ng pagkilala ng mga manlalaro sa buong mundo at may mahigit sa 100 milyong downloads. Maaari itong ma-download gamit ang sumusunod na links:

  • Download Lords Mobile: Tower Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.igg.android.lordsmobile
  • Download Lords Mobile: Tower Defense on iOS https://apps.apple.com/us/app/lords-mobile-tower-defense/id1071976327

Ang kabuuan ng Lords Mobile: Tower Defense

Magsisimula ang laro sa isang maikling kwento tungkol sa isang emperador na namuno sa mga lupain sa panahon ng kapayapaan matapos patayin ang itim na dragon. Sa kasamaang palad, ang kaharian ay bumagsak sa kaguluhan matapos mawala ang angkan ng emperador. Ngayon, ang kaharian ay naghahanap ng isang karapat-dapat na lider at natagpuan ka. Sinasabing ikaw ay may potensyal na maging emperador. Habang sinusuri mo ang kaharian, nalaman mong maraming lungsod ang nasunog mula sa sunud-sunod na pag-atake ng mga kaaway. Pagkatapos, may lalabas na diyalogo na humihingi ng iyong tulong upang mailigtas ang isang lungsod. Diretso kang mapupunta sa isang tutorial kung paano sasagipin ang lungsod at lulusubin ang mga kaaway.

Lords Mobile: Tower Defense

Ang Battle feature ng laro ay binubuo ng isang ‘drag and drop’ gameplay. Kailangan mong bumuo ng mga yunit sa digmaan. Ang layunin para sa bawat laban ay upang ipagtanggol ang iyong teritoryo na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng screen habang inihahanda ang iyong mga yunit upang salakayin ang teritoryo ng kaaway na matatagpuan sa kanang bahagi. Upang magawa ito, kakailanganin mong gumamit ng mga battle card. Ang mga battle card na ito ang bubuo ng iyong mga unit. Sa tutorial ng laro, bibigyan ka ng mga swordsmen at Axe battle card. Kakailanganin ng mga summoning unit ang Aether, isang purple gem icon na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng iyong mga battlecard sa ibaba ng screen. Bibigyan ka ng kabuuang 25 Aethers sa simula ng laro. Halimbawa, ang mga swordsmen ay nagkakahalaga ng apat na Aethers habang ang Ax ay nagkakahalaga ng anim na Aethers. Kaya dapat mong pag-isipan kung saan gagamitin ang iyong Aether. Ang mga swordsmen ay ipapatawag sa mga grupo at maaaring ilagay nang maraming beses habang ang Axe battle card ay isang Verge Officer at maaari lamang ipatawag muli pagkatapos nilang matalo mula sa labanan. Ang stronghold defense meter ng magkabilang panig ay makikita sa tuktok ng screen. Matatalo ang manlalaro kapag ang metro ay bumaba sa zero defense. Kung ikaw naman ay manalo sa isang challenge magkakaroon ka ng mga battle card, mga speed up, at mga resources. Ang mga challenge battle ay matatagpuan sa Vergeway ng iyong lungsod. Ito ay isang function ng PvE (player vs. environment).

Ang Lords Mobile: Tower Defense ay hindi lamang tungkol sa pag-atake at pagtatanggol sa iyong mga nasasakupan. Upang maging isang karapat-dapat na emperador, kailangan mong paunlarin nang maayos ang iyong mga lupain. Upang magawa ito, kailangan mong magtipon at mag-imbak ng mga resources, magsanay ng mga yunit, magtayo ng mga gusali at mga pasilidad na mapagkukunan ng mga pangangailangan at para sa pagtuklas ng teknolohiya sa pakikidigma. Ito ang mga pangunahing trabaho na kailangan mong gawin ng sabay-sabay (multitask) upang ikaw ay umangat sa tuktok. Pagkatapos, salakayin ang mas mahihinang mga manlalaro at pagnakawan sila ng mga resources na magagamit sa pagpapalakas ng iyong skills at stats!

Mga tip at trick sa Lords Mobile: Tower Defense 

Ang pagiging itinakdang emperor ay mahirap ngunit hindi imposible kung susundin mo ang mga simpleng tips at tricks na ito kapag naglalaro ng Lords Mobile: Tower Defense:

  • Pamahalaan mabuti ang iyong mga Hero

Dapat mong basahin at saliksikin ang mga kakayahan ng iyong mga heroes. May mga hero na mahusay sa digmaan, sa pagpaparami ng resources, at para sa arena. Kaya dapat mo silang ilagay sa sari-sariling mga larangan. Isang grupo ng limang hero ang pinipili kapag umaatake sa mga manlalaro sa panahon ng mga digmaan at kompetisyon. Samakatuwid, dapat mong ilagay ang iyong pinakamahusay na koponan ng mga hero na may mahusay na Attack Stats. Sa kabilang banda, maaari ring mag-iwan ng grupo ng limang hero upang ipagtanggol ang iyong lungsod. Sa pagkakataong ito, piliin ang mga hero na may mahusay na stats sa depensa. 

Lords Mobile: Tower Defense

Lords Mobile: Tower Defense

  • Huwag mag-alala tungkol sa pagpapanatili ng hukbo

Pagkatapos ng pagsasanay ng maraming yunit, may pagkakataon na ang pagkain mula sa mga sakahan ay hindi sapat para sa iyong hukbo. Huwag mag-alala tungkol dito dahil hindi naman mamamatay ang mga ito dahil sa hindi pagkain. Isa pa, imposibleng mag-imbak ng napakadaming pagkain dahil kailangan din ng mas malaking lugar para dito.

  • Sumali sa isang malakas na Guild

Ang pagpili ng mahusay na guild na may mga aktibong manlalaro nang maaga ay isang magandang desisyon. Hindi lamang ito nagbibigay-daan na bumuo at magsaliksik nang mas mabilis, mayroon ding maraming gantimpala kapag sumali sa isang mahirap matinag na guild.

  • Laging maglagay ng Shield

Lagi mong tandaan na maglagay ng shield maliban na lamang kung aatake ka ng ibang lungsod. Ang malalakas na manlalaro ay nakikinabang sa mga lungsod na walang shield. Ito ay kinakailangan lalo na kapag ikaw ay baguhan pa lang sa laro.

  • Laging mag-research

Ang research ay maaaring nakakainip at nakakaubos ng oras ngunit ito ay kinakailangan! Ang research ay isang magandang pamumuhunan. Ang mga yunit na nagsasanay ngunit walang kagamitan ng kinakailangang teknolohiya ay walang silbi. Mapapataas din ng pananaliksik ang produksyon ng resources, mababawasan ang oras ng pagsasanay, oras para sa konstruksiyon, at iba pa.

Pros at Cons sa paglalaro ng Lords Mobile: Tower Defense

Ang Lords Mobile: Tower Defense ay isang nakakatuwang strategy game. Inirerekomenda ito para sa mga manlalaro na naghahanap ng pangmatagalang oras sa paglalaro. Hindi lamang ito isang Tower Defense game kagaya ng Bloons TD na maaari mong laruin ng isang upuan lang. Katulad ito ng Clash of Clans na lamang ang pagiging battle at strategy game. Maraming bagay ang maaaring gawin sa laro tulad ng pagsasanay ng yunit, paggawa ng mga gusali at pagsasaliksik. At aabutin ka rito ng ilang buwan o maging taon upang makumpleto ang laro. Samakatuwid, hindi ito inirerekomenda para sa mga manlalaro na naghahanap ng panandalian o mabilisang paglalaro. Gayunpaman, kung ikaw ay matiyaga at mas gusto mo ng pangmatagalang paglalaro, ang Lords Mobile: Tower Defense ay bagay para sa iyo.

Ang mga graphics ng laro ay higit sa karaniwan. Ang artwork ay itinakda sa medieval period na may kasamang mga dragon at mga legendary hero. Samantala, ang visual effects sa panahon ng battle ay pangkaraniwan kaya mainam na maghanap pa ng paraan ang mga developer upang mapabuti ito. Ang musika ay mahusay at angkop na angkop sa medieval na tema nito.

Lords Mobile: Tower Defense

Lords Mobile: Tower Defense

Ang maikling tutorial sa simula ng laro ay hindi nakakatulong. Sa halip na turuan ka kung paano gumagana ang mga kontrol ng laro sa panahon ng labanan, ipinapakita lang nito ang pagkakasunud-sunod ng laban. Kakailanganin mong pag-aralan ang mga konsepto ng makailang beses upang maunawaan ang proseso. Gayunpaman, ituturo sa iyo ng laro ang mahahalagang pangunahing kaalaman tulad ng pagbuo ng mga istruktura, mga yunit ng pagsasanay, pagpili ng hero, ang tamang depensa at pananaliksik.

Related Posts:

LifeAfter Review

Rise of Empires : Ice and Fire Review

Ang magandang bahagi ng laro ay kapag sumali ka sa guild at sabay-sabay ninyong aatakihin ang mga kalaban. Ang excitement na mararanasan mo kapag umaatake sa kalaban ay hindi maipaliwanag. At ‘eto pa, ang pagnanakaw ng mga resources mula sa mga kalabang manlalaro ay talagang nakakakaba ngunit saya naman ang hatid nito kapag nagtagumpay! Pagnakawan ang iba o ikaw ang pagnanakawan! Ito ang panuntunan upang makasurvive sa larong ito. Gayundin, ang pagpapataas ng iyong lakas at katanyagan sa kaharian ay mahalaga. Hindi ba’t napakasarap na maituting bilang pinakamahusay na player?

Konklusyon

Ang Lords Mobile: Tower Defense ay hindi lang isang tactical tower defense game, ito ay higit pa roon. Kagaya ito ng isang multiplayer strategic wargame. Ang Battle feature ng laro ay mas madaling kontrolin gamit ang ‘drag and drop’ gameplay nito. Kung gusto mong i-invest ang iyong oras sa isang pangmatagalan at magandang strategic warfare game, ang larong ito ay talagang para sa iyo! Makipagsapalaran sa Lords Mobile: Tower Defense at patunayan na ikaw ang karapat-dapat na maging emperador ng lupain!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...