PBA® Bowling Challenge Review

Nababagot ka na ba sa inyong bahay at hindi ka na makapaghintay na maglaro ng bowling ngunit napaka-busy mo at wala ka nang panahon para pumunta sa bowling alley? Kung ganon, tiyak na magugustuhan mo itong laro. Ang PBA® Bowling Challenge ay isang offline na bowling game na ginawa ng Concrete Software, Inc. Kung handa ka nang kilalanin itong laro, halika at basahin pa itong artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang mekaniks nitong laro ay katulad ng sa tunay na bowling – kailangan mong patamaan ang mga nakatayong pins at nakabase ang iyong score sa kung ilang pins ang iyong maitutumba. Sa bawat frame, mayroon kang dalawang tsansa upang patumbahin ang mga pins ngunit maaari kang makakuha ng extra score sa pamamagitan ng spare at strike. Ngayon ay talakayin natin kung ano ang strike at spare.

Strike – Kapag naitumba mo ang lahat ng pin sa isang tira lamang, ang tawag dito ay strike. Kapag dalawang magkakasunod na strike, ang tawag dito ay double. Kapag tatlong magkakasunod na strike, ang tawag ay turkey at kapag apat hanggang limang magkakasunod na strike, ang tawag ay Baggers. “X” ang marka ng strike sa iyong score board. Makakakuha ka ng 10 points sa strike at karagdagang points base sa pin na iyong naitumba.

Spare – kapag hindi mo naitumba ang lahat ng pin sa unang tira ngunit naitumba mo naman ito sa pangalawang tira, ang tawag dito ay spare. Makakakita ka ng “/” na marka kapag ikaw ay nakakuha ng spare. Makakakuha ka ng 10 points at karagdagang points base sa pins na iyong naitumba sa spare.

Kung pupunta ka sa pro shop ay makikita mo ang iba pang tampok nitong laro. Pwede kang bumili rito ng bowling ball na mayroong iba’t-ibang disenyo. Pwede ka rin bumili ng bagong venue, icons at oil patterns. Ito ay ilan lamang sa mga tampok na maaari mong makita dito sa laro ngunit asahan na madadagdagan pa ito sa mga susunod na update ng laro.

Paano I-download ang PBA® Bowling Challenge

Hindi mo na kailangang gumawa ng log in accounts upang makapaglaro nito. Upang i-download ito sa Android, buksan ang Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang download. Parehong proseso lamang ang pag-download nito para sa iOS ngunit sa halip na sa Google Play Store, maaari mo itong i-download sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com pagkatapos ay i-type sa search bar ang pangalan nitong laro at i-click ang download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download PBA® Bowling Challenge on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.concretesoftware.pbachallenge_androidmarket

Download PBA® Bowling Challenge on iOS https://apps.apple.com/us/app/pba-bowling-challenge/id657459418

Download PBA® Bowling Challenge on PC https://www.gameloop.com/game/sports/pba-bowling-challenge-on-pc

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Ang bowling ay isang mahirap na laro dahil ito ay isang laro ng timing. Ibig sabihin, mas malaki ang tsansa mong manalo kapag mas sensitibo ang iyong pakiramdam sa larangan ng timing ngunit sa larong ito ay iba ang basehan upang manalo. Ngayon, ay ibabahagi ng Laro Reviews ang tips at tricks kung paano mapapataas ang iyong tsansang manalo. 

Maaari mong iposisyon ang bola sa pamamagitan ng pag-click at pag-swipe nito pakaliwa o pakanan, pagkatapos ay i-swipe pataas upang tumira. Habang gumugulong ang bola, maaari mo itong kontrolin sa pamamagitan ng pag-click ng screen pakanan o kaliwa. Upang makakuha ng strike, kailangan mong iposisyon ang bola sa kanan nang dalawang marka pagkatapos ay i-swipe ang bola. Habang gumugulong ang bola, tiyakin na gumugulong ito pakaliwa tapos ay imaniobra ulit ang bola pa kanan. Tandaan na laging puntiryahin ang nasa pangalawa at pangatlong pin mula sa unahan upang maitumba mo ang lahat ng mga pin. Kapag nagawa mo ito, tiyak na tataas ang tsansa mong maka-strike dahil kapag natumba ang pangalawang pin, babangga ito sa mga pin na nasa palibot nito. Tiyakin na ang bola ay gumugulong mula kaliwa pakanan upang matamaan mo lahat ng mga pin. Mahirap tumira at kontrolin ang bola nang tuwid kaya pinakamainam upang makapag-strike ay kontrolin ito mula kanan pa kaliwa.

Kalamangan at Kahinaan

Itong laro ay hindi nalalayo sa tunay na bowling. Ang mga mekaniks at goals ng laro ay magkapareho lamang sa tunay na larong bowling ngunit naiiba ito sa larangan ng control. Sa tunay na bowling, makokotrol mo ang bola sa pamamagitan ng paikot na pag-tira ngunit sa larong ito, pwede mong kontrolin ang bola habang ito ay gumugulong. Itong laro ay isa sa mga sports game na masasabi kong nalalapit sa tunay na larong bowling. Ang graphics nito ay 3D at napakaraming disenyo ang iyong mapagpipilian kaya tiyak na hindi ka mababagot rito. Ang gameplay ay napakakinis at walang lags at bugs kaya tiyak makokontrol mo nang buo ang paggulong ng bola. Wala rin itong mga nakakainis na pop up advertisements kaya siguradong mae-enjoy mo ang iyong gaming experience.

Kung mayroon man akong hindi nagustuhan sa laro, ito ay ang energy system nito. Ibig sabihin, kinakailangan mo ng sapat na energy upang makapaglaro nito at dahil sa tampok na ito, mabibitin ka sa paglalaro kapag naubusan ka na ng energy. Kung susuriin natin ito sa kabuuan, makikita natin na itong laro ay ginawa upang maging instrumento upang i-promote at i-advertise ang ibang mga laro dahil kung gusto mong makakuha ng karagdagang energy, kailangan mo munang mag-download ng mga laro na pinopromote nito. Napakatagal din ng refresh time ng energy kaya kung gusto mong makapaglaro nito nang mahabang oras, mapepwersa kang i-download ang mga application na pino-promote nitong laro.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakakuha ng star rating na 4.3 sa Google App Store at 4.7 naman sa App Store. Napakaganda nitong laro dahil ang mekaniks nito ay hindi nalalayo sa tunay na bowling game. Napakaganda din ng graphics at napakakinis ng animation ng laro. Kaya kung mahilig ka sa bowling game, tiyak na magugustuhan mo itong laro. I-download na ang PBA® Bowling Challenge ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...