Perfect Swing – Golf Review

Itinatampok ng laro ang real-time multiplayer pvp, mainam na alamin kung paano gumagana ang controls at hasain ang kasanayan sa pag-asinta sa mga “cup”. Ugaliin na magbasa at manood ng game tutorial upang mas mapabilis ang pagkatuto at mabasa ang mga alituntunin ng laro. Dagdag pa, ang Laro Reviews ay may ilang mga tip at trick na ibabahagi upang mas mapabilis ang iyong pag-usad sa laro. Una, sa pagtPasukin ang mundo ng larong golf, maging handa at mamangha sa makatotohanan at nakakapanabik na larong ito. Ihanda ang sarili na maging tanyag na manlalaro ng golf sa buong mundo, sumali sa mga piling clan at makipag-kompetensya para sa dominasyon sa clan league. Maging gigil at sabik na ipanalo ang kampeonato sa pamamagitan ng pakikipag-tagisan ng galing sa kapwa manlalaro. Ang Perfect Swing – Golf ay isang online golf simulation na larong ginawa ng Play This Game. Ito ay isang klasikong pvp o manlalaro laban sa manlalaro. Kaabang-abang ang mga tampok nang larong ito, ganundin ang mga posibleng kampeonato na maaari mong lahukan. Narito ang artikulo na hatid ng Laro Reviews para sa mga nagbabalak maglaro – basahin at matuto!

Mga Tampok ng Laro

Itinatampok ng larong ito ang real-time multiplayer pvp  o ikaw bilang manlalaro laban sa ibang manlalaro kung kailan sa panahong aktwal na ginaganap ang pakikipag-tagisan at paglalaro. Ibig sabihin ay lalaruin mo ito ng aktwal na kung saan ikaw ang magdedesisyon at may kontrol sa tira, bilis, at destinasyon ng golf ball para masigurado na ito ay maipapasok sa “cup” sa iilan lamang na tira  upang madaling magapi ang iyong katunggali. Sa patuloy na paglalaro at pagtaas ng level maari kang sumali sa mga clan leagues at sumali sa mga darating na paligsahan at makamit ang mga bibihirang gantimpala. Hindi rin ito mabigat kumunsumo ng data storage sa iyong cellphone dahil nangangailangan lamang ito ng 800mb para buong ma-download, mainam sa mga manlalaro na gumagamit ng hindi ganoon kamamahaling smartphone. Ang targeting at shooting animation naman ay maayos na tumatama, ang character design ay minimal ngunit nakakawili sa mata na animation. 

Napaka-inklusibo ng laro dahil ito ay libre at walang naglipana na advertisements na maaaring makasagabal sa pangkalahatang karanasan ng iyong paglalaro. Maaari rin na mas pagandahin ang iyong pamalo at palitan ito ng rare items na maaaring mabili sa club. Kung nais mong subukin ang iyong lakas meron din itong match mode upang hamunin ang kapwa manlalaro. Siksik ang laro na may nilalaman na 90 golf courses sa career mode na may iba’t-ibang disenyo at antas ng kahirapan na sisiguraduhing hindi ka mababagot. Kalakip din dito ang makabagong aerodynamic at ball trajectory system na labis na napabuti ang makatotohanang karanasan sa paglalaro. Mayroon din itong patas na reward system kaya siguradong hindi ka mauubusan ng honor coins at crafting materials.  

Ito ay ilan lamang sa mga tampok ng laro na siguradong maghahatid ng excitement sa bawat manlalaro.

Paano I-download ang Perfect Swing – Golf?

Para sa mga Android smartphone user pumunta lamang sa Google Play Store at kung Iphone naman o iOS users naman, pumunta lamang sa App store. I-type sa search bar ang pangalan nitong laro at pagkatapos ay i-click ang install.

Sa kasamaang palad walang PC version ang larong Perfect Swing – Golf at tanging malalaro lamang ito sa mga cellphones. Para sa mas mabilis na pag- access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.Download Perfect Swing – Golf on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.e7mobile.perfectswing
Download Perfect Swing – Golf on iOS https://apps.apple.com/ca/app/perfect-swing-golf/id1480613580

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

ira mas madaling ,maipapasok and golf ball sa butas kung tamang tinatantiya ang pagtira upang di sumobra o kumulang sa lakas ng paghampas. Ang epektibong paraan upang mapadali ang pagpapataas ng level lalo na sa mga baguhan ay ang pagsasanay muna sa career mode at i-unlock ang ibat-ibang golf course upang makabisado ang mga ito. 

Sa bawat paligsahan na napanalunan ay magkakamit ka ng mga gantimpala na may kagamitan at pera na maaari mong ipunin at kolektahin upang makabili ng mamahaling bahagi ng rod para sa mas maayos na control at maayos at swak na pag-asinta. Ang pagpapataas ng level ng iyong mga gear o kagamitan at paghahanap ng mga malalakas na bahagi ng rod ay mabisa ding paraan sa mabilisang pagpapalakas. Sa pagpapa-angat ng level, kailangan ang patuloy na pag-upgrade ng gear at equipment kung saan mangangailangan ito ng maraming resources lalo na ng honor coins. Upang mabilis na makapag-ipon gawin ang mga quest o misyon at kung iyon ay matagumpay mong matapos ay mabibigyan ka ng malalaking gantimpala. 

Ugaliin din ang araw-araw na pag-log-in upang makatanggap ka ng free pass sa daily rewards. Sa kabuuan, ang patuloy na pagsasanay at mahabang oras na paglalaro ay epektibong training upang ikaw ay maging magaling. Maaari rin ang matalino at maalam na paglalaan ng iyong mga mapagkukunan o resources ang susi para maging malakas sa lalong madaling panahon. Ibig sabihin ang tamang pag-upgrade at masipag na pangangalap ng mga honor coins at resources ang siyang siguradong makakatulong sa iyong pagpapalakas at tagumpay. 

Kalamangan at Kahinaan

Ang mga kalamangan ng laro ay sumusunod: ang game tutorial ay napakalaking tulong lalo na sa mga baguhan dahil ito ay madaling sundan at matutunan. Samantala ang kontrol na nasa laro ay napakadaling gamitin at pag-aralan. Ang kalidad ng graphics ay may mataas na antas at maaliwalas sa mata. Ang background music ay akma at naayon sa tema ng laro na magandang pakinggan. Ipinagmamalaki na libre ang laro at hindi ka pinipilit manood ng advertisements upang makapaglaro. Masasabi na pinakamahusay na laro ng golf sa ngayon, maaari kang magbayad para sa isang makatwirang halaga upang mag-upgrade ng mga kagamitan nang mas mabilis ngunit hindi naman kailangan kung may sapat na pasensya upang talagang maglaro at mag-enjoy sa laro. Ang parte ng laro na sana ay mas mapabuti pa ay ang napaka-limitadong customization sa itsura ng karakter. Hinihiling na sana ay maging inklusibo ang paggawa ng karakter dahil sobrang nadidikit ang pilian ng pisikal na katangian sa mga kanluraning pamantayan lamang. Gayundin sana ay mas palawakin ang customization options upang makagawa ng karakter na sumasalimin sa nais mong gayak ng iyong personahe, upang magkaroon ng kakayanan na gawin magmukhang kakaiba ang kanilang karakter.

Sa match mode, iminimungkahi na may restriksyon o magkatulad na level lamang na rod ang gagamitin ng magkatunggali upang masigurado ang patas na tagisan ng kakayahan, dahil alam naman natin na ang mas mahal at upgraded na gears ay labis na kalamangan sa manlalaro.

Konklusyon

Karapat-dapat talaga ang larong ito sa mga nakuhang star rating na 4.1 sa Google Play Store at 4.6 naman sa App Store. May mga iilan lamang na kahinaan ang laro na maaari namang punan ng mga developer kung sakaling i-update ang app. Talaga naman nakakabighani ang makatotohanang konsepto ng larong golf online lalo na sa mga taong gustong maranasan ang paglalaro nito. Kung nais mo matuto sa mga patakaran sa larong golf at malaman ang mga wastong paraan ng paglalaro , i-download na ang Perfect Swing- Golf ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...