Shadow Knight Ninja Fight Game Review

Maghanda para sa pinakamatinding Shadow Knight Ninja Fight sa kasaysayan! Gumawa ng isang malakas na taktika para matalo ang iyong mga kalaban gamit ang iyong mga nakamamanghang combo attacks. Pagbutihin ang mga skills ng iyong mga ninjas upang tumagal pa lalo sa laban at makaharap ang mga bosses ng mga kalaban!

Gampanan ang karakter ni Noah at saksihan ang bawat astig na galaw nito sa pakikipagbakbakan. Higit pang pagsasanay ang kakailanganin upang makamit at manalo sa mga laban. Labanan sila gamit ang iyong kakaibang istilo at makakuha ng sandata, gear, at rune mula sa daan-daang items upang i-personalize ang iyong mga magigiting na Shadow Warriors!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay ilabas ang mga natatanging kombinasyon ng mga atake ng iyong mga Shadow Fighters. Lumaban at patayin ang lahat ng mga halimaw sa iyong daraanan at hamunin ang pinakahuling boss sa bawat level ng laro nang buong tapang.

Kolektahin ang lahat ng mga items upang makagawa ng mga cool na gears, armas, at costume para i-upgrade ang itsura at kakayahan ng iyong Shadow Fighter! Mayroong mga misyon na dapat tapusin upang mas lalo pang makatanggap ng malalaking rewards!

Shadow Knight Ninja Fight Game

Shadow Knight Ninja Fight Game

Paano laruin ang Shadow Knight Ninja Fight Game?

Upang simulan ang paglalaro ay dapat mong i-download at i-install ang bersyon nito mula sa anumang app store na available sa iyong smartphone. Pagkatapos nito, maaari nang magsimulang maglaro kaagad. Ikaw ay magsisimula sa mga simpleng tutorials ng laro. Matututunan mo kung paano gawin ang mga pangunahing pag-atake ng iyong mga karakter.

Kinokontrol ng isang joystick ang galaw ng iyong karakter at ang mga skills ay ipinapakita sa kanang bahagi ng screen. Ang bawat skill ay magagamit mo lamang sa oras na maabot mo ang katumbas na level na kailangan nito. Ito ay mayroong tatlong mga modes: story, challenge, at arena. Ang iyong mga nakolektang items tulad ng mga equipments, rune, consumable, at costume ay makikita sa iyong imbentaryo. Maaaring mag-forge ng mga items para palakasin ang iyong kagamitan o gear na nag-aambag din ng lakas sa iyong karakter.

Marami ring rewards sa laro tulad na lamang ng daily rewards. Ang pagkumpleto ng mga quests ay magbibigay din sa iyo ng mga karagdagan rewards. Ang quest points ay kailangan upang makolekta ang daily rewards habang ang energy ay kailangan naman para makapaglaro ng mga levels sa laro.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mai-download ang Shadow Knight Ninja Shadow Fight Game sa mga Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 180 MB at 634.8 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga links sa ibaba para i-download ang laro:

  • Download Shadow Knight Ninja Fight Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fansipan.stickman.shadow.knights.fightinggames
  • Download Shadow Knight Ninja Fight Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/shadow-knight-ninja-games/id1502347241
  • Download Shadow Knight Ninja Fight Game on PC https://www.ldplayer.net/games/shadow-knight-premium-era-of-legends-on-pc.html
Shadow Knight Ninja Fight Game

Shadow Knight Ninja Fight Game

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Shadow Knight: Ninja Shadow War RPG Fighting Games

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong devices.
  2. Hanapin ang bersyon ng Shadow Knight Ninja Fight Game, pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play Account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link ito sa isang account pa.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro.

Tips at tricks sa Paglalaro ng Shadow Knight: Ninja Shadow War RPG Fighting

I-level up ang iyong mga karakter o shadow fighter. Ang pag-level up sa kanila ay magbibigay sa iyo ng higit na kalamangan sa laban. Sa bawat level ng laro ay mas humihirap nang matalo ang mga kalaban at maging ang boss nito. I-upgrade ang kanilang mga skills upang lumakas.

Related Posts:

Mini Militia – Doodle Army 2 Review

Makeover Race Review

Sanayin ang iyong mga combo attacks. Ang susi sa tagumpay ay hindi lamang pagpapalakas ng kakayahan ng iyong mga shadow fighters. Dapat mo ring gamitin nang maayos ang iyong mga combo attacks para mas marami ang pinsalang matamo ng mga kalaban. Alamin kung kailan dapat umatake at kailan dapat dumistansya. Sa halip na puro atake lamang ang gawin, tiyaking hindi mauubos ang iyong buhay o HP sa bawat atake.

Regular na maglaro para mag-claim ng mga rewards. Upang makakuha ng mga rewards, mag-level up at tapusin ang iyong quest. Kailangan mong magpatuloy sa paglalaro. Ang regular na paglalaro nito ay makakatulong para mas maraming rewards ang iyong makuha para i-upgrade ang iyong mga heroes dahil may kamahalan ang ito sa mga shadow fighters dito.

Shadow Knight Ninja Fight Game

Shadow Knight Ninja Fight Game

Pros at Cons sa Paglalaro Shadow Knight: Ninja Shadow War RPG Fighting

Ang mahusay na pagsasaganap ng mga aksyon sa larong ito ay nag-aambag ng magandang gaming experience para sa mga manlalaro nito. Nakakukuha ito ng maraming papuri. Ang mga visuals at graphic effects ay nailarawan nang napakaganda. Ang mga aksyon sa larong ito ay kahanga-hanga rin at nagbibigay ng iba’t ibang kapanapanabik na karanasan sa mga manlalaro. Maaari mo ring i-personalize ang iyong shadow warrior at i-upgrade ang kanilang mga skills upang matiyak na tatagal at lumakas pa lalo. Ito ay naglalaman ng mga mahihirap na segments. Sa bawat level ng laro ay lumalakas din ang mga halimaw na iyong makahaharap. Nagtatampok din ito ng tatlong mga modes na pwede mong laruin. Ang mga rewards dito ay sapat upang makatulong sa pag-level up ng iyong mga shadow knights. May mga quests at achievements na kung saan ay maaaring makakuha ng mga karagdagang rewards. 

Naaangkop lamang ito para sa mga tinedyer at mga matatanda dahil sa mga karahasan na maaaring maka-impluwensya sa mga bata na nangangailangan ng pangangasiwa ng magulang. Maaari itong laruin offline kaya madadala mo ito kahit saan. Ang mga settings ng bawat mode ay nagbibigay ng maraming kapanapanabik na karanasan para sa mga manlalaro at ang mga kontrol ng laro ay napakadali lamang kahit na sa mga baguhan pa lamang. Pagbukas mo ng application ay kailangan mong dumaan sa simpleng tutorial ng mga skills nito kaya ang mga baguhan ay matuturuan ng mga pangunahing kaalaman sa paglalaro. Nabanggit na ang laro ay pahirap ng pahirap habang tumataas ang level at ito rin ay naglalayon na ikaw ay gumamit ng in-app purchases para mas mapadali ang pag-upgrade ng iyong mga karakter. Ito ay isang disadvantage para sa mga manlalarong hindi sanay maglaan ng pera para sa isang laro.

Konklusyon

Ang mga tampok at karanasan sa laro ay sapat na upang masiyahan ang mga manlalaro. Maaaring hindi ito angkop para sa mga bata dahil sa ilang karahasan na ipinakikita rito, ngunit maaari itong laruin nang may pangangasiwa ng magulang upang ma-enjoy din nila ang excitement na dulot nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...