Soccer Agent Review

Dinevelop ng YGTmobile ang Soccer Agent, isa sa mga nangungunang smartphone app sa ngayon. Ang lahat ng advertising nito ay nagbibigay ng malaking market potential na humahatak sa atensyon ng top corporations gayundin ng mga investor. Bawat taon, billions ng napakaraming currencies ang naipapalit sa pagitan ng lahat ng mga club. Idagdag pa rito na ang finance ay importante sa Soccer Manager 2022. Ang single currency ay kayang masakop ang lahat mula sa marquee signing hanggang sa modernizing ng club stadium. Sa dami ng mga mapaggagamitan ng currencies dito, marami rin ang paraan upang kumita.

Layunin sa Paglalaro ng Soccer Agent 

Ang mga manlalaro ay gaganap bilang soccer agent sa Soccer Agent: Football Game. Gabayan ang soccer team, subukan ang iyong kakayahan sa pamumuno, o tulungan ang nahihirapang team na magtagumpay muli. Tulad ng isang football manager, kailangang subaybayan ang kabuuang operasyon ng club tulad ng practice schedules, club facility improvement, transactions, team pairing, bilang ng manlalaro, at strategical structures.

Dapat na ganap na maunawaan ng mga manlalaro ang transfer window upang makakuha ng mahuhusay na manlalaro. Ang misyon ng mga maglalaro nito ay maging wealthy at well-known agent. Ang agent sa larong Soccer Agent ay kailangang mag-recruit ng mga bagong footballers upang sumali sa ahensya. Makikita sa screen ang mga kinakailangang parameters. Upang magkaroon ng potential event advancement, kailangang iindorso ang iyong wards sa iba pang clubs.

Pag-Download ng Soccer Agent

Ang Soccer Agent ay maaaring i-download ng direkta sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Gumamit ng emulator upang ma-enjoy itong laruin sa PC.

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download Soccer Agent on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.footballagent61

Download Soccer-Agent on iOS https://apps.apple.com/us/app/soccer-agent/id1539248685

Download Soccer Agent on PC https://appsonwindows.com/apk/9768948/

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Soccer Agent

Una sa lahat, ang pagbebenta ng players ay ang pinakasimpleng paraan upang makakuha ng mabilis at magkaroon ng dagliang dagdag na income. Ang kita na makukuha sa transfer fees ay karagdagang kita na, ngunit ang sweldo na mababawas sa gastos ay mas makakatulong pa nang malaki sa katagalan. Ang pagbebenta ng manlalaro ay isang malawak na paksa at may napakaraming paraan upang magawa ito.

May mga manlalaro na hindi na kinakailangan; ang mga manlalarong ito ang unang dapat na alisin. Karamihan sa ganitong mga player ay mas mahirap ibenta kung kaya’t iminumungkahi na ibawas na ito hanggang maaari kaysa sa maghintay pa ng magandang deal para sa kanila. Hindi sila makakatulong sa team at makakabawas pa sa pondo hanggang sa ang kanilang kontrata ay matapos. Subukan silang ibenta kahit na magkano upang makaluwag sa pondo.

Ang hunting ay importanteng tool sa paglalaro ng Soccer Agent at makakatulong ito na makahanap ng partikular na secret talents at potensyal sa mundo ng football. Kahit na hindi sila top-level, maaaring maging matalinong pasya pa rin na kumuha ng ilang makabuluhang bagong manlalaro lalo na sa murang halaga. Ang core principle nito ay ang pag-handle ng kanilang pag-unlad sa paglalaro, pag-develop ng kanilang talent at sa tamang panahon ay makapagbibigay ng malaking kita sa pagbebenta ng mga ito. Ang Free Agents’ rundown ay isang magandang mapagkukunan ng impormasyon dahil walang risk sa transfer fee deficit. Ito ay maikokonsiderang long-term tactic ngunit sa pagdaragdag ng manlalaro, makakapagsimula ng sequence of profit sa bawat season na mas rewarding.

Pagdating sa pagkamit ng tagumpay, maraming Soccer Agent players ang sumusubok na itaas ang inbound. Bukod dito, ang isa pang taktika na inirerekomenda ng Laro Reviews ay ang bawasan ang mga gastusin. Mahalagang mabawi ang perang nawala na kaugnay din ng long-term na pakinabang. Ang pinakamagandang paraan upang makamit ito ay sa pamamagitan ng pag-loan ng manlalaro. Kung ang isang manlalaro ay nakikita mong magiging kapaki-pakinabang lamang sa unang team at sa pinakamahirap na parte, mas makabubuting mag-loan na lang. Walang saysay na hawakan ang mga manlalaro sa tumataas na bayad kung para lang sila sa iilang pagkakataon.

Pros at Cons ng Soccer Agent

Ang functionality nito ay idinisenyo na maging handy, workable, at madaling gamitin. Simple ngunit magandang ideya. Ito’y isang larong may malawak na hanay ng oportunidad. Ang mga manlalaro ay makakaranas ng Football Manager experience. Ang Soccer Agent ay entertaining at immersive.

Ito ay entertaining na larong may maraming replay value. Isa sa napansin ng Laro Reviews ang kaunting common errors na kailangang bigyang pansin ng developer nito. Kapag nahaharap sa mga kumplikadong sitwasyon habang tinitingnan ang player’s profile, hindi maaaring pindutin ang back icon at kailangan pang mag-exit sa laro at mag-umpisa muli. Gayundin, walang paraan upang umalis sa help page kapag nakapasok ka rito. May kaunting glitch din na madalas lumilitaw sa paglalaro. Ang mga manlalaro ay lumilitaw sa parehong club kahit na tinanggap na ang offer sa ibang club. Ang sounds sa laro ay hindi rin laging gumagana. Gayunpaman, ang minimal flaws na ito ay hindi naman lubos na nakakaapekto sa enjoyment ng laro. 

Ang pagsubok na magtagumpay sa football club ay isang magandang intensyon na maaari ring maging isang uncomfortable argument. Idagdag pa rito, dahil napakaraming kompetisyon, ang schedules ay karaniwang jam-packed. Ang mga managers ay kadalasang iniikot ang team para sa mga less competitive leagues par lang mapanatili ang first team na inirereserba sa malakihang labanan. Magandang estratehiya naman ito ngunit kung kulang ang pondo, mas mabuting pag-isipan ang pagkuha ng mas powerful team upang lumaban sa mas maraming tournaments hanggang sa makakaya nila. Ito ang kagandahan sa Soccer Agent, maaari mong laruin at gamitin ang iba’t ibang paraan depende sa kakayahan ng pondo at ng mga manlalaro.

Sa madaling salita, ang Soccer Agent ay isang magandang pagkakataon upang suriin ang iyong coaching abilities at mahanap ang tagumpay. Idagdag pa na walang mga ads sa app na ito kaya nagiging mas kaaya-aya ito sa mga manlalaro.

Konklusyon

Ano nga ba talaga ang Soccer Agent mobile application? Dito, maglalaro ka bilang aspiring agent sa advanced football manager-style match. Kaya mo bang makipagtawaran sa transfer window upang makakuha ng good deals para sa iyong mga manlalaro? Mayroon ka ba ng mga katangian upang mag-manage at lumikha ng career path para sa mga baguhan at batang footballers? Kung naniniwala kang kaya mong kumita sa magulong mundo ng football ngayon, magsimula nang iwanan ang iyong moral standards at laruin ito.

Maaaring magsimulang gumawa ng soccer deals para sa iyong kasiyahan o gumamit ng pera upang bumili ng valuable stuff na nagpapakita ng iyong kalagayang pinansyal. May magaganda at pangit na parte ang laro subalit sa kabuuan, sulit naman itong bigyan ng panahong laruin.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...