Stick Cricket Live Review

Ang Stick Cricket Live ay isang multiplayer cricket game na naging popular dahil sa Stick Sports Ltd. Ito ay nai-publish noong July 2019. Ito ay Stick Sports’ tenth official name at ang fifth episode sa Stick Cricket saga para sa mga smartphones. 

Ang Stick Cricket Live ay mula sa gumawa ng Stick Cricket Super League. Ito ay isang top-rated cricket match na nagbibigay ng napakaraming shots tulad ng Ramp, Switch Hit, at Scoop habang humaharap sa mga bowling attack ng kalaban sa rapid three-over matchups.

Gameplay ng Stick Cricket Live 

Ang pangunahing ideya ng Cricket ay ang pag-strike ng bola gamit ang bat. Sa kabuuan ng real-time one-on-one PvP game gaya ng Stick Cricket Live, maaaring kalabanin ang kahit sinong gusto mo, maging kaibigan man ito o ibang mga manlalaro sa buong mundo, saan man o kailan mo man gusto, gamit ang iyong smartphone.

Dito sa Stick Cricket Live, mararanasang laruin ang exciting matches sa sport na ito na kilalang-kilala sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Magagawang maipakita ang skills sa bawat pag-bat ng bola at maka-score ng maraming puntos hanggang sa makakaya.

Ang Stick Cricket Live ay nagpapahintulot na makipaglaban sa isang entertaining battle laban sa mga manlalaro sa buong mundo. Mas magiging exciting ang laro sa tuwing susubukang pabagsakin ang mga kalaban at kumulekta ng rewards bilang resulta ng feature na ito. Ito lang ang paraan upang magkaroon ng progreso sa bawat round at mabuksan ang bagong resources na makakatulong sa iyong maging mas accurate at efficient sa bawat larong lalabanan.

Pag-Download ng Stick Cricket Live

Ang Stick Cricket Live ay maaaring i-download ng diretso mula sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaring gumamit ng emulator para malaro ito sa PC. May sariling website rin ang laro, maa-access ito sa https://www.sticksports.com/stick-cricket-live/

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download Stick Cricket Live on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sticksports.stickcricketlive

Download Stick Cricket Live on iOS https://apps.apple.com/us/app/stick-cricket-live/id1467100007

Download Stick Cricket Live on PC https://www.99images.com/apps/ios-games/1467100007/download-for-pc-windows-mac

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Stick Cricket Live

Bawat bowler at bat na makukuha ay may kakaibang karakter na maaaring paunlarin sa pamamagitan ng upgrades. Makadaragdag ito sa card’s utility na magagamit sa combat situations. Upang makasabay, inirerekomenda ng Laro Reviews na mag-upgrade ng cards at mag-eksperimento ng iba’t ibang card mixtures para malaman ang perpektong estratehiya na angkop sa iyong playstyle.

Mag-ipon ng maraming cards nang parehong bowler o bat upang ma-upgrade ang bowler o bat card. Kung mayroon ka nang sapat na cards, maaaring mahanap ang green arrow sa card na mangangailangan ng upgrade sa card’s window; i-click ito upang mag-upgrade! Ang upgrades ay nakakapagpaganda ng card’s properties.

Ang Stick Cricket Live ay may kabuuang siyam na stadiums (kilala rin ito bilang levels). Kailangang makakuha ng trophies sa pamamagitan ng pagkapanalo sa laro upang makapagbukas ng bagong stadium. Kapag naipanalo na ang lahat ng trophies sa stadium, hindi na maaaring manalo pang muli maliban na lang kung aabante sa susunod na level.

Para makakuha ng coins, cards, at gems, kailangan munang makatanggap ng Kit Bags. Ang Kit Bags na makakamit sa rounds ay kailangan munang buksan bago ito ma-access. Mangangailangan ng ilang sandali bago ma-activate ang Kit Bag. Ang time delay ay maiiwasan kung pipiliin mong gumamit ng Gems. Bawat manlalaro ay may limitado lamang sa apat na Kit Bags. May regular na makukuhang isang Free Kit Bag at ang ‘Runs’ Kit Bag ay makukuha kapag ang kaukulang bilang ng runs ay nakumpleto.

Depende sa napiling stadium, maaaring makatanggap ng itinakdang bilang ng trophies kapag nanalo sa matches. Importante ang trophies sa laro dahil magiging daan ito upang ma-activate ang stadiums. Sa tuwing matatalo sa matches, mababawasan din ang trophies

Pros at Cons ng Stick Cricket Live

Ang lahat ay mas maganda at mas madali sa Stick Cricket Live kung ihahambing ito sa iba pang mga Cricket game. Ito ay maituturing na one-on-one mini-game. Ang kailangan mo lang gawin ay tumindig ng maayos at i-shoot ang bola gamit ang dalawang basic controls na makikita sa screen.

Ang pangunahing layunin ay ang pagtira sa bola at paghagis nito nang malayo hanggang sa makakaya. Ang paggawa nito ay mangangailangan ng mahabang pasensya mula sa mga manlalaro. Dahil dito, maraming manlalaro ang naniniwala pa rin na ang cricket ay makapagbibigay ng enjoyable adventure at kasabay nito ang pagiging exciting. Hindi ito kasing agresibo ng football o kasing bayolente ng ibang mga laro, ngunit hindi rin naman kasing tahimik ng golf. Nasa gitna lang ito at sinusubukang balansehin ang lahat.

Ang graphics ng Stick Cricket Live ay maganda at ang iba’t-ibang karakter ay rendered sa 3D. Ang visual elements nito ay magpapanatili sa iyong deeply engrossed sa paglalaro at mas epektibo sa pag-bat ng bawat bola. Ang control systems ay straightforward at ang kailangan mo na lang gawin ay i-click ang kaliwa o kanan upang magabayan ang bola sa direksyong gusto mo.

Ang innovation ng 3D graphics gayundin ang kabuuang functionality ay partikular na remarkable. Kung ikukumpara sa mga naunang 2D versions, ang player movement ay higit na flexible at ang screens ay higit na malinaw at mas stylistic. 

Ginagawa nitong mas malawak ang shots katulad ng sa ramp, switch hit, at scoop, kahit na anong shot ang gamitin, ang red trail na maiiwan ng brilliantly timed attack ay hindi mawawala kaya ito ay kaaya-aya. 

Konklusyon

Sa ngayon, makikita na napakaraming pagpipilian ng baseball and cricket games na available. Ito ay larong para sa iyo kung gusto mo ng laro na kung saan ay makakapaglaro ka ng live, real-time, one-on-one, at maaaring isama ang Facebook friends sa paglalaro ng isang simpleng gameplay.

Ang social functions ng Stick Cricket Live ay isa sa mga natatanging features ng laro. Ito ay may mas pinahusay na community vibe ng laro gayundin ang karanasan sa paglalaro laban sa mga totoong kalaban sa halip na computer AI lang.

Hihingin ng Stick Cricket Live sa iyo na ibigay ang pinakamahusay na laro upang makakuha ng mas maraming puntos kaysa sa iyong mga kalaban sa bawat match na bumubuo ng laro. Kung matatalo mo ang iyong kalaban, magtatagumpay na maging parte at makikita ang iyong pangalan sa leaderboards. Ang Stick Cricket Live ay isang excellent option para maglibang sa paglalaro na mairerekomenda ng Laro Reviews. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...