SOCCER Kicks – Stars Strike Review

Ang Soccer Kicks-Stars Strike ay magbibigay sa iyo ng madaling mekaniks ngunit nakakatuwang paraan upang maglaro ng soccer! Palakasin lamang ang iyong mga sipa sa football at tamaan ang mga target na bagay sa goal area. Ma-enganyo sa pamamagitan ng mga hamon, pag-level up sa mga manlalaro upang ipamalas ang kanilang buong potensyal, at paikutin ang wheel para makakuha ng mga pakete ng mga bagong manlalaro at mga reward. Patuloy na palakasin ang mga katangian ng iyong koponan at ng soccer ball upang makakuha ng kalamangan at mapaganda ang iyong gameplay. Ang laro ay lubos na interactive na nakakatulong sa iyong makipagkumpetensya laban sa mga manlalarong mula sa buong mundo. Simulan ang iyong paglalakbay sa football sa pamamagitan ng pagbuo ng iyong ultimate team.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay simple lamang. Ito ay ang talunin ang kalaban sa pamamagitan ng mataas na iskor. Mayroong dalawang modes sa laro: Target at Free Kicks. Ang bawat isa sa kanila ay may sariling hanay ng mga panuntunang dapat sundin, ngunit lahat sila ay may parehong layunin: ang makakuha ng maraming goals hangga’t maaari sa maikling oras lamang. Maaari kang maglaro bilang isang attacker at isang goalkeeper. Gawin ang lahat ng mga role na mayroon sa soccer para mapataas ang iyong role flexibility. Huwag mag-alala dahil ang laro ay napakadali na kahit na ang isang rookie player ay maaaring maunawaan ang takbo ng sistema.

Paano ito laruin?

Ang paglalaro nito ay napakasimple at madali lamang. Ang SOCCER Kicks – Stars Strike ay may dalawang modes na mapagpipilian: Target at Free Kicks. Alinman sa dalawang modes ay magsisimula ka sa pamamagitan ng matchmaking, at kapag mayroon ka ng ka-match, magsisimula na ang laro sa loob ng ilang segundo habang naghihintay para sa parehong mga manlalarong makapaghanda. Sa Target Mode, parehong maglalaro ang mga manlalaro bilang mga striker at ang kanilang layunin ay makakuha ng mataas na iskor ng mga target sa maikling oras. Mayroong itong pitong mga dibisyong may iba’t ibang mga patakaran upang sundin, at mga hamon.

Ang pag-upgrade ay posible sa larong ito na nakakatulong sa iyong palakasin ang mga kakayahan ng iyong koponan pati na rin ang mga katangian ng bola. Maaari mong baguhin ang mga hairstyle, damit, ang skin, at iba pang features ng mga manlalaro. Tandaang ang pagpasok sa isang laban ay nangangailangan ng entry fee. Ang bawat dibisyon ay may iba’t ibang entry fee na kailangan mong bayaran, kaya dapat kang mag-ingat na huwag matalo sa laro para patuloy kang makapaglaro. Maaari kang makakuha ng mga reward sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga hamon, pagpapa-ikot ng wheel, pagkumpleto sa achievements, o pagkuha ng mga pack.

Ito ang mga mahahalagang tampok na dapat mong malaman. Tamang-tama ang laro para sa mga free-to-play na manlalaro, ngunit kung gusto mong pagandahin ang iyong gameplay, maaari kang bumili ng bundle ng mga item gamit ang totoong pera sa in-game purchases. Maaari kang magsimula kaagad pagkatapos mong i-download at i-install ang app mula sa iyong lokal na app store. Ang SOCCER Kicks – Stars Strike ay available sa lahat ng users ng Android, iOS, at PC.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang SOCCER Kicks – Stars Strike sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 120 MB at 383.9 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download SOCCER Kicks – Stars Strike on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.InlogicSports.FootballKicks

Download SOCCER Kicks – Stars Strike on iOS https://apps.apple.com/us/app/soccer-kicks-stars-strike/id1594186141

Hakbang sa Paggawa ng Account sa SOCCER Kicks – Stars Strike

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong SOCCER Kicks – Stars Strike pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng SOCCER Kicks – Stars Strike!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng SOCCER Kicks – Stars Strike

Ang larong SOCCER Kicks – Stars Strike ay napakasimpleng laruin. Sa totoo lang, ang lahat ay nakabase sa iyong kakayahang i-timing ang iyong kilos. Lahat ng bagay dito ay nangangailangan ng mahusay at eksaktong timing upang masalo at masipa ang bola. Samakatuwid, ang Laro Reviews ay naghanda ng isang listahan ng mga pangunahing tip na maaari mong gawin. Ang mga tip ay ang mga sumusunod:

  1. Sanayin ang accuracy ng iyong mga galaw. Kung ikaw ay isang striker o isang goalkeeper, pareho itong nangangailangan ng ganitong uri ng kakayahan upang maging epektibo sa laro.
  2. I-upgrade nang pantay-pantay ang mga katangian ng iyong mga manlalaro pati na rin ang kalidad ng bola. Palakasin ang kanilang power, accuracy, at curve strength.
  3. Kumpletuhin ang achievements. Ang achievements ay magbibigay sa iyo ng mga dyamante na maaari mong gamitin sa ibang features ng laro.
  4. Paikutin ang wheel. Dito, magkakaroon ka ng pagkakataong makatanggap ng mga pack na naglalaman ng mga bagong manlalaro at mga random na reward.
  5. Ipanalo ang mga hamon. Ang mga panalong match ay nakakatulong sa iyong kumita ng mga coin at mag-level up sa laro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng SOCCER Kicks – Stars Strike Review

Ang SOCCER Kicks – Stars Strike ay malinaw na nakatanggap ng maraming positibong komento mula sa mga manlalaro nito, idagdag mo pa rito ang mataas na rating nito sa mga app store. Magagawa mong maglaro ng football na may kasamang intuitive na gameplay, pinasimpleng kontrol, at iba’t ibang panuntunang dapat sundin. Ang kailangan mo lamang gawin ay gawing perpekto ang accuracy ng iyong timing para matamaan ang mga target bilang striker at saluhin ang bola bilang goalie.

Ipakikita sa iyo ang iba’t ibang manlalarong may iba’t ibang natatanging lakas. Maaari mong makuha ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pack na may kasama ring random na reward. Maaari mong baguhin ang mga hairstyle, ang skin, at mga katangian ng mukha ng mga manlalaro sa larong ito. Maaari mo ring baguhin ang kanilang mga kasuotan at lumikha ng perpektong formation para sa iyong sariling koponan. Gaya ng naunang sinabi ng Laro Reviews, ang laro ay mayroon lamang dalawang modes na mapagpipilian: Targets at Free Kicks. Ang bawat isa sa kanila ay may pitong dibisyong may iba’t ibang entry fees. Pareho silang may layunin, ito ay upang makakuha ng mas maraming iskor ng goal kaysa sa kanilang kalaban, ngunit naglalaro sila sa ilalim ng magkaibang mga panuntunan.

Pagdating sa graphics, ang mga creator ay nakagawa ng mahusay na trabaho sa pagbibigay sa iyo ng nakaka-enganyong gameplay. Lahat sila ay aktibo at maayos, eksakto tulad ng sa isang tunay na laban ng soccer. Higit pa rito, ang mga hiyawan mula sa madla ay mukhang makatotohanang pakinggan. Maliban dito ay wala nang ibang aasahan sa larong ito o feature na maaari mong tuklasin at subukan. Kailangan pang pahusayin ang performance ng laro. Ang ilang mga manlalaro ay nakararanas ng madalas na pag-freeze o paghinto ng display nang walang maliwanag na dahilan. Maaaring dahil ito sa mga bug. Dapat imbestigahan ng mga developer ang performance ng laro para matukoy kung anong mga aspeto ang nakakaimpluwensya sa functionality nito.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng nakakaengganyong soccer mobile game na may intuitive na gameplay, lubos naming inirerekomenda ang SOCCER Kicks – Stars Strike. Ito ay isang larong parehong nakakahumaling at nakakatuwang laruin. Ito ang pinakamahusay na paraan upang palipasin ang oras na nararanasan mo! Kaya i-download na ang laro at simulan na ang pagsasanay ng iyong mga kakayahan sa larong football!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...