Real Football Review

Ang Real Football ay nakakatulong sa iyong maranasan ang makipagpaligsahan sa larong soccer sa iyong mga device na may simpleng virtual control at gameplay lamang. Espesyal itong idinisenyo para sa mga baguhang manlalarong gustong matuto sa paglalaro ng soccer. Bibigyan ka nila ng pangunahing pagsasanay kung saan matututunan mo kung paano kontrolin at i-upgrade ang iyong mga manlalaro. Naglalaman ang laro ng tatlong nakaka-enganyong modes, ito ay ang Friendly, Online Tournament, at Continent Cup. May kalayaan kang i-set up ang iyong pinapangarap na team at mag-recruit ng mahuhusay na mga manlalaro. Huwag palagpasin ang pagkakataong ito at simulan na ang iyong paglalakbay sa football ngayon!

Ano ang layunin ng laro?

Ang soccer ay isang team sport na nilalaro sa isang rectangle field ng dalawang teams, bawat isa ay binubuo ng 11 players. Ang layunin ay ang makaiskor ng goal sa pamamagitan ng pagpapapasok ng bola sa taas ng goal line papunta sa goal net habang binabantayan ang goal at pinipigilan ang mga kalabang makaiskor. Kasama sa laro ang mga misyong maaari mong kumpletuhin para makakuha ng mga karagdagang reward. Dahil ito ay isang mobile na laro, ang mga pagpapahusay ng manlalaro ay ganap na posible rito. Patuloy na i-upgrade ang kanilang mga katangian upang makasabay sa takbo ng laro.

Paano ito laruin?

Ibabahagi sa iyo ng Laro Reviews kung gaano kadaling magsimula sa larong Real Football. Una ay kailangan mo munang sumailalim sa pangunahing pagsasanay kung paano gamitin ang mga kontrol. Kapag nakumpleto mo na ang maikling tutorial, papayagan ka na nitong makapasok sa isang tunay na kumpetisyon. Dadalhin ka ng laro sa tatlong mga mode nitong Friendly, Online Tournaments, at Continent Cup.

Maaari kang makipagkumpetensya sa ibang mga koponang mula sa buong mundo upang maging bahagi ng worldwide rankings. Ang layunin ng laro ay para sa mga koponang makaiskor ng goal upang manalo. Ang koponang may pinakamataas na iskor ng goal ang mananalo sa laban. Maaari mong sanayin ang iyong koponan upang pagbutihin ang kanilang mga lakas at kakayahan, na nagbibigay sa kanila ng malaking kalamangan sa bawat laban. Maaari kang mag-recruit ng mga bagong miyembrong matatagpuan sa lottery. Maaari mong ayusin ang formation ng iyong koponan ayon sa iyong diskarte.

Available rin dito ang Daily Rewards at misyong nagbibigay sa iyo, hindi lamang ng mga gantimpala, kundi pati na rin ng dagdag na entertainment sa paglalaro. Posible rin ang pagko-customize ng mga kontrol na nakakatulong sa iyong ayusin ang kanilang mga posisyon upang umangkop sa iyong mga kagustuhan. Ngayon, ito ay isang pangkalahatang-ideya lamang ng mga nilalaman ng laro. Sa sandaling simulan mo ang iyong paglalakbay bilang isang manlalaro ng football, ​​magagawa mong tuklasin ang iba pang feature nito!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Real Football sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 31 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Real Football on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftR7HM

Download Real Football on PC https://gameshunters.com/real-football-pc-download/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Real Football

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Real Football pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Real Football!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Real Football

Nawiwili ka na ba sa kahanga-hangang karanasan sa pagsipa ng soccer ball at pag-iskor ng mga goal? Kung gayon, maghanda dahil magiging mas mahirap pa rin ang laro habang umuusad ka! Makakaharap mo ang maraming mahuhusay na manlalaro mula sa buong mundo. Bilang resulta, dapat kang maging handa at bumuo ng mahusay na diskarte sa pagbuo ng iyong koponan. Ang Laro Reviews ay gumawa ng listahan ng mga diskarte na maaari mong gawin.

  1. Kung hindi ka pa rin pamilyar sa paggamit ng mga kontrol at rules ng laro, maaari kang pumunta sa “Options” na matatagpuan sa ibaba ng screen. Piliin ang ACTION MODE TUTORIAL o ACTION MODE CONTROLS. Sa ganitong paraan, mauunawaan mo ang iba’t ibang galaw na mayroon sa sport na ito.
  1. Pagbutihin ang mga katangian ng mga manlalaro. Ito ay mas epektibo kung pantay-pantay mong pahuhusayin ang kanilang mga lakas upang bumuo ng isang balanseng koponan. Ito ay kinakailangan, lalo na kung ikaw ay naglalaro bilang isang koponan, hindi bilang isang indibidwal.
  1. Kumpletuhin ang iyong mga misyon. Tinutulungan ka nitong makakuha ng mga karagdagang reward.
  1. Manood ng mga advertisement upang makakuha ng mga in-game coin nang libre.
  1. Piliin ang pinakamahusay na mga miyembro para sa iyong koponan.
  1. Magsanay sa pagkontrol ng bola. Kung ang bola ay nasa iyong koponan, dapat kang maging maingat sa pagpasa at pagtira ng bola sa goal.
  1. Maging pamilyar sa mga patakaran ng laro.
  2. I-customize ang virtual control na nababagay sa iyong mga kagustuhan at gawin silang mas komportable para sa iyo.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Real Football

Ang Real Football ay nakakatulong sa iyong maranasan ang football sa isang mas kumportableng interface na may pinasimpleng virtual na mga kontrol. Isinasama nito ang tatlong kapanapanabik at nakakaengganyong mga mode upang pumili mula sa Friendly, Online Tournament, at Continent Cup. Ang pagsasaayos ng mga kontrol sa screen ay isa sa mga kapakipakinabang na aspeto nito. Maaari mong baguhin ang mga posisyon ng mga control button at function upang umangkop sa iyong mga kagustuhan at gawing mas komportable para sa iyo.

Maaari kang bumuo ng pinapangarap na team na binubuo ng mga magagaling na manlalaro sa pamamagitan ng pagre-recruit mula sa lottery. Maaari mong pagbutihin ang kanilang mga kakayahanng magbibigay sa iyo ng kalamangan sa kumpetisyon. Mayroong mga misyon at Daily Rewards na available rito, na magbibigay sa iyo ng karagdagang mga reward. Kahit na nagsimula ka sa humigit-kumulang 3 milyong coins, ang pag-upgrade naman dito ay may kamahalan pa rin. Pagdating sa visual elements nito, naihatid nila nang maayos ang bawat pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay ganap na nakakabilib. Ito ay sapat na para sa isang 31 MB na laro. Ang mga tunog ay katulad din sa mga maririnig mo sa mga soccer event o tournament kung saan maraming tao sa stadium. Sa gitna ng laro, sila ay naghihiyawan at masiglang pakinggan.

Ang pagbabalik ng bola ay isa sa mga mapanghamong bahagi nito. Ito ay may kahirapang gawin lalo na kapag ang kailangan lang gawin ng iyong kalaban ay lumapit sa iyo upang nakawin ito. Kapag nag-tackle kami ay laging foul, pero ang kalaban ay parang laging nakakalusot sa foul. Ang laro ay masyadong maikli, ang pagpasa sa iba ay mahirap, ang mahabang pagpasa ay lubos na mapanganib, at ang sprinting ay hindi inirerekomenda maliban kung ikaw ay handang ipagsapalaran ang bola. Ang mga Developer ay dapat gumawa ng isang patas na laban sa lahat ng mga koponan upang mapanatili silang interesado sa paglalaro nito. Dapat nilang lutasin ang mga problemang ito.

Konklusyon

Siguradong mae-enganyo ka sa gameplay ng Real Football. Hinahayaan kang makipagkumpetensya laban sa iba pang mga koponan sa buong mundo. May kalayaan kang mag-upgrade, i-customize ang mga kontrol, at bumuo ng sarili mong pinapangarap na team na binubuo ng pinakamahuhusay na manlalaro! Ito ay lubos na nakakaaliw, at nagbibigay sa iyo ng kaunting kaalaman tungkol sa mga patakaran o konseptong makikita sa sport na soccer.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...