Solitaire – Design My Farm Review

Sa panahon ngayon, napakadali lang maglaro ng solitaire sa mobile devices. Subalit, sa katagalan ay nagiging nakakasawa rin ito. Hindi kasi masyadong challenging at competitive kumpara sa iba. Panahon na upang isantabi ang ganitong boring na solitaire games at kilalanin ang isang game app na may kumbinasyon ng farming simulation game at Tripeak solitaire. Ipinapakilala ng Laro Reviews ang Solitaire – Design My Farm, isang casual puzzle card game app na kung saan ay maaari kang mag-relax at mag-enjoy. Ang game app na ito ay binuo ng AifeiGame at inilabas noong Enero 30, 2022. 

Pinagsama sa game app na ito ang nakakatuwang game elements ng dalawang sikat na laro. Ang pangunahing layunin dito ay maayos ang isang napabayaang farm sa pamamagitan ng paglalaro ng Tripeaks solitaire. Bukod sa malilibang ang mga manlalaro sa nakakaaliw na card game, maaari pa nilang maranasan ang kakaibang saya na dala ng pagbuo at pagdisenyo ng isang virtual farm.

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang game app na ito ay mahahanap at mada-download lamang sa Play Store para sa Android devices. Hindi pa ito malalaro gamit ang iOS devices dahil hindi pa ito available sa App Store. Gayunpaman, maaari mo pa rin itong laruin gamit ang laptop o desktop. I-download lang ang apk file nito sa iyong computer device at i-run gamit ang isang Android emulator. Bilang alternatibo, maaari mo ring i-click ang angkop na link sa ibaba:

Download Solitaire – Design My Farm on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.solitairedesignmyfarm.android&fbclid=IwAR0pf_xaq74A1wBK9Ja0CKMFZpkcivA-Fvd86tzUrdArooCkOCgFNgR0DHo

Download Solitaire – Design My Farm on PC https://steprimo.com/android/us/download/Y29tLnNvbGl0YWlyZWRlc2lnbm15ZmFybS5hbmRyb2lk/MjIzZjlhNjY2MzY2NTY2YzdiMzBjMjMwMGI3OGZlNWQ=/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Maaari mong laruin ang Solitaire – Design My Farm kahit saan at kahit kailan. Ang game app na ito ay libreng mada-download at pwede pang laruin offline. Hindi mo na rin kinakailangang mag-log in o kaya ay mag-sign up upang makagawa ng account at makapaglaro. 

Makikilala mo rito ang game character na si Ashly. Siya ang nagsisilbing sekretarya dito at gagabayan ka niya upang makapagsimula sa laro. 

  • Solitaire Gameplay

Ang gameplay ng Solitaire – Design My Farm ay linear type. Ang ibig sabihin nito ay habang nali-level up ka nagiging mas mahirap ang mga hamong dapat mong lampasan. Ang bawat solitaire game na lalaruin mo ay nagkakahalaga ng 1,000 coins. Kung sakaling mahirapan ka sa kalagitnaan ng laro, maaari ka ring gumamit ng in-game power-ups. Ang bawat Wilds o Wild card ay nagkakahalaga ng 500 coins samantalang ang Undo option naman ay 150 coins.

Kinakailangan mong maglaro ng Solitaire games upang kumita ng coins at gems na magagamit upang makabili ng items at maayos ang iyong farm. Ang gameplay nito ay katulad ng sa Tripeaks Solitaire, para manalo ay kinakailangan mong ma-eliminate lahat ng cards sa tableau. Ang cards na maaari mong i-eliminate ay kailangang isang level na mas mababa o mas mataas kaysa sa face-up card na nasa stockpile. 


  • Pag-aayos at Pagdisenyo ng Farm

Habang nag-iipon ka ng coins at gems ay maaari mo ring simulan ang pag-aayos sa farm. Kapag naabot mo ang Level 9, lilitaw ang Farm icon sa kanang-itaas na sulok ng gaming screen. I-tap ito para makita ang iyong virtual farm. Upang maipatayo ang farm structures, kinakailangan mong ipambayad ang gems na nakuha mo sa Solitaire games. I-click lang ang build icon upang simulan ang pagsasaayos ng farm.

  • Daily Rewards, My Trail at New Harvest Features

Bukod sa Solitaire games, may iba pang paraan upang makakuha ng karagdagang resources sa larong ito. Ito ay sa pamamagitan ng Daily Rewards, My Trail at Next Harvest features. Maaari mong makita ang Daily Rewards at My Trail icon sa kanang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen. Sa pamamagitan ng Daily Rewards ay makakakuha ka ng bonus coins at gems araw-araw. Sa kabilang banda, kinakailangan mo namang kumpletuhin ang simpleng missions sa My Trail kapalit ng karagdagang rewards. Ang feature na ito ay maa-activate kapag narating mo ang Level 9. Samantala, ang New Harvest icon ay makikita sa ibabang bahagi My Trail at Daily Rewards icons. Sa tulong nito ay makakakuha ka ng karagdagang game rewards bawat oras. 

  • Power-ups

Ang power-ups ay may malaking papel na ginagampanan sa larong ito. Ang mga ito kasi ay maaari mong gamitin kung sakaling mahirapan ka sa ilang bahagi ng Solitaire game. Bukod sa power-ups na pwede mong magamit sa kalagitnaan ng laro, may tatlong iba pang mabibili bago magsimula ang laro: Wild Drop, Clear Playables at Remove Cards. Kapag ginamit mo ang Wild Drops, may tatlong karagdagang wilds na lalabas sa iyong deck. Sa kabilang banda, ang Clear Playables naman ay magagamit upang tanggalin lahat ng face-up cards sa tableau. Sa tulong naman ng Remove Cards ay maaari mong alisin ang tatlong cards sa tableau bago magsimula ang laro.

Pros at Cons ng Solitaire – Design My Farm

Mahusay na napagsama ng larong ito ang classic Tripeaks solitaire gameplay at farming simulation game. Ang game mechanics nito ay madaling maunawaan ng mga manlalaro. Ang progression ng difficulty level ay maayos at tamang-tama lang. Gayundin, ang graphics at animations ay maayos ang kalidad. Ang background music ay angkop sa konsepto ng laro at nakakarelaks din. Ang game controls ay madaling gamitin at gumagana ng maayos. Mahusay din ang pagkakadisenyo ng interface nito. Hindi nahihirapan at nalilito ang mga manlalaro sa maaliwalas na ayos ng game icons. Higit sa lahat, walang nakakainis na ads at pop-ups na lumalabas sa kalagitnaan ng laro. Wala ring masyadong technical issues ang app tulad ng glitches, bugs at biglaang pagka-crash.

Sa kabilang banda, may mga kakulangan din sa ibang aspeto ang larong ito. Nakakadismaya na halos walang customization feature sa farm building at design. Maliban dito, wala ring ibang farm activities na pwedeng gawin bukod sa pagpapatayo ng iba’t ibang istruktura. Ang pagsasama ng card at farm simulation game sa iisang app ay magandang ideya ngunit ang execution nito ay medyo sablay. Bukod sa mga nabanggit, ang storyline nito ay masyadong simple at pangkaraniwan. Marami rin ang nadidismaya sa hindi makatarungang pagtataas ng halaga ng power-ups pagdating sa advanced game levels. 

Konklusyon

Sa kasalukuyan, wala pang ratings at reviews ang game app na ito sa Google Play Store. Subalit, ito ay nakapagtala na ng mahigit sa isang libong downloads. Para sa Laro Reviews, ang game app na ito ay mainam na alternatibo para makapaglaro ng Tripeaks solitaire. Subalit, sobrang nakakadismaya kung pag-uusapan ang aspeto ng farming simulation. Nakakabigo dahil masyadong limitado ang design items nito at halos wala rin itong customization options. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...