Ollie’s Manor: Pet Farm Sim Review

Narito na ang napaka-cute na farming at pet simulation Android game na nilikha ng game developer na Longcheer Game. Umiikot ang istorya nito sa isang payak na lupaing pinoprotektahan ng elves. Sama-samang naninirahan dito nang mapayapa ang lahat ng animals at elves. Masagana sila sa resources kaya kung iisipin ay walang problema sa lugar nito. Sa kabila nito, palaging mayroong mga aksidente sa tahimik na pamumuhay. Dulot ito ng pandarambong ng Shadow Beasts sa resources dito. Kaya naman ang tungkulin mo ay tulungan sila sa pamamagitan ng paggawa ng manor nang sa gayon ay maprotektahan ang kanilang mapayapa at masayang pamumuhay. Narito ang Laro Reviews para magbigay ng karagdagang detalye tungkol dito.

Features ng Ollie’s Manor: Pet Farm Sim

2D Hand-painted Cartoon Graphics – Simple lang ang graphics nito ngunit lalo itong nakakaakit dahil nagkakaroon ng calming atmosphere sa laro. Bukod pa rito, mas nakaka-relax tignan ang 2D hand-painted at cartoon-style ng graphics nito. Nakakatulong din ang magandang color combination dito para manatiling nakakaakit itong tignan sa mata.

Build a Manor – Dito ay magkakaroon ka ng pagkakataong mamahala ng farm, mangolekta ng acorns, at magtanim ng prutas at gulay. Kabilang din dito ang paggawa mo ng amusement park nang sa gayon ay ma-enjoy mo ang rides dito pati ang tanawin sa pagsakay ng Ferris wheel, at iba pa. Makakagawa ka rin ng sarili mong treehouse na maaari mong disenyuhan at lagyan ng decorations. Nasa sa iyo kung anong tema ang nais mong sundin batay sa iyong kagustuhan.

Cute Pets – Maaari mong i-unlock ang iba’t ibang 2D cartoon-style pets! Ang mas nakaka-excite pa rito ay marami kang pwedeng pagpiliang cute na animal skins. Kaya kung mahilig ka sa mga cute na bagay, tiyak na magugustuhan mo ang bahaging ito ng laro. Parte rin ng laro ang pagpapalaki sa cute animals kung saan matututunan nilang maglakad, tumakbo, at makapag-produce ng acorns. Panatilihing masaya ang animals dahil mas maraming acorns ang pwede mong makuha rito.

Saan Pwedeng I-download ang Ollie’s Manor: Pet Farm Sim?

Narito ang instruction kung saan at paano i-download ang Ollie’s Manor: Pet Farm Sim. Kasalukuyang available lamang ang laro sa Android, iOS at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store at ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Pwede mo ring i-click na lamang ang link na nakalagay sa ibaba. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Ollie’s Manor: Pet Farm Sim on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.loongcheer.inkflame.olliesmanor

Download Ollie’s Manor: Pet Farm Sim on iOS https://apps.apple.com/tw/app/ollie-s-manor/id1560098230?l=en

Download Ollie’s Manor: Pet Farm Sim on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/ollies-manor-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Ollie’s Manor: Pet Farm Sim, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com/. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong Google Play account.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Napakahalaga ang papel ng acorns bilang resource sa pamamalakad ng farm. Ngunit huwag mag-alala sapagkat maraming paraan ang pwede mong gawin para makakuha nito. Ang ilan sa mga paraang ito ang pagpapalago ng vegetables, pakikipaglaban sa Gophers at Shadow Beasts, pagpapaalis ng wolves, at pagbibigay-daan upang makapag-adventure ang elves. Palagi mo ring tatandaan na kapag nagkaroon ka na ng partikular na bilang ng acorns ay i-upgrade mo ang potion. Nang sa gayon ay makapag-upgrade ka rin ng iba’t ibang facilities upang lalong lumago ang iyong manor.

Kapag may nakita kang biglaang bisita na nagiging dahilan para masira at maudlot ang patuloy na kapayapaan ng manor, huwag magdalawang isip na labanan ang mga ito! Ang tip ko ay i-tap ang screen nang sunud-sunod para atakihin mo nang tuluy-tuloy ang Wolves at Gophers. Nang sa gayon ay mapigilan mo rin silang sirain ang manor at makakuha ng ilang acorns. 

Tulad ng nabanggit kanina, mas maraming acorns ang pwede mong makuha kapag mas masaya ang animals. Para mapasaya ang mga ito, ang pwede mong gawin ay magtayo ng amusement park at magdagdag ng iba’t ibang facilities dito. Bukod sa kalupaan, kabilang sa sakop ng laro ay ang ilalim ng tubig. Maaari mong unti-unting i-unlock ang items sa dagat kung saan mahigit 50 isda ang nag-aabang sa iyo rito. Pwede ka ring mag-invite ng iyong kaibigang hayop para pumunta sa dagat gamit ang submarine. Para pakainin ang mga isda at makakuha ng bubbles, ang kailangan mo lang gawin ay i-tap ang submarine para magawa iyon. Nang sa gayon ay magamit ito upang matututo ng sea talents para tumaas ang attack ng elves.

Pagkatapos ng labis na nakakapagod na araw, babalik ka na sa treehouse upang makapagpahinga. Maaari kang mag-unlock ng furniture para i-decorate sa iba-ibang tema ang iyong treehouse. Kolektahin at ilagay ang items ng collection upang mapataas ang stats ng elves. Kapag nagawa mo na ang mga ito, makakatulog ka na nang mahimbing sa komportable at maginhawang tree house.

Maipapayo ko ring i-like ang kanilang official Facebook page para maging updated sa pinakabagong news at rewards. Kapag mayroong events o okasyon, nagbibigay sila ng code na pwede mong magamit sa paglalaro. Mapapakinabangan mo ang rewards na ito dahil hindi mo na kailangang gumastos pa para rito dahil libre mo lamang itong matatanggap.

Pros at Cons ng Ollie’s Manor: Pet Farm Sim

Kung ang hanap mo ay mga larong hindi masyadong komplikado at intense na laruin, pasok na pasok ang Ollie’s Manor: Pet Farm Sim dito. Maaaring makapag-relax ang manlalaro habang nilalaro ito sapagkat pwedeng maging paraan ng pagpapahinga ang pagtatanim ng halaman at pakikipag-bonding kasama ang iyong pets. Tunay na nakakaakit ang visuals ng laro lalo na’t ito ay 2D hand-painted at cartoon-style kaya nagkakaroon ng calming effect ang kabuuang atmospera nito. Bukod pa rito, maaari nang makakuha ng offline rewards. Napakarami ring pwedeng gawin sa laro tulad ng pagtayo ng iba’t ibang establishments tulad ng entertainment park at marami pang iba. Sari-saring tema rin ang mapagpipilian mo rito sa pagde-decorate ng iyong treehouse kaya siguradong mayroon ditong papasa sa nais mong disenyo.

Limitado lamang ang mga taong pwedeng maglaro nito dahil ito ay isang Android game. Dahil dito, hindi mo ito pwedeng mai-download kung ang gagamitin mo ay iOS device. Mairerekomenda ko sa game developer na gumawa ng bersyon kung saan magiging available din ito sa App Store. May mga problema ring naranasan ang ibang mga manlalaro kung saan hindi naglo-load ang laro matapos itong i-download sa mobile phone.

Konklusyon

Mahilig ka ba sa cute animals o kaya naman sa simulation games? Kung oo ang sagot mo sa dalawang ito, tamang-tama sa iyo ang Ollie’s Manor: Pet Farm Sim dahil pasok na pasok ito sa iyong hinahanap! Sa paggawa mo ng manor, maaari kang magtanim ng sari-saring halaman kabilang na ang bulaklak, gulay, at prutas. Kasama rito ang pag-aalaga mo sa sobrang cute na pets kaya siguradong makakapukaw ito ng iyong interes at atensyon. Kung nais mo itong laruin gamit ang iyong mobile phone, siguraduhin nga lang na ito ay Android device dahil dito pa lamang available itong i-download. Huwag magdadalawang-isip na gamitin ang article na ito mula sa Laro Reviews para magsilbing gabay sa iyong paglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...