Kadalasang binubuo lamang ang laro ng farming simulation game, kung saan ang nagiging tungkulin mo ay ang pagtatanim ng iba’t ibang crops, ipag-breed ang magkakaibang animals, at pagha-harvest ng crops. Ngunit paano kung sinahaman din ito ng supermarket sa laro? Kaya mo bang maging flexible sa paglalaro at makayanang laruin ang pinagsamang features nito? Alamin ang karagdagang detalye nito sa article na inihanda ng Laro Reviews.
Ang My Farm – Family Farm Township ay isang farming at management simulation game na nilikha ng game developer na JoyMore Inc. Magkakaroon ka ng pagkakataong palaguin ang iyong farm at magtayo ng kakaibang town habang patuloy na kumikita. Gayundin, maaari mong i-customize ang magiging disenyo sa buong kapaligiran ng iyong town at hindi lang ito, pwede kang magbukas ng cafes, ramen shops, at iba pa. Matutupad mo na ang iyong pinapangarap na gawing punong-lungsod ang dating payak na bayan.
Contents
Gabay para sa mga Bagong Manlalaro ng My Farm – Family Farm Township
Sasalubungin ka ni Henry na ang iyong dating kaibigan. Narito siya upang tulungan at gabayan ka sa paggagawa ng town. Una mong kailangang matutunan ay ang pagtatanim ng wheat. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-tap sa field at i-drag ang wheat papunta sa bawat bahagi ng field. Makikita mo sa ibabang bahagi ng screen na may iba’t ibang crops ang pwede mong pagpilian para itanim. Ngunit bago ito magamit, kailangan mo munang ma-unlock ang bawat isa rito.
Kasunod naman nito ang pagpapakain sa mga alagang hayop, lalo na’t importanteng mayroon silang source ng enerhiya. Halimbawa, upang pakainin ang cow, kailangan mong i-tap ang cowshed at i-drag ang cattle feed sa ibabaw ng cowshed. Alam mo naman na sa mundong kung saan pinahahalagahan ang makukuhang profit sa lahat ng gawain, masasabi nating ang oras ay katumbas ng pera. Kaya para mapabilis ang proseso nito, pwede mong gamitin ang Acceleration button upang matapos kaagad ang pag-produce ng mga ito at makolekta ang milk. Kapag natapos na ito, i-tap ang milk na matatagpuan sa ibabaw ng cattle feed para mai-harvest ang fresh milk.
Kapag napansin mo nang hinog na ang wheat at apples, kailangan mo na itong kolektahin. I-click ang field at i-drag ang sickle tool papunta sa bawat bahagi ng field para ma-harvest ang mga ito. Pagkatapos nito, ang kailangan mong gawin ay magtayo ng cake house at gawing tinapay ang wheat. Buksan ang Farm Construction Menu at pumunta sa Factory category. Hanapin kung nasaan ang Cakehouse at bilhin ito. Kapag nais mo na itong ipwesto sa partikular na posisyon, i-tap lamang ang check button. Kailangan mo ulit maghintay ng ilang sandali para matapos ang construction nito ngunit maaari mo namang gamitan ito ng acceleration function.
Saan Pwedeng I-download ang My Farm – Family Farm Township?
Dito ituturo ng Laro Reviews kung saan at paano i-download ang My Farm – Family Farm Township. Kasalukuyang available lamang ang laro sa Android at PC devices. Kaya hindi pa ito posibleng mai-download sa iOS devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store at ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Pwede mo ring i-click ang link sa ibaba. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pwede mo nang simulan ang paglalaro!
Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:
Download My Farm – Family Farm Township on Android https://apkcombo.com/my-farm-family-farm-township/com.joymore.myfarm/
Tips at Tricks sa Paglalaro
Narito ang ilang mga paalala ko sa iyo sa laro. Mainam na magkaroon ka ng overview o outline kung paano mo pamamahalaan ang parehong farm at supermarket. Mas nagiging challenging na ito kaya dapat alam mo kung ano ang iyong priority lalo na’t ang dami mong gawain dito. Kabilang dito ang pagtatanim ng special crops, pagbi-breed ng iba’t ibang hayop, pagha-harvest ng crops, pagpa-process ng mga ito sa factory, at paglalagay ng goods sa supermarket para ibenta. Kailangan mong maging organized sa paggawa nito dahil kaunting pagkakamali lamang sa isa nito ay maaaring magresulta sa pagkakagulo ng magandang daloy ng iyong mga gawain.
Ipagpatuloy na palaguin ang iyong farm sa pamamagitan ng pagtatanim at pagha-harvest. Maaari mong ilagay ang processed crops, fruits, clothes, at iba pang mga produkto sa supermarket para maibenta ito at nang sa gayon ay kumita ka ng pera. Gayundin, nakakatulong din ang pagbili ng buildings o items na makakatulong sa iyong progress sa laro. Siguraduhing gawin at kumpletuhin ang matatanggap mong orders mula sa town residents.
Huwag ka ring magdadalawang-isip na i-maximize ang pagde-decorate sa iyong pinapangarap na town. Malaya kang maglagay ng ilan sa pinakasikat na landmarks sa buong mundo tulad ng Statue of Liberty, Big Ben, at marami pang iba. Dagdag pa rito, ugaliing mag-upgrade ng supermarket dahil sa pamamagitan nito ay mas dadami ang iyong customers kung saan lalong tataas din ang kikitain mo rito. Higit sa lahat, importanteng ma-enjoy mo ang iyong ginagawa dahil ito ang magpapanatili sa iyo nang matagal sa paglalaro.
Pros at Cons ng My Farm – Family Farm Township
Mataas ang rating ng mga manlalaro sa My Farm – Family Farm Township sa Google Play Store kung saan 4.5 star-rating ang nakuha nito. Nakakatuwa itong laruin at sinamahan pa ito ng magandang graphics. Kumpara sa ibang larong may kaparehong gameplay, maayos na naka-organize ang user interface nito kaya hindi ito masakit sa mata at malinis itong tignan. Bagay na bagay ito sa mga manlalarong naghahanap ng farming simulation games.
Mayroon nga lang limitasyon ang mga pwedeng makapaglaro nito dahil ito ay isang Android game. Dahil dito, hindi pa ito pwedeng mai-download kung ang gagamitin mo ay iOS device. Kaya mairerekomenda ko sa game developer na magkaroon ng bersyon kung saan magiging available din itong i-download sa App Store. Bukod pa rito, nakakaranas ng bugs at glitches ang manlalaro sa kanilang paglalaro. Katulad na lamang ng biglaang pagkawala ng kalahati sa progress ng iyong gawain at ang madalas na pagpi-freeze sa kalagitnaan ng paglalaro. Ang mas malala pa rito ay may kaso kung saan bigla na lamang nawala ang lahat ng ginawa ng manlalaro sa town matapos bumalik galing sa pagbisita mula sa kanyang kaibigan.
Konklusyon
Bigyang buhay ang iyong pangarap sa My Farm – Family Farm Township! Magkakaroon ka ng pagkakataong pamahalaan ang parehong farm at supermarket upang paunlarin ang iyong town. Kakaiba ang gameplay na ihinahandog nito sapagkat may pagkakataon kang kumita habang patuloy na pinapalago ang sariling farm. Kung napukaw ang iyong interes ng laro matapos basahin ang article na ito mula sa Laro Reviews, mainam na gamitin ang nilalaman nito bilang gabay sa iyong paglalaro. Gayunpaman, siguraduhing ang gagamitin mo sa pag-download sa mobile phone ay Android device sapagkat dito pa lamang ito available.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 26, 2022