Smurfs and the Magical Meadow Review

Tagahanga ka ba nga sikat na palabas na The Smurfs? Kung hindi, narinig mo na ba ito noon? Saktong-sakto itong tatalakayin ng Laro Reviews sa article na ito. Sa paglalaro nito, makikita mo ang iyong mga paboritong Smurfs tulad nina Papa Smurf, Smurfette, Farmer Smurf, Handy Smurf, Hefty Smurf, at Brainy Smurf.

Umiikot ang istorya nito sa isang araw kung saan nadiskubre ng Smurfs ang kakaibang Magical Meadow sa loob ng gubat. Dinala ni Papa Smurf ang lahat ng Smurfs para lumipat sa magical at bagong lupain. Isa sa kadahilanan nito ay dahil wala nang iba pang mas magandang lokasyon at tirahan para sa Smurfs bukod sa Magical Meadow. Dahil dito, napakaraming adventures ang nakaabang sa kanila habang nagtatayo muli sila ng kanilang village. Kaya naman asahang babalik ang ilang matatagal nang kaibigan para sumali sa inyong village. Kasama nila ang magic ng meadow para magsilbing gabay sa kanila pagpunta sa inyo. Talagang nakaka-excite ang magiging journey ng Smurfs!

Features ng Smurfs and the Magical Meadow

Grow Crops – Maaari kang magtanim ng crops at i-harvest ang mga ito. Magagamit mo rin ito upang kumita ng pera. Ang pagkakaiba rito ay mayroong crop calendar na pwede mong pagbatayan kung kailan ang tamang panahon para magpatubo ng partikular na crop para mas malaki ang matanggap mong kita rito.

Complete Quests – Malaking parte ng laro ay ang pagkumpleto ng quests. Ilan sa mga gagawin mo rito ay ang pagtatanim ng crops, pagbili ng items, at marami pang iba. Importante itong gawin sapagkat sa pamamagitan nito ay makakatanggap ka ng XP at sari-saring resources bilang reward. Ang XP o Experience Point ang kailangan mo upang mapataas ang iyong level sa laro, kung saan makikita mo ito bilang stars.

Meet the Smurfs – Bukod sa pagkakataong makita mo ang iyong paboritong Smurfs, magkakaroon ka rin ng pagkakataong magkaroon ng iba’t ibang Smurfs. Kabilang na rito sina Papa Smurf, Smurfette, Farmer Smurf, Handy Smurf, Hefty Smurf, at Brainy Smurf. Magagamit mo sila sa pag-unlock ng limitasyon sa pagbili at pag-boost up ng time para makapagpatayo, makapagpalago, at makakolekta ng resources. Dagdag pa rito, malaki rin ang maitutulong kapag na-upgrade ang kanilang huts sapagkat mayroon itong kakayahang mapabilis ang boost at makapag-unlock ng maraming bagay.

Saan Pwedeng I-download ang Smurfs and the Magical Meadow?

Huwag ka nang mag-alala kung paano ba i-download ang Smurfs and the Magical Meadow sa iyong mobile device! Makikita mo sa section na ito ng article ang instruction para rito. Kasalukuyang available ito sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ay pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Smurfs and the Magical Meadow on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.capcom.smurfsvillage2

Download Smurfs and the Magical Meadow on iOS https://apps.apple.com/us/app/smurfs-and-the-magical-meadow/id904062466

Download Smurfs and the Magical Meadow on PC https://pcmac.download/app/904062466/smurfs-and-the-magical-meadow

Tips at Tricks sa Paglalaro

Panatilihing tuluy-tuloy mong patutubuin ang crops sa village at sa Magical Meadow. Napaka-importanteng pangalagaan at itanim ito palagi sapagkat ito ang kailangan para mapanatiling buhay ang Smurfs. Bukod pa rito, mapapakinabangan din ang mga ito sapagkat pwede mo itong magamit bilang quest requirements o ibenta para sa pera. Pwede mo ring gamitin ang crops para makakuha ng rare items mula sa mystic pool. Dahil napakarami nitong pwedeng paggamitan, siguraduhing mapatubo mo ang mga ito kapag mayroon kang pagkakataong gawin ito.

Tulad ng nabanggit kanina, mahalaga ang pagkuha ng rare items mula sa mystic pool dahil dito mo pwedeng gawin ang iba’t ibang tasks. Kapag nakumpleto ang tasks na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong makatanggap ng karagdagang coins, EXP points, at ang equipment na kailangan sa quests at upgrades. Makakatulong din ang pagpapalit ng crops para sa rare items upang tumaas ang iyong swerte at ang posibilidad mong makahanap ng rare tools.

Hindi mawawala ang tip kung kumpletuhin mo ang quests. Ugaliing i-check palagi ang clipboard icon sa kaliwang bahagi ng screen. Makakatulong din ang pagsunod ng quests para magabayan ka sa storyline. Mahalaga ito para may susundin kang path sa paglalaro lalo na at may sub-quests din ang bawat karakter. Bukod pa rito, maipapayo kong ipunin mo ang magic acorns para makabili ka ng mahahalagang items. Iwasan ding gastusin ito sa hindi masyadong importanteng bagay. Halimbawa, maaari kang mag-ipon ng magic acorns upang makabili ng Smurfette’s hut para magkaroon siya ng kakayahang makapagbenta ng mga bulaklak.

Alam mo rin bang pwede kang makakuha ng bonuses sa pamamagitan ng pagtanim ng crops? Para malaman mo kung kailan darating ang bonuses na ito, i-check mo lamang ang crop calendar sa town square. Kapag nakakita ka ng kulay berde na checkmark, indikasyon ito na hinog na ang crop para pitasin o kunin. Dagdag pa rito, kapag nataon mong mayroon pa ring puti sa paligid ng ini-harvest mong crop, ibig sabihin ay makakakuha ka ng tatlong crops kada crop, imbes na ‘yung pangkaraniwang dalawang crops lamang. Kapag naman nais mong makita pa ang ibabang bahagi ng calendar, kakailanganin mo ng Brainy Smurf’s hut para magawa ito.

Pros at Cons ng Smurfs and the Magical Meadow

Mataas ang nakuha nitong rating sa Google Play Store kung saan nakakuha ito ng 4.5 star-rating at sa App Store na may 4.3 star-rating. Maganda itong irekomenda sa mga tagahanga ng The Smurfs. Maraming pwedeng pagpiliang wika sa laro tulad ng English, French, Italian, Dutch, Spanish, at Portuguese. Dahil dito, malawak ang naaabot nitong audience sa buong mundo.

Gayunpaman, nakakaranas ng pagka-crash ang maraming mga manlalaro at ang malala pa rito ay hindi na nabubuksan ang app kapag nangyayari ito. Nagka-crash din ito sa tuwing sinusubukan ng ilang manlalarong i-rate ang village ng iba. Bagaman pwedeng mag-log in sa Facebook at Game Center, mayroon pa ring isyu kung saan hindi nai-save ang latest progress sa laro matapos i-log in ang account gamit ang ibang device. Bukod pa rito, nabawasan pa ang level ng manlalaro at nawawala ang kanyang progreso at rewards sa laro. Hindi lang ito isang beses nangyari. Bukod pa rito, may mga pagkakataong hindi naglo-load ang laro. Kahit na i-reinstall pa ito, wala pa rin nangyayaring pagbabago rito. Bigla ring lumalabas sa screen na kailangang i-check ang network kahit na stable naman ang internet.

Konklusyon

Isa ka ba sa tagahanga ng The Smurfs? Kung gayon ay tiyak na magiging interesado kang laruin ang Smurfs and the Magical Meadow sapagkat matatagpuan mo rito ang mga paborito mong Smurfs! Ito ay isang adventure game na batay sa sikat na cartoon series na The Smurfs. Bilang manlalaro, kailangan mong samahan ang Smurfs sa kanilang paglalakbay sa kanilang bagong tahanan matapos nilang matagpuan ang Magical Meadow sa gubat. Kung naging interesado kang laruin itong city-building game, narito lamang ang article na ito mula sa Laro Reviews upang magabayan at matulungan ka sa iyong paglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...