Stickman Legends: Offline Game Review

Ang Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game ay isang napakahusay na offline Role-playing game (RPG) ng stickman fighting game series. Ito ay isang binabayaran na offline action game na inilabas noong Mayo 10, 2017 ng ZITGA.  Ito ay may average rating na 4.4 out of 5 stars na marka, mula sa mahigit 240,000 reviews. Mayroon na rin itong mahigit sampung milyong downloads. Ang layunin ng laro ay labanan ang hindi mabilang na mga kaaway sa bawat level gamit ang iyong napiling stickman hero. Ang mga kalaban ay maaaring magtulungan laban sa iyo ngunit mayroon kang mga natatagong kakayahan upang magapi silang lahat.  Ang larong ito ay maaaring mai-download gamit ang sumusunod na links:

  • Download Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.zitga.ninja.stickman.legends.shadow.wars
  • Download Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/id1186523572
Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Paano laruin ang Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game?

Magsisimula ang laro sa isang maikling tutorial na gagabay sa iyo sa mga pangunahing skills sa paggalaw at pakikipaglaban. Ang mga icon sa kaliwang-ibabang bahagi ng screen ang tutulong sa iyong napiling hero upang kumilos pakaliwa o pakanan sa screen. Sa kanang-ibabang bahagi naman ang control buttons para sa pag-atake, pagtalon, pagtakbo, at apat na special skills, na ang isa ay naka-unlock na sa simula ng laro. Ang kaliwang sulok sa itaas ng screen ay nagpapakita ng iyong HP bar kasama ng iyong hero icon at level ng iyong hero.

Pagkatapos maging pamilyar sa iba’t ibang mga pindutan at status bar ng laro, ipapasubok ang mga ito sa iyo habang lumalaban sa mga kaaway. Kapag umaatake, isang espesyal na status bar sa ilalim ng HP bar ang mapupuno para magamit mo ang isang espesyal na skill. Sa kabilang banda, maaaring bumaba ang iyong HP kung hindi ka magiging mag-iingat habang nasa labanan. Ang itaas na gitna ng screen ay nagpapakita ng iyong progreso sa kasalukuyang level. Sa simula, makakatagpo ka ng dalawang lokasyon na maraming kaaway at mga masasamang shadow boss. Mayroon ding mga coins na mahuhulog mula sa mga kaaway habang pinapatay mo sila.

Mayroong anim na hero na maaari mong pagpilian. Ang anim na hero na ito ay may iba’t ibang lakas at kahinaan. Bawat isa sa kanila ay may kakaibang mga skill tree. Ang isa sa mga hero ay may ‘smooth moves’ habang ang isa naman ay may ‘power hammer’. 

Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Tips at Tricks sa paglalaro ng Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword

Ang ilang masasamang kaaway ay lubhang mapanganib at ang iyong Stickman hero ay mangangailangan ng higit na kapangyarihan upang harapin sila.  Upang magawa ito, dapat mong tingnan ang tips at tricks na ito sa paglalaro ng Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game:

  • Huwag hayaang umabot sa zero ang iyong HP bar.

Subukang huwag mamatay hanggang sa marating mo ang iyong destinasyon. Tandaan, ang iyong pag-atake, depensa at mga stats ay lubhang mahalaga dahil nakasalalay dito kung gaano kahusay ang iyong stickman hero na harapin ang mga masasamang kaaway.  Samakatuwid, balansehin nang mabuti ang iyong mga stats sa pamamagitan ng pagbuo ng mga attributes at pag-upgrade ng iyong skill tree. Bukod pa riyan, ang paggamit ng mga special skills ng iyong Stickman upang talunin ang mga halimaw tulad ng ‘Stickman Gun’ at ‘Stickman Fighting’ ay makakatulong sa iyo na mapanatiling mataas ang level ng iyong HP. 

  • Gumawa ng combo

Sa dalawampung skills na nag-uumapaw sa mahika at iba’t ibang kapangyarihan tulad ng static at dynamic skills, ang iyong stickman fighter ay magiging isang makapangyarihang mandirigma. Maaari mo ring pagsamahin ang mga kasanayang ito upang lumikha ng makapangyarihang mga combo at mas mabilis na malipol ang iyong mga kaaway. Gawing malakas ang iyong Stickman hero, at palakasin ito gamit ang mas makapangyarihang skills, ngunit maging maingat, dahil maaari ka lamang pumili ng isang uri ng stickman hero sa bawat level.

  • Mag-upgrade!

Maaari mong i-upgrade ang iyong sariling stickman fighter. I-upgrade ang pag-atake, armor, health, at critical skills ng iyong hero. Ang mga na-upgrade na skills ay tumutulong sa mga stickmen na pataasin ang kanilang kapangyarihan nang maraming beses at lipulin ang mga masasamang kaaway.  Maaari mo ring i-upgrade ang iyong mga hero sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas malalakas na armas.

Related Posts:

Covet Fashion – Dress Up Game Review

MU Origin 2 Review

Dapat ka bang maglaro ng Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game?

Walang duda na ang Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game ay isang napakahusay na laro. Ito rin ay talagang nakakahumaling. Mayroon itong user-friendly interface kung saan mahusay kang ginagabayan mula sa simula ng laro at nagpapatuloy ito habang umuusad ka. Ang larong ito ay nagbibigay din ng mga tip sa mga manlalaro upang sila ay epektibong makapatay ng mas maraming kaaway.

Ang laro ay may napakahusay na visual effects. Hindi man kapani-paniwala, matipid ito sa memory space kahit na may mga magagandang visual effects. Mayroon itong real time na mga kontrols sa laro kung saan maaari mong gawin ang iyong gusto sa pamamagitan lamang ng pag-tap. Ang pinaka-cool na bahagi ng laro ay kapag pinagsama mo ang mga skills upang gumawa ng combo! Ito ang hinahanap ng mga manlalaro ng mga ganitong uri ng game. Ang larong ito ay inirerekomenda para sa mga naghahanap ng makalaglag-pangang visual effects. Ang mga disenyo ng Stickman Heroes ay bukod-tangi!  Anuman ang edad ng mga maglalaro nito ay tiyak na tatangkilikin at babalik-balikan ito.

Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Stickman Legends Shadow Fight Offline Sword Game

Gayunpaman, halos lahat ng bagay sa laro ay bibilhin at sa ilang kadahilanan ay hindi naa-unlock ang mga achievements. Ang ilang mga bagay ay mahirap makuha kapag hindi nagbabayad ng totoong pera. At ang ilang mabibiling mga bagay ay sobrang mahal! Ang mga piling items na ito ay masyadong mahirap makuha kahit pa maging walang-tigil ang iyong paglalaro. Ito ay masaya sa simula, ngunit kalaunan ay mapagtatanto mo na kailangan mo ng gems para sa pagbili ng mga bagay-bagay: para sa skills at pag-upgrade ng armas. Kung ayaw mong namang gumastos para sa offline na RPG, maaari mo itong laruin ng libre online gamit ang bersyon na “Stickman Legends: Shadow Fight”, kung saan maaari ka pa ring mag-enjoy at magkaroon ng mahusay at kahanga-hangang karanasan sa Shadow War.

Bilang karagdagan, ang mga developer ay maaari pang pagandahin ang mga feature sa laro.  Halimbawa, medyo imposibleng manalo sa Arena kahit na magbayad ka ng malaking halaga ng pera. Isa kang tunay na shadow master kung kaya mong talunin ang arena AI. Gayundin, ang mga developer nito ay maaaring pagbutihin pa ang mga graphics, sapagkat kumikita rin sila sa mga ads na patuloy na lumalabas sa bawat level.

Konklusyon

Ang Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game ay magbibigay sa mga manlalaro nito ng hindi malilimutang karanasan sa paglalaro. Isa ito sa mga magagandang laro sa stickman fighting game series. Panahon na para ikaw naman ang maging Stickman Legend!  Hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol sa iyong koneksyon sa internet, dahil ngayon ay maaari kang mag-enjoy at magkaroon ng isang kahanga-hangang karanasan sa paglalaro kahit pa offline.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...