The Battle Cats Review

Ang mga pusa ay isa sa mga kinagigiliwang alagaan ng karamihan dahil sa napaka-cute nitong itsura. Sa larong The Battle Cats ay matutunghayan mo ang labanan ng mga pusa! Ang kailangan mo lang gawin ay lupigin at wasakin ang kanilang base para manalo. Simple lamang ang sistema ng laro kaya tiyak na ikaw ay malilibang nang husto. I-upgrade ang iyong mga pusa at base para manalo ng mga reward at ma-unlock ang iba pang mga cat fighter!

Ano ang Layunin ng Laro?

Masasaksihan mo kung gaano nakakaaliw ang paglalaro sa mobile game na ito. Nag-aalok ito ng basic fighting at leveling-up system kung saan isa lang ang layunin na dapat mong tandaan at ito ay ang talunin ang mga kalabang pusa at wasakin ang base nila. Ang mga pusa ang magiging pinaka-cute mong kalaban dito. Kailangan mong umatake at pumunta sa kanilang base hanggang sa matagumpay mong masira ito. Pagkatapos makumpleto ang mga level ng laro, ikaw ay gagantimpalaan at maaari mong gamitin ito para sa mga upgrade ng sarili mong mga pusa.

The Battle Cats - Laro Reviews

The Battle Cats – Laro Reviews

Paano ito Laruin?

Pagkatapos ma-install ang lahat ng data ng laro, dadalhin ka sa isang maikling tutorial na magtuturo sa iyo ng mekaniks ng laro. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa ng artikulong ito, at ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng ideya tungkol sa laro. Ang laro ay basic lamang at mayroon itong simpleng sistema ng labanan at walang kahirap-hirap na mekaniks.

Dito, agad kang idadala sa labanan at bibigyan ka ng isang cat fighter para magamit. Ang iyong pangunahing layunin ay maabot at sirain ang base ng kalaban sa lalong madaling panahon upang mabilis na mag-level up. Sa buong laro, ilalabas mo ang iyong mga cat warrior at hintaying mag-recharge ang iyong pera bago gumawa ng isa pa. Mayroon ding special attack na laser na magmumula sa iyong base, na maaaring mag-target ng mga kalaban sa kalagitnaan ng labanan.

Maaari mo ring gamitin ang XP battle points para i-upgrade ang mga skill ng iyong cat warriors at bumili ng iba pang mga karakter. Maaari kang gumamit ng Cat Food para bumili ng mga power-up gaya ng mga speed booster, XP booster, at iba pang battle items na magbibigay-lakas sa iyo sa buong laban at magbibigay rin ng mas maraming rewards. May mga karagdagang tagubiling maaari mong basahin para sa karagdagang impormasyon ng laro, tulad ng mga abiso tungkol sa pagtatalaga ng mga bagong misyon at pag-claim ng rewards.

The Battle Cats - Laro Reviews

The Battle Cats – Laro Reviews

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang The Battle Cats sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 98 MB at 118 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download The Battle Cats on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.ponos.battlecatsen

Download The Battle Cats on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-battle-cats/id850057092

Download The Battle Cats on PC https://games.lol/the-battle-cats/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa The Battle Cats

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong The Battle Cats pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Upang ilipat ang iyong data sa ibang devices o iOS, sundin ang mga tagubilin sa settings ng laro. I-click lamang ang DATA TRANSFER button at basahin ang nakasaad kung paano ito maililipat sa ibang devices.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng The Battle Cats!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng The Battle Cats

The Battle Cats - Laro Reviews

The Battle Cats – Laro Reviews

Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng tips kung paano mo mapapabagsak ang base ng kalaban. Doon, kakailanganin mo ng pera para makagawa ng isa pang pusang mandirigma na kusang lalapit sa base ng kalaban. May upgrade icon doon. Habang umuusad ang laro, maaari mong i-upgrade ang iyong mga mandirigma upang maging mas malakas sila. Kung hindi mo patuloy na ia-upgrade ang iyong mga pusa, mahihirapan kang talunin ang mga kalaban. Gayundin, huwag huminto sa paggawa ng mga pusa kung napansin mong may sapat na pera upang maglabas ng isa pang pusa o i-upgrade ang mga ito kaagad. Maaari ka ring gumamit ng Cat Food para bumili ng mga battle item o boosters na tutulong sa iyo sa paglalaro. Higit pa rito, tandaan na ang iyong base ay may laser weapon na maaaring magamit kapag gitgitan na ang labanan at malapit na sila sa iyong base. Panghuli, gamitin ang iyong XP battle points para makakuha ng iba pang malalakas na cat fighters.

Related Posts:

Cash Frenzy™ – Casino Slots Review

Ace Defender: Dragon War Review

Pros at Cons sa Paglalaro ng The Battle Cats

Gaya ng naunang nasabi, ang laro ay naglalaman lamang ng mga simpleng sistema at mekaniks para tuluyan mo itong makabisado at magamit. Ang lahat ng labanan at pagle-level up ay hindi ganoong kahirap dito, kahit na ang mga misyon na itinalaga nila sa iyo. Matutuklasan mong ang application na ito ay isang napakahusay at nakatutuwang paraan para maalis ang iyong pagkabagot. Talagang kaaya-aya at nakaka-relax na panoorin ang iyong cute na mandirigmang nakikipaglaban sa isa pang cute na cat fighter. Maaari ka ring mag-upgrade sa laro o kung gusto mong mag-level up ng mas mabilis, maaari kang bumili mula sa kanilang mga in-app purchase para sa mga item na maaari mong maging advantage sa laban.

Ang isa pang mahalagang feature ng larong ito ay maaari mong ilipat ang data ng laro sa ibang device, kabilang ang iOS o vice versa. Sa settings ng laro, mayroong icon ng DATA TRANSFER. Mayroon ding mga mensaheng babasahin para sa mga susunod na anunsyo ng larong nagdedetalye sa mga misyong ilalaan sa iyo. Ang larong ito ay angkop para sa lahat ng edad at huwag ding mag-alala dahil ang lahat ng graphics at audio effects ay pambata at hindi rin ito naglalaman ng anumang karahasan.

Higit sa lahat, dahil mayroon lamang itong mga simpleng feature at isang sistema ng labanan, ang laro ay malinaw na nakakatanggap ng mga positibong tugon mula sa mga naglalaro nito. Mayroon itong mga natatanging pusa at isang simpleng base para sa parehong partido. Sa pangkalahatan, ang laro ay nagbibigay ng mataas na halaga ng entertainment para sa karamihan ng mga manlalaro, lalo na sa mga taong mahilig sa pusa. Marahil ay magiging lubhang kahanga-hanga kung magdaragdag sila ng mas matitinding tampok sa laro upang mapanatili ang interes ng mga manlalaro.

Konklusyon

Ang laro ay nakakalibang para sa mga manlalaro. Hindi ka nito bibiguing maaliw habang nakikipaglaban sa mga cute at nakatutuwang mga nilalang. Kailangan lang nito ng kaunting updates at nakaka-challenge na event upang gawin itong mas nakakaengganyo at mapanghamong laro para sa mga manlalaro.

Related Posts:

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...