Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG Review

Kung mahilig ka sa maaksyong role-playing games at sa challenging puzzle games, kinakailangan mong makilala ang Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG. Ang larong ito ay inilabas noong Hunyo 27, 2020 ng Fingerdance Games. Sa kasalukuyan, ito ay nakapagtala ng 100,000+ downloads sa Google Play Store.

Ang tungkulin ng mga manlalaro rito ay pamunuan ang isang kaharian. Kailangan nilang tiyakin na ito ay may sapat na resources upang umunlad at protektahan ito laban sa mga kaaway sa tulong ng Heroes mula sa Three Kingdoms era. Kinakailangan nilang maglaro ng puzzle game kung saan dapat i-match ang magkaparehong gems upang makapaglunsad ng atake. 

Paano i-download ang Laro?

Ang game app na ito ay available sa parehong Play Store at App Store. Libre itong mada-download sa Android at iOS running devices. Maaari mo rin itong laruin gamit ang laptop o desktop sa pamamagitan ng pag-download ng app at paggamit ng isang Android emulator tulad ng GameLoop. Para hindi ka na maabala sa paghahanap, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:

Download Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fingerdance.threekingdoms

Download Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG on iOS https://apps.apple.com/in/app/three-kingdoms-puzzles/id1492247541

Download Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG on PC https://www.gameloop.com/ph/game/role-playing/three-kingdoms-puzzles-match-3-rpg-on-pc

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang online game na ito ay kumbinasyon ng dalawang uri ng laro na nilapatan ng kawili-wiling storyline. Dadalhin ka nito sa panahon ng Han Dynasty ng sinaunang Tsina kung saan maaari kang mag-summon ng legendary heroes, magtayo ng sariling kaharian at sumali sa expeditions upang maghanap ng kayamanan at resources. Sa pamamagitan ng PvP gameplay nito, makipagkumpitensya ka sa ibang manlalaro mula sa buong mundo. 

Bago ka makakapagsimula sa laro, kinakailangan mong mag-log in. Kahit na maaari kang maglaro bilang guest, mas mainam pa ring mag-sign in upang mai-save ang iyong game data at pwede mong balikan ang iyong progress anumang oras gamit ang ibang device. Maaari kang mag-sign in gamit ang iyong Google o Facebook account.

Ang mga sumusunod ay mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa promising game na ito:

  • Gameplay

Para maka-level up sa laro, kinakailangang makumpleto ang mga partikular na mission sa bawat game level. Ang game missions ay may apat na categories: Expedition, Resources, Training at Construction. Ang dami at difficulty level ng mga ito ay patuloy na tumataas habang sumusulong ka sa laro. 

  • Heroes

May malaking papel na ginagampanan ang Heroes para protektahan ang iyong kaharian. Sila ay may iba’t ibang uri na depende sa kanilang elements: Earth, Fire, Wood, Water at Metal. May dalawang paraan upang makakuha ng heroes sa laro. Ang una ay sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila sa Training Camp at ang pangalawa ay sa pamamagitan ng pagpapanalo sa mga match kung saan pwede kang makakuha ng bagong hero bilang reward. 

Ang strength level ng isang bayani ay nakabatay sa kanyang stats: attack, health at defense points. Upang makapag-level up, dapat mong pataasin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-upgrade at pag-rank up. Para magawa ito, kinakailangan mong magsakripisyo ng isang hero upang madagdagan ang Hero Experience Points. Sa kabilang banda, kung nais mo namang i-ascend ang mga ito, kailangan mong makakuha ng Ascension items mula sa expedition missions. 

  • Expedition

Sa expedition, kailangan mong sumabak sa isang match laban sa ibang manlalaro para makapag-level up. Upang makasali rito, kinakailangan ng sapat na halaga ng Expedition Energy. Bagamat automatic itong nakukuha, kung sakaling gusto mong makakuha ng karagdagang halaga nito, pwede kang bumili sa game shop o kaya ay gumamit ng Energy Flask. 

  • Alliance at Quest

Kapag nakarating ka sa Level 4, maa-access mo ang Alliance System. Sa pamamagitan nito, maaari kang sumali sa alliances at makipagtulungan sa ibang manlalaro para talunin ang Titans. May hierarchy system na umiiral sa Alliance at ang iyong tungkulin at kapangyarihan ay nakabatay sa kung ano ang iyong posisyon sa samahan.

Maaari ka namang sumali sa Quest sa sandaling marating mo ang Level 6. May tatlong uri ng quests sa laro – Common, Uncommon at Rare.

  • Kingdom Structures

Ang ibat ibang structures at buildings na makikita sa laro ay may mahalagang papel na ginagampanan upang manalo. Ang sumusunod ay structures na makikita sa laro at ang kanilang tungkulin:

Stronghold – Ito ang pangunahing structure sa laro. Kinakailangan mo itong i-upgrade upang mai-upgrade rim ang ibang structures.

Mine – Dito kinukuha ang iron na isa sa mahahalagang uri ng resources sa laro.

Watchtower – Makakakuha ka rin dito ng iron at mga pagkain. Ito rin ay nagsisilbing imbakan ng resources. 

House – Dito naninirahan ang recruits at kapag nakumpleto na ang trainings nila, magiging bahagi sila ng iyong hukbo.

Forge – Ito ang pagawaan ng mga sandatang ginagamit sa mga labanan.

Training Camp at Barracks – Dito sinasanay ang mga recruits bago sila maging bahagi ng hukbo. 

Pros at Cons ng Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG

Marami ang na-eenganyo sa larong ito dahil sa de-kalidad at detalyadong storyline at animations nito. Ang combat-oriented gameplay nito ay nakakalibang at kapanapanabik. Hindi na rin kinakailangan pang gumastos sa pagbili ng in-app purchases dahil maraming paraan upang makakuha ng karagdagang rewards at resources sa laro. Madali at simple lang mag-level up subalit challenging pa rin ang mga hamon. Hindi nagiging boring at nakakaburyong ang laro kahit sa katagalan dahil palaging merong bagong features at iba’t ibang paandar na nagaganap sa bawat update. Higit sa lahat, ang phasing ng laro ay sakto lang para sa marami. 

Sa kabilang banda, may ilang mga bagay din na nakakapagpadismaya sa mga manlalaro. May mga pagkakataon kasing hindi ma-access ang laro dahil sa server issues. Nakakairita ang madalas na pagfi-freeze ng app at paglitaw ng glitches. Maraming baguhang manlalaro ang medyo nahihirapan sa pag-navigate sa laro dahil sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang game icons at ang gamit ng mga ito. Tila walang tigil din ang paglabas ng pop-ups na nakakaapekto ng malaki sa aktwal na game match. Higit sa lahat, ang gameplay nito ay hindi patas at ang pagpapalabas ng animations ay may katagalan din. 

Konklusyon

Ang larong ito ay may average rating na 4.4 stars mula sa halos 5000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, nakapagtala naman ito ng 4.7-star rating mula sa 6 reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, ang Three Kingdoms & Puzzles: Match 3 RPG ay may malaking potensyal na sumikat at kilalanin. Subalit, ang technical issues nito ay kailangan talagang magawan ng paraan upang hindi madismaya ang karamihan sa mga manlalaro nito. Sa kasalukuyan, wala pa itong binatbat kung ikukumpara sa mga kasabayan nito. Gayunpaman, kung naiintriga ka sa features at game mechanics nito, maaari mo pa rin itong subukan. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...