Warship Legend: Idle RPG Review

Ang konsepto ng Warship Legend: Idle RPG ay hango sa maritime warfare. Ito ay isang role-playing game na inilabas ng Skymoons Technology Inc. noong Enero 14, 2020. Sa kasalukuyan, ang game app ay nakapagtala ng mahigit sa isang milyong downloads sa Google Play Store.

Ang mga larong nakasentro sa naval war theme ay bihira lang ngunit ang mga ito ay puno ng saya at excitement. Sa larong ito, ang mga manlalaro ay gaganap bilang commander ng hukbong-dagat. Upang manalo, kailangan nilang harapin ang iba’t ibang hamong nangangailangan ng mahusay na pagpaplano at tamang diskarte. Ang pangunahing layunin dito ay makabuo ng pinakamalakas na hukbo, talunin ang lahat ng kalaban at maging pinakamagaling na pinuno sa lahat.

Paano I-download ang Laro?

Available ang game app na ito sa Google Play Store at sa App Store. Ito ay libreng maida-download sa mga Android at iOS device. Kung nais mong laruin ito sa devices na may mas malaking gaming screen tulad ng laptop o desktop, kailangan mong i-download ang APK file sa computer at gumamit ng Android emulator upang i-run ito. Para mapadali ang iyong pagda-download, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Warship Legend: Idle RPG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.special.warshiplegend.idle.asia

Download Warship Legend: Idle RPG on iOS https://apps.apple.com/ph/app/warship-legend-idle-rpg/id1486294817

Download Warship Legend: Idle RPG on PC https://pcmac.download/app/1486294817/warship-legend-idle-rpg

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang larong ito ay angkop para sa lahat ng mga manlalaro, baguhan man o bihasa. Swak din ito sa mga mahihilig sa idle strategy games at action games. Ang Warship Legend: Idle RPG ay may iba’t ibang game modes at natatanging features na magdadala sa’yo sa mundo ng digmaang pandagat.

Upang manalo at malampasan ang mga hamon, kailangan mo ng sapat na kaalaman tungkol sa larong ito. Ang game mechanics nito ay simple, subalit maaring magdulot ng pagkalito ang kakaiba nitong gameplay at features. Huwag mag-alala dahil sisiguraduhin ng Laro Reviews na lahat ng mahahalagang bagay tungkol sa laro ay iyong malalaman. 

Bago simulan ang iyong maaksyong paglalayag, kinakailangan mong mag-sign in sa laro. Upang magawa ito, i-link lang ang iyong Google Play o Facebook account sa laro.

  • Game Modes

Ang laro ay may iba’t ibang game modes: Daily Instances, Cruise, War Games, at ang classic na PvP. Pwede kang makakuha ng resources tulad ng cash, warship EXP, warship materials at shards sa Daily Instances mode. Sa kabilang banda, kung nais mong maglakbay sa malawak na karagatan, maaari mong piliin ang Cruise mode. Para sumabak sa War Games mode, kinakailangan mong i-click ang Training Center. 

Kakaiba ang PvP mode nito kumpara sa karamihan. Hindi kasi ito real-time at sa halip ay gumagamit ng auto mode. Bago ka sumugod, maaari mong pag-aralan muna ang mga sasakyang pandigma ng kalaban at gumawa ng plano. Lahat ng labanang magaganap ay ginagamitan ng anim na ship fleets kaya piliing mabuti kung ano ang iyong mga gagamitin. Para makapag-level up, kinakailangan mong ipanalo ang mga labanang gaganapin sa magkakaibang anyo ng tubig.

  •  Uri ng Warships

Ang Warships sa larong ito ay nabibilang sa limang categories: Destroyer, Submarine, Aircraft Carrier, Frigate, at Supply Ship. Ang unang apat na uri ng warships ay ginagamit sa aktwal na pakikipaglaban dahil kaya ng mga itong umatake at magdulot ng malaking pinsala sa mga kalaban. Sa kabilang banda, ang Supply Ships naman ay nagsisilbing support sa hukbo. Ang mga ito ang tumutulong na mapanumbalik ang kanilang health level at attack capabilities. Bukod dito, ang warships ay may iba’t ibang grades din depende sa kanilang efficiency at raw power. Ugaliing i-check ang description ng warships ng iyong mga kalaban at pumili ng mga kayang labanan ang mga ito. 

  • Armaments

Ang Armaments ay may malaking tulong sa pagpapalakas ng attack levels ng iyong hukbo. Ito ay mga special item na may kakayahang pataasin ang stats ng Warships. Ang bawat Warship ay pwedeng lagyan ng hanggang sa anim na uri ng Armaments. Nagdudulot ang mga ito ng iba’t ibang boosts tulad ng health, attack o defense boosts. 

  • Missions at Achievements

Bukod sa rewards na mapapanalunan, may iba pang mga paraan upang makakuha ng resources. May game missions at achievements na kailangan mong kumpletuhin kapalit ng karagdagang supply ng resources. Ang missions ay mas madali kung ikukumpara sa achievements. Nari-reset din ito araw-araw, samantalang ang achievements ay hindi nagbabago hangga’t hindi ito nakakamit. Ang Daily Mission Icon ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng main menu screen, habang ang achievements naman ay matatagpuan sa Archives Bureau.

Pros at Cons ng Warship Legend: Idle RPG

Ang larong ito ay popular sa marami dahil ang warships na tinatampok dito ay hango sa actual warships. Sapat rin ang resources na pwedeng makuha ng mga manlalaro sa unang game levels. Ito ay may kaakit-akit at de-kalidad na graphics at animations. Ang sound effects nito ay bagay din sa tema at konsepto ng laro. Kapansin-pansin at detalyado rin ang game character designs. Ang haba ng bawat match ay sakto lang at hindi katulad ng karamihan sa idle RPGs na medyo may katagalan. Ang gameplay at game mechanics nito ay simple at madaling matutunan ng karamihan. Kung sakali namang kinakailangan talaga ng manlalarong gumamit ng in-app purchases, maraming abot-kayang packages na mapagpipilian dito na talagang swak sa budget. 

Sa kabilang banda, hindi maiiwasang may mga kapintasan din ang Warship Legend: Idle RPG. May ilang manlalarong nahihirapang mag-upgrade ng kanilang warships, samantalang ang iba naman ay nakararanas ng ilang technical issues sa pag-update sa app. Kapag nakarating ka na sa matataas na game levels, malaki ang posibilidad na kinakailangan mo talagang gumastos ng pera upang makausad sa laro dahil nagiging kakaunti na lamang ang resources. Gayundin, patuloy ring nakakaapekto sa actual na gameplay ang madalas na pagkakaroon nito ng server issues. Marami rin ang nadismaya sa bagong updates dahil naging mas kumplikado at mahirap na itong laruin kumpara dati

Konklusyon

Ang laro ay may average rating na 4.2 stars mula sa mahigit 20,000 reviews sa Google Play Store. Samantala, nakatanggap ito ng mas mababang rating na 3.6 stars mula sa pitong reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay sadyang nakakadismaya. Bagama’t ang game mechanics at features nito ay mahusay, ang gameplay naman nito ay hindi maayos at hindi patas. Karamihan sa mga manlalaro ay nagbigay ng negatibong feedbacks tungkol sa game execution nito. Kung may balak kang subukan ang laro, mas mainam na isaalang-alang mo muna ang pros at cons nito bago magpasya.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...